Chapter Eleven

7.6K 236 2
                                    

Richiel

Katatapos ko lang magluto para sa hapunan nang marinig ko ang ugong ng sasakyan ni Jemimah na papasok sa garahe. Tinapos ko na ng mabilis ang paghahain bago hinubad ang apron at mabilis na pinagbuksan ko ng pinto si Jemimah. Babatiin ko sana siya nang matigilan ako.

"May kasama ka," ang nasabi ko na lang habang nakatingin sa babaeng nasa likuran ni Jem.

"Kapatid ko. Si Dustin," ang sagot ni Jem saka hinalikan ako sa noo.

Kapatid? Hindi ko inakalang may kapatid siya. Hindi naman kasi niya nababanggit kahit noon.

"Dust, si Richiel. Girlfriend ko," sabi naman ni Jemimah sa kasama.

"Hindi na ako nagulat," labas sa ilong na sabi naman ni Dustin saka umupo sa sofa.

Okay. May attitude din ang kapatid ni Jem.

"Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko, Rich. Pregnancy hormones."

"Buntis siya?" gulat na bulong ko sa kanya.

Tinaas-baba lang niya ang kilay saka hinila ako paakyat ng hagdan hanggang sa makarating kami sa kaisa-isahang guest room dito sa bahay niya.

"Nailipat mo na ba ang mga gamit mo sa kuwarto ko?"

"Oo. Bakit? Dito na ba titira ang kapatid mo?"

"Nope. Just for tonight. Isasama ko siya sa firm bukas. Ipapasok ko siyang secretary ni Cashmere. Ayaw naman niyang dumipende sa akin kaya hayayaan ko siya sa gusto niya."

"Pero paano ang ipinagbubuntis niya?"

"Hindi naman ganoon kahirap ang trabaho doon. Sigurado naman akong hindi pahihirapan ni Cash si Dustin," sagot ni Jem saka inilagay sa isang tabi ang dala niyang bag. Mga gamit siguro ni Dustin.

"Nasaan ba ang lalaking nakabuntis sa kapatid mo?" tanong ko pagkaupo ko sa kama.

"Sa kasamaang palad, nakakulong siya sa presinto," sagot niya saka bumuntong-hininga. Isinasalansan niya ang mga gamit ni Dustin sa isang malinis na maleta.

"B-bakit?"

"Drug pusher at user. Pumatay siya ng tao at muntik ng makagahasa ng isang menor de edad."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Isang kriminal ang nakabuntis kay Dustin.

"Paano si Dustin?"

"Kaya na niya ng mag-isa siya. Kahit naman mag-offer ako ng tulong tatanggihan at tatanggihan niya. Kaya hahayaan ko siya sa gusto niya."

Ngayon ko lang na-realize na wala pa talaga akong masyadong alam kay Jemimah. Natatakot din naman akong magtanong kasi baka ma-offend siya. Baka may masabi akong mali.

Gusto ko malaman ang lahat sa kanya. Ni hindi ko nga kilala ang mga magulang niya samantalang nakilala na niya ang mga magulang ko. Tapos malalaman ko pa ngayon na may kapatid siya. Ang dami kong hindi alam tungkol sa life events niya.

"Kumain na tayo para pare-pareho na tayong makapagpahinga. Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

Ngumiti lang ako saka tumango. Malalaman ko rin ang lahat tungkol sa kanya. Medyo matatagalan nga lang.

* * *

Jemimah

"Good afternoon, Attorney Contreras."

Nginitian ko lang si Jasmine pagpasok namin ni Dustin sa opisina ko dito sa firm namin sa Calamba. Ngayon ko na kasi ipapakilala si Dustin kay Cashmere.

See You Again (GirlxGirl) COMPLETEWhere stories live. Discover now