Kabanata 7

427K 15.9K 4.5K
                                    

#JustThisOnce

Kabanata 7 

Ilang beses kong inisip iyong inaalok na trabaho sa akin ni Parker. Wala namang mawawala sa akin kung tatanggapin ko. Kaya ko naman iyong pinapagawa niya. At bonus pa na libre ang magiging tuition ko sa law school. And as hard as I tried to think of cons, wala akong maisip. His offer was too good to be true... And that's precisely the problem.

Why was he being too nice to me? Ni hindi niya ako kilala. We met a few times—inutangan ko siya at binigyan niya ako ng 91 thousand. He practically saved me from Tristan... and now, he's giving me a chance to turn my life upside-down.

God, he's weird! Ganito ba talaga ka-weird ang mga mayayaman? Kung ano na lang ang ma-trip-an na gawin?

And today, I shall see Parker again. Dati naman hindi ko siya nakikita sa bahay niya. Pero ngayon, palagi ko na lang siyang naabutan. And most often than not, he looked pissed—lalo na kapag pinupuntahan siya nung Preston.

Busy ako sa paglilinis nung makita ko na pababa ng hagdan si Preston. Once a week, pinupuntahan niya si Parker. Para tuloy siya ang guardian ni Parker.

"Hey," sabi ni Preston at huminto sa harap ko. Napa-tayo ako nang tuwid. "Genesis, right?" sabi niya at tumango ako. Bakit ang gwapo ng best friend ni Parker? Wala bang pangit na kaibigan si Parker? Kasi kahit iyong Benj at Jackson ang pumunta sa bahay, parehas na gwapo rin, e.

"Bakit?" tanong ko. Hindi naman kasi kami nag-uusap nito. Madalas ko lang siya na nakikita kasi nga nate-tyempuhan ko na kapag duty ko na maglinis, iyon din iyong araw na chine-check niya kung buhay pa si Parker. Totoo naman kasi na aura ni Parker, may vibes siya na bigla na lang tatalon sa tulay.

"I'll be gone for two weeks. Can you check on Parker for me?"

Agad na kumunot ang noo ko. "Ako?"

He nodded. "Yeah."

"Bakit ako?"

He shrugged. "Why not?"

"Kasi... hindi naman kami close ni Parker para bantayan ko siya?" tanong ko na naguguluhan. Ang gulo namang kausap nitong si Preston. Gwapo nga silang magkakaibigan pero ang gulo nilang kausap. You can't have it all talaga.

"You don't have to be close to care. Siguraduhin mo lang na hindi nagbigti, ayos na," he said, his hands tucked inside his pockets. Nanatili na naka-kunot ang noo ko. "Look, I won't ask you if not necessary. Or do I need to pay you para bantayan siya?"

God. Puro pera na lang ba sa mga mayayaman na 'to?

"Fine, sisiguraduhin ko na hindi siya magbibigti. Okay na?"

He nodded. "Cool. Pero maraming technique si Parker kaya 'wag kang masyadong magfocus sa lubid," sabi niya bago tumalikod, kumaway, at umalis. Ang weird talaga ng magbest friend na 'to. Paano sila nakakatagal sa isa't-isa? Tuwi kasing pumupunta si Preston dito, palagi ko silang naririnig na nagsisigawan, pero so far, hindi pa naman sila nagsusuntukan. Sana 'wag. Sayang naman 'yung mukha nila kung masisira.

Nang makaalis si Preston, tinuloy ko na iyong paglilinis. Maaga kasi akong natulog dahil alam ko na sa gabi, guguluhin na naman ako ni Tristan. Seriously, ginagawa niyang hobby na dumaan sa apartment pagkatapos ng 7pm class niya. Kailangan tuloy na maaga akong matulog para hindi ko siya marinig na kumakatok.

I was already done cleaning at aalis na sana ako ng maisip ko na hindi pa kumakain si Parker. Gustuhin ko man na umalis, hindi naman kaya ng konsensya ko... tama nga kasi si Preston. Hindi man kami close ni Parker, may care naman ako sa kanya. Si Tristan nga na ginago ako, nagawa kong bayaran ang tuition, e. Si Parker pa kaya?

Just This Once (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon