Kabanata 22

391K 13.6K 4.9K
                                    

#JustThisOnce

Kabanata 22 

When Maven gave me the book, he just looked at me while his hands were crossed over his chest. Naka-sandal din siya sa gilid ng pintuan at naaalibadbaran ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

"Don't worry, pupunta ako," sabi ko sa kanya habang nilalagay sa bag ko iyong libro na binigay niya.

"Don't sweat it. You'll just get bored at the party," he said.

"So... pwede na hindi ako pumunta?" tanong ko habang naka-kunot ang noo. I really didn't get his deal. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari. Sobrang gulo niyang kausap at tuwing may sasabihin siya sa akin, kahit gaano pa siya kapani-paniwala, palagi kong sinasaksak sa isip ko na si Maven ang kausap ko. He's not one to be trusted.

"Sure," he said. "I'm sure you'd like to talk with your boyfriend more... that is if he's not with Imo," nang-uuyam na sabi niya.

Arguing with Maven was futile. He'd just keep on attacking me hanggang sumuko na ako. Napapagod na ako makipagtalo sa kanya. Napapagod na ako na pasukan iyong isip ko ng kung anu-ano tungkol kay Parker. Ni hindi na nga ako mapakali sa mga sarili kong naiisip, tapos dadagdagan pa niya?

"Look, Maven," sabi ko nang kalmado. "I will help you with your problem. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magpanggap na girlfriend mo because clearly, you can get anyone anytime," pagpapatuloy ko. He's the Maven de Marco. I was sure that girls would do anything to get a piece of him. Too bad that I wasn't most girls.

And I just wanted to get this over with. Magpapanggap ako na girlfriend... at eventually, gagawa din ako ng paraan para maghiwalay kami. Kung hindi magawan ng paraan ni Maven, ako na lang ang gagawa. Ayoko na ng problema.

At kay Parker pa nga lang, sobrang problemado na ako... dadagdagan ko pa ba?

"But for me to be able to help you, I have a condition," sabi ko at napansin ko na nakahalukipkip lang siya at naka-tingin sa akin. "Please stop poisoning me mind."

Ayokong masaktan ulit... pero mas lamang sa akin iyong ayaw kong masaktan si Parker. Dahil sa mga nangyayari, alam ko na kapag nagpatuloy ito, pareho lang kami na masasaktan. He's clearly not yet over Imo and I was doubting his every move.

Na para bang kahit ano ang gawin niya, kahit ano ang sabihin niya, hindi ko magawang maniwala na wala na talaga. Na tapos na talaga.

Nanatili ako na naka-tingin kay Maven, hinihintay ang sagot niya. Alam ko naman kasi na hindi ko siya magagawang iwasan dahil nasa iisang college lang kami... at kahit subukan ko, hindi ko alam pero nagku-krus pa rin iyong landas namin. Tapos nakilala pa ako ng Mama niya. Mas nagiging mahirap lang iyong sitwasyon.

"If you really trust Parker, no amount of words from me can make you doubt him," sabi niya habang makahulugan na naka-tingin sa akin.

He took a step forward. "You know what this means, Abby?" he said while his eyes never left mine. "It means that you never trusted him in the first place."

"I trust him."

Maven arched his brow. "Really? Then why does a single picture bother you?" tanong niya. Napaawang ang labi ko dahil napansin niya pala na naka-tingin sa kanina sa phone niya. "It's just a picture, Abby, but you're already this bothered... what more if you learned about everything?"

"Shut up."

He just grinned. "Why are you even with him if you don't trust him?" tanong niya sa akin.

"I like him," pagtatanggol ko sa relasyon namin ni Parker.

"Yeah, sure, I could see that you like him so much that you don't trust him," he said, mocking me.

Just This Once (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon