Kabanata 8

431K 15.5K 5.5K
                                    

#JustThisOnce

Kabanata 8 

It was hard to keep my promise to Parker when Tristan made it his life's mission to bother me. Nung kami pa, ni hindi siya makauwi ng apartment dahil sa dami ng inaaral niya. Ngayon na wala na kami, parang gusto niyang tumira sa paligid ng apartment ko para lang guluhin ako. If not for the history we shared, kukuha talaga ako ng restraining order laban sa kanya. He's being too much!

Maaga akong naghanda dahil unang araw ko sa trabaho ko kay Parker. Hindi ko alam kung legit ba na trabaho dahil wala naman siyang nabanggit na SSS o GSIS o PAG-IBIG na benefits. Pero ano bang pakielam ko? Libre na 'yung tuition ko, mag-iinarte pa ba ako?

Mabuti na lang at wala si Tristan sa labas ng apartment kaya naman nakaalis ako nang maluwalhati. Agad akong pumunta sa bahay ni Parker. He didn't mention any time pero dahil professional akong tao, papasok ako ng 8 am at uuwi ng 5 pm para office hours talaga ang peg.

Pagdating ko sa bahay niya, as usual ay walang tao. Hindi ko alam kung paano nakakatagal si Parker na siya lang ang tao sa bahay... It's kinda sad and scary, at the same time. Nabanggit na ni Parker sa akin iyong sa tatay niya pero ayoko naman na magtanong. It was obvious that his father was a sore topic for him. Ayokong pakielam ang mga bagay na wala namang kinalaman sa akin.

"Hindi ko alam ang gagawin ko sa 'yo..." I mumbled as I stared at his sleeping form. Naka-subsob ang mukha niya sa lamesa habang nagkalat ang mga highlighers at ballpens sa lamesa niya. Maybe he's really trying to kill himself by studying.

"Imogen, whoever you are, ang swerte mo..." pagpapatuloy ko. Parker's doing his best to be busy. Hindi ko man siya lubusang kilala, ramdam ko na ginagawa 'to ni Parker para mawalan siya ng panahon na isipin ang mga bagay na makakasakit sa kanya. Ganoon din kasi ako. Hangga't maaari, gagawin ko ang lahat para hindi na pumasok pa sa isipan ko si Tristan...

Siguro nga pareho kami ni Parker. Parehong nasaktan. Parehong sinusubukan na mabuhay kahit mahirap.

Tahimik ako na bumaba para magluto. I figured I should cook for Parker. Sigurado ako na hindi pa kumakain iyon simula kagabi. Napansin ko kasi na hindi siya mahilig kumain kapag siya lang. Siguro kagaya nang sinabi niya na malungkot kumain kapag mag-isa.

God, ang lungkot niya talagang tao. Parang gusto ko na lang na pangitiin siya at ipaalam sa kanya na life's still worth living.

I prepared pancakes and bacon for him. Bilang assistant niya, kailangan ko na rin na malaman ang mga gusto niyang kainin. Gusto ko siyang tanungin pero minsan, ang hirap kasing tanungin ni Parker. His mood's constantly changing. Para siyang panahon na paiba-iba. Siguro si Preston na lang ang tatanungin ko.

When I was done eating, umakyat na ako para gisingin si Parker. I gently nudged him. "Parker..." I called his name. He was stirring so I continued to slighly shake him. "Hey..." I cooed. Dahan-dahan na dinilat niya ang mata niya. "Breakfast," I said.

"What?" he said with his raspy voice.

"Kain ka na," I continued.

"It's Sunday," he said in his half-asleep state. "Why are you here?"

Pinilit ko na sumagot kahit medyo na-distract ako sa itsura niya. Gulu-gulo ang buhok niya at para inaaninag niya pa ako. Ngayon ko lang siya nakita ng hindi naka-suot ng salamin. Ang ganda pala ng mata niya...

"Ah... nagluto ako," I said, trying my best to stay focused.

"Why?" he said, his voice still rough. Tumayo siya at nag-inat. Nanlaki ang mga mata ko nung sumilip ang V-line sa bewang niya. God, Genesis! Nakita mo na ng hubu't-hubad 'yang si Parker kaya bakit affected ka sa ganyan?!

Just This Once (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon