Kabanata 16

420K 17.1K 8.1K
                                    

#JustThisOnce

Kabanata 16 

Nung midterms week na, nagpaalam ako sa law firm kung pwede na hindi muna ako pumasok dahil hindi na talaga kakayanin ng katawan ko kung papasok pa ako roon habang nagrereview. The exams would make or break my first sem here in SCA. Kapag mababa ang grades ko, matatanggal ako sa scholarship ng firm.

"You should talk to Mr. Palma," iyon lang ang sabi sa akin nung head sa department na pinagta-trabahuhan ko.

I sighed while walking to Parker's office. The last time we talked was rather unpleasant. Nainis kasi ako na sinasabihan niya ako kung sino ang dapat at hindi dapat na kausapin ko. I mean, siya nga galit na galit nung nakikielam ako sa unrequited love niya, tapos siya feeling niya pwede niya akong pakielaman?

I knocked once bago ko binuksan iyong pinto sa office niya. He was busy, like usual, pero tinignan niya ako nang marinig niya ang boses ko. "Can we talk?" I asked.

He nodded and then put down the pen he was holding. Naglakad lang ako hanggang sa nasa harap na ako ng lamesa niya. "Sit," he said.

"Kahit hindi na. It'll be fast," sagot ko at saka tinignan siya ng diretso. "Since it's midterms, pwede ba na hindi muna ako pumasok?"

"Alright," he quickly replied.

"Great. Thanks," sagot ko at saka tumalikod para lumabas. Pero bago pa man mabukas iyong pinto, nagsalita ulit siya.

"Do you need help?" tanong niya.

"Ha?"

"I can lend you old exams."

Agad na kumunot ang noo ko. What was his deal? Lumipas ang tatlong buwan na para kaming hangin na kapag dumadaan, walang pansinan. Tapos biglang ganito siya? Ano? Kabilugan ba ng buwan at magta-transform siya anytime?

"Why?" I asked.

"Just being helpful."

I eyed him carefully. I didn't want to tread this way again. Ganito rin iyong nangyari dati. He offered help... and then shut me out the moment I let myself get too close. Ayoko na mangyari ulit 'yun. I didn't want the same emotional trauma he made me go through.

"Thanks, but I can manage," I respectfully declined his offer. It was better this way, anyway. Mas mabuti na magkaroon kami ng distansya sa isa't-isa dahil mahirap lumapit sa tao na ayaw ng tulong. And I knew myself. Ako iyong klase ng tao na tutulong kahit hindi naman hinihingi ang tulong ko. I just couldn't help it.

Pagkaalis ko sa firm, dumiretso ako sa college library dahil nandoon iyong ibang libro na kailangan ko. I couldn't afford to buy all the books dahil masyadong marami at masyadong mahal. Hindi rin naman sobrang kapal ng mukha ko para ipasagot pa sa firm ultimo libro ko.

I was in the middle of memorizing the articles word for word nang may maramdaman ako na tumabi sa akin. I needed not to turn my head para malaman na si Maven iyon. He just... smelled like Maven. He smelled expensive, but in a way, he also smelled annoying. He reminded me of my brief time in jail.

"Hey, Abby," sabi niya. I ignored him dahil iyon lang naman ang paraan para tigilan niya ako. If I give him attention, mas lalo niya lang akong bu-bwisitin.

And when he stretched his arm and rested it on my shoulder, hindi ako nakatiis at pasimple kong sinaksak iyong binti niya nung pencil. Dadagdagan ko talaga 'yang butas sa katawan niya kapag hindi niya ako tinigilan!

"Fuck!" he cursed.

"May gunting ako sa bag, babaklasin ko 'yang tahi sa balikat mo, sinasabi ko sa 'yo," I warned him.

Just This Once (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon