Kabanata 12

445K 14.3K 5.6K
                                    

#JustThisOnce

Kabanata 12 

The next few days were normal. Busy si Parker dahil sa huling araw ng finals niya. Akala ko medyo luluwag na iyong schedule niya pero kapag pala bakasyon niya, halos sa law firm naman nila siya tumitira. He assisted in depositions and in some paper works na kaya niyang gawin. I was impressed dahil talagang dedicated siya sa pagiging abogado pero minsan, nakakaawa din. Kung hindi ko lang talaga siya kinukulit na kumain sa tamang oras, sigurado ako na magcocollapse na siya sa sobrang dami ng ginagawa niya.

Sa tuwi ring hawak niya iyong cellphone niya, hindi ko maiwasan na kabahan. Alam ko kasi na magagalit siya sa akin kapag nalaman niya iyong ginawa ko. And I knew I shouldn't have done that. It wasn't my place to decide. But it was maddening to see him go around in circle. Paulit-ulit. Palagi niyang tinitignan iyong mukha ni Imogen.

He's so fucking in love with her.

"Lunch na," I reminded him habang nakaharap siya sa isang pile ng mga papel na binabasa niya. Hindi nauubos ang binabasa niya. Palaging may nadadagdag.

"Yeah," he mindlessly replied while his eyes were still busy scanning the paper. "Go first."

I sighed and then went oustide. Mabilis lang akong kumain tapos binilhan ko na lang siya ng pagkain. Pansin ko kasi na kapag immersed na siya sa ginagawa niya, hindi na talaga mapapaalis si Parker sa upuan. He's workaholic—or studyholic. Basta doon lang talaga naka-tuon ang atensyon niya.

"Ako na lang ang magttranscribe. Kain ka na," I volunteered. Halos isang oras din kasi iyong deposition para sa case na tumutulong si Parker. Ni hindi pa nga siya natatapos sa pagbasa doon sa mga restrictions, kaya alam ko na kung hindi ako tutulong sa pagtranscribe, malamang e dito na naman siya matutulog—na ginagawa niya simula nung matapos iyong klase.

While he was eating, his phone rang. Ganito yata kapag guilty ka sa isang bagay na ginawa mo, palagi ka na lang kinakabahan.

"What?" Parker replied upon answering the phone. Alam ko na si Preston ang kausap niya. Dalawa lang naman kasi ang sinasagot na tawag ni Parker—iyong tawag ni Preston at ng Papa niya. Tapos sa iba, text lang. He's the enclosed. Ayaw niya na talaga na magpapasok pa ng ibang tao sa buhay niya.

"Nasa office," he replied. He closed his eyes at saka sinandal iyong ulo niya sa headrest. Ilang araw na rin siyang late matulog kaya alam ko na hindi na mabuti ang pakiramdam niya.

"I don't know. Maybe tonight. Why?" he said again.

I tried to focus my attention on what I was doing. Nilakasan ko iyong volume nung pinapakinggan ko kasi ayoko na na makinig sa usapan nila Parker at Preston. I felt guilty enough sa ginawa ko... but even then, I didn't regret my decision. I didn't care if I'd look like I was the bad guy in Parker's perspective. I just wanted him to move on—isang bagay na hindi niya magagawa kung palagi niyang tinitignan iyong mukha nung babae na dapat niyang kalimutan.

The hours passed by quickly. Hindi ko namalayan, gabi na pala. Naghahanda na sana akong umuwi nung sabihin na Parker na may pupuntahan pa kami.

"Do you have plans for tonight?"

"Depends. Bakit?"

"Preston's asking us to come over." Biglang namutla ako. Gosh. Nalaman na kaya ni Preston iyong ginawa ko? At saka hindi ako ready na makita si Preston. Naaalala ko na naman iyong mga sinabi ko sa kanya.

"Why?" Parker asked. "Ayaw mo ba?"

Dahan-dahan akong umiling. "H-ha? Hindi naman..."

"So, do I tell him that we're coming or?" tanong niya sa akin.

Just This Once (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon