Kabanata 26

372K 11.9K 4.5K
                                    

#JustThisOnce

Kabanata 26 

"If you're just going to sigh and look miserable all day, get out of my sight," Maven said after I sighed for the tenth time today. Hindi naman ako offended sa sinabi niya dahil alam ko na hindi talaga ako masayang kasama lately. Palagi na lang akong tahimik o malungkot o depressed sa mga grades ko.

"Sorry," sabi ko. Tinuon ko ulit iyong pansin ko sa binabasa ko. I tried to concentrate, but my mind was somewhere else. I kept on thinking about Parker. I was worried about him, but I didn't know how to reach him. Magkakasalubong pa lang kasi kami, sa ibang direksyon na agad siya pupunta. Kahit hindi siya naka-tingin sa akin, ramdam ko na alam niyang nandoon ako at kailangan niya akong iwasan.

A silent hour passed and we both took our study break. Medyo umaayos naman ng konti iyong grades ko kumpara sa last time. Naka-tulong iyong tips na binibigay ni Maven. Minsan nung naiyak ako sa quiz ko, sa sobrang bwisit niya siguro sa akin, hinanap niya iyong old quizzes niya sa subject na iyon at binigay sa akin.

Maven's kind... sometimes. Depende sa mood niya.

"Tutal matalino ka naman, I have a question."

Break time namin mula sa puspusan na pag-aaral dahil parating naman ngayon ang finals. Pero sa break time namin, nagbabasa pa rin siya. Non-fiction tungkol sa government. Nerd talaga 'to.

"Why do you hate Parker?"

"I don't hate him."

I arched my brow. "Hindi mo pa siya hate sa lagay na 'yan?"

"Hate is too strong a word, Abby. I just dislike him," sabi niya habang diretso pa rin sa libro ang mga mata. There were many things that I wanted to know about Maven. But unlike all the books he's reading, he, himself, wasn't exactly an open book.

"But seriously, may history ba kayo ni Parker?" tanong ko sa kany.

"Why are you so curious?"

I shrugged. "I'm just taking your advise," sabi ko sa kanya.

"What advise? I gave you way too many," sabi niya kaya napairap naman ako. In some weird twist, Maven and I ended up as friends... kung friendship man na matatawag ang meron kami. He's just always there ready to slap some reality kapag napapalayo na naman ako sa katotohanan.

Maybe we all needed a friend like that. Iyong hindi matatakot na saktan ka basta masigurado lang niya na alam mo iyong ginagawa mo.

"I'm just trying to make myself better, stronger."

"Why? Are you hoping that Parker will still get back with you?"

I sighed. "Honestly? I will always hope... pero alam ko na hindi pa sa ngayon. Malayo pa siguro. Pero habang hindi pa maayos, I will just work on myself. Para kapag ready na siya, ako na iyong tao na deserve niya," sabi ko at saka tipid na napa-ngiti. "Kasi 'di ba sabi mo deserve ni Parker iyong tao na matatag para sa kanya?"

Maven remained silent.

"Anyway, ano nga iyong meron? Bakit parang magkaka world war 3 kapag nagkikita kayo ni Parker?"

I got excited nung isara ni Maven iyong libro. Minsan ko lang kasi talaga makuha iyong buong atensyon niya dahil madalas, sa libro siya nakatutok. Sabi niya nga kasi, I have a reputation to uphold.

"I don't think you'd want to hear it," sabi niya.

"Ha? Bakit naman?"

"It's connected with Imo."

Natigilan ako sandali pero mabilis din naman akong naka-recover. "Okay lang!" I said with a smile on my face. Maven looked weirded out by my reaction. "If you must know, nakakausap ko minsan si Imo sa FaceTime," sabi ko na mas lalong kina-kunot ng noo ni Maven.

Just This Once (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon