Chapter 20

21.3K 803 222
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 20

"Okay ka lang ba?"

Napalingon ako kay Mama at narealize na mejo padabog ang pagtatabi ko ng mga nahugasan nang plato.

"Okay lang po." Sagot ko. "Sorry kung medyo maingay ako. Mag-iingat na ako."

Lumapit si Mama sa akin at pinunasan ang luhang hindi ko napansing tumutulo na pala.

"Genesis, kung gusto mo pag-usapan, andito naman ako."

Umiling lang ako at tinalikuran na siya. Hindi ko na kayang magsalita pa kasi alam kong pipiyok lang ako at mabubulol dahil sa patuloy kong pag-iyak. 

"Sige," mahina ang boses ni Mama, "pero pag kailangan mo ng kausap nasa kwarto lang ako."

Nilinis ko na yung lababo at naghugas ng kamay. Mas gusto kong may ginagawa ngayon, kahit pa simpleng gawaing bahay lang. Basta makalimot kahit saglit sa alaalang iniwan sa akin ni Raegan at Mam Rina.

Tumunog ang cellphone ko, si Alexa tumatawag na naman.

"Gene?"

"Buhay pa ako." Agad kong sagot. "Wag ka na masyadong mag-alala sa akin."

"Eh kasi..."

Huminga akong malalim. "Susunduin mo ba talaga ako?"

"Oo."

"Alam mo namang hindi mo na ako kailangang samahan."

"Hindi natin alam kung anong gagawin niya." Nasasaktan din ang pagkakasabi niya noon. "Seryoso ka na ba talaga?"

"Alexa, kung susunduin mo ako, pumunta ka na dito bago ako umalis mag-isa."

"Teka lang,papunta na ako. I'll be there in thirty minutes."

"Okay, mag iingat ka."

"I will." Sagot niya. "And, Gene?"

"Yes?"

Natahimik saglit si Alexa. "Never mind. Sige na, mag-ayos ka na. Bye."

"Good bye."

Pumasok ako sa kwarto ko at muling huminga ng malalim. Kailangan ko na siya harapin ulit. Hindi ko na pwedeng patagalin 'to.

"Sky,"

Napapikit ako sa sakit. Simula kahapon parang naririnig ko pa rin yung boses niya, yung sinabi niya, yung pagmamakaawa niya. Di ko pa nakakalimutan yung nahihirapan niyang itsura...

Yung itsura niya...

Pagod na ako pero hindi ko pa rin kayang matulog. Pakiramdam ko ay babangungutin lang ako. Hindi ko ata kayang makita ulit yung nakita ko, kahit sa panaginip lang.

"Sky,"

Napaupo na lang ako sa kama ko. Nanghihina na ang mga tuhod ko.

"Sky,"

Napatingala ako sa kisame, pinipilit labanan yung pagtulo ng mga luhang hindi maubos ubos.

"Sky,"

Pano mo nagawa sakin yun, Sky? Akala ko ba ako ang langit mo? Ang taong kumukumpleto sa mundo mo?

"Sky,"

"Sky,"

"Sky,"

Hindi ko na kaya. Napahagulgol na lang ako sa sakit. Bakit kailangan ko makita yun? Bakit kailangan kong maramdaman to? Bakit kailangan namin pagdaanan to?

Split AgainWhere stories live. Discover now