Chapter 32

24.5K 916 178
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 32

"STOP IT!"

Hinila ni Alexa si Katarina papalayo sa akin pero mas hinigpitan lang niya ang kapit sa braso ko. 

"BITAWAN MO AKO!" Sigaw naman ni Katarina kay Alexa at saka ito siniko. 

Nakailag si Alexa sa ginawa ni Katarina pero muli niya itong hinawakan sa may braso para mahila papalayo sa akin. Di naman nagpatinag si Katarina at hinila muli ako papalayo ng kama, papalayo kay Raegan.

"Katarina, please." Mahinahon ang boses ni Mam Perez sa gitna namin ni Katarina. Sinusubukan niyang tangalin ang kapit ni Katarina sa braso ko.

"ARAY!" Sigaw ko. Bumaon kasi ang mga kuko ni Katarina sa braso ko.

"KATARINA!" Sigaw naman ni Alexa at muling hinila si Katarina.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO!" Sigaw ni Katarina sa akin.

Naririndi na ako sa patuloy na sigawan ni Alexa at Katarina, pati na rin sa mahinahong boses ni Mam Perez. Gusto ko na lang matanggal ang kapit ni Katarina sa akin dahil nasasaktan na talaga ako.

Muling siniko ni Katarina si Alexa at kumonekta ito sa dibdib ng kaibigan ko. Pero dahil sa pag-siko niya ay natanggal naman ni Mam Perez ang kamay niya sa braso ko. 

"NO!" Sigaw ni Katarina at dinakma ang buhok ko.

Sinabunutan niya ako at wala na akong ibang nagawa kundi ang sumigaw sa sakit at mapahawak sa buhok ko at sa kamay niyang nakakapit sa akin.

Nakita ko ang paa ni Alexa na muling lumapit sa likuran ni Katarina. Di ko nakita yung ginawa niya pero umaasa akong hinihila niya si Katarina papalayo sa akin.

Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa kwarto, basta naiiyak na ako sa sakit habang nakatungo at napapasunod sa kung saan man hilahin ni Katarina ang buhok ko. 

"ARAY!" 

Sumigaw si Katarina at naramdaman kong lumuwag ang pagkakasabunot niya sa akin. Kinuha ko ang oportunidad na ito para lumayo sa kanya. Dahil na rin sa pagkabigla ay halos matumba na ako sa pag-atras ko. Buti na lang ay nasalo ako ni Mam Perez.

"Roli, you're hurting me."

Napatingin ako sa dahilan kung bakit ako nabitawan ni Katarina at nakita si Raegan. Hawak ni Raegan ang kamay ng girlfriend niya sa may uluhan nito. Mas matangkad si Raegan kay Katarina kaya halos tumingkayad na ang dati kong boss para lang hindi lalong masaktan sa pagkakahawak ni Raegan.

Nanlilisik ang mga mata ni Raegan habang nakatingin kay Katarina. Hinigpitan niya pa ang kapit kay Katarina at itinaas pa lalo ang kamay nito. Sa lakas ni Raegan ay halos maiangat na niya si Katarina mula sa sahig.

"Raegan, no. Let her go!' Agad na lumapit si Mam Perez sa henyo at pinilit itong bitawan si Katarina.

"Roli!" Nagmamakaawa ang boses ni Katarina, halatang nasasaktan na sa kapit ni Raegan.

Naalog man sa pag-atake sa akin ni Katarina ay agad akong lumapit kay Raegan at hinawakan siya sa ulo at pinilit na tumingin sa mga mata ko.

"Raegan?" Mahinahon ang boses ko. Hindi ko sure kung si Raegan nga ang katauhan niya ngayon o iba dahil never ko pa siyang nakita na ganon. Mukhang handa na siyang pumatay.

Naririnig ko ang pagmamakaawa ni Katarina sa tabi ko at ang mabait na boses ni Mam Perez sa kabila, pero naka-focus lang ako sa mga mata ni Raegan. 

"Raegan, let her go." Pinilit kong pakalmahin ang boses ko. "Let her go, Sky. Please."

Napa-pikit si Raegan sa sinabi ko at sa pagdilat niya ay binitawan na niya si Katarina. 

Split AgainWhere stories live. Discover now