Chapter 40

19.2K 602 123
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 40

"You look like you're going to faint,"

Sinamaan ko ng tingin si Hail sa salamin. Kararating lang niya galing ng Manila pero kanina niya pa pinapansin yung itsura ko.

"I'm not going to faint,"

"You sure? Mukhang lalagapak ka na lang maya-maya eh." Nakangisi niyang asar sa akin.

Pero tama siya, halata ang pamumutla ko, hindi dahil sa kapal ng make-up na inilagay sa akin nung make-up artist kung hindi dahil kinakabahan ako. Pero dapat kasi prepared na ako sa araw na to. May higit isang linggo din akong preparasyon para alamin ang mga tradisyon ng Familia Olympia at ang usual na proseso ng mga salo salo nila--namin pala.

May kumatok sa pinto at sumilip si Alexa. "Hey, someone wanted to see you before we go to the party."

Umikot ako mula sa pagkakaharap ko sa salamin para makausap ko ng mas maayos si Alexa. "Sino yan?"

Binuksan ni Alexa yung pinto at pumasok si Raegan. Di ko mapigilan yung ngiti ko kasi nakaayos na siya para sa Winter Solstice party mamaya.

"Alis muna kami," mapang-asar na sabi ni Hail at sinenyasan si Alexa para maiwan kaming dalawa ni Raegan sa kwarto.

"Sorry for intruding, I wanted to see you na agad eh." Nahihiyang sabi ni Raegan.

Naka-braid ang mahaba niyang buhok at light lang ang make up na inilagay sa mukha niya. Pero kakaiba yung suot niya. Di ko alam kung gown ba matatawag yung damit niya kasi mahaba ito na parang dress pero sa ibaba ay may katernong pants at nakaboots siya. Long sleeved din ang dress niya kaya't natatakpan ang mga sugat niya sa braso. Abot din sa base ng leeg niya yung collar ng dress niyang blue na may iba't ibang disenyo ng ulap, ulan at kidlat.

"You fit your title," kumento ko, nakatitig sa nakaburdang kidlat sa damit niya.

"And you fit yours," gamit ang isang daliri sa may baba ko ay pinatingin niya ako sa itaas para mahalikan niya ang labi ko. "You look beautiful."

Napapikit ako nung hinalikan niya ako at magsisinungaling ako pag sinabi kong hindi ako nadismaya nang lumayo agad siya. "Kahit naman siguro magsuot akong basahan sasabihin mo pa ring maganda ako,"

"May suot ka man o wala, you'll always be beautiful to me." Kindat niya sa akin.

"Hoy!" Sinubukan ko siyang hampasin kaso nakailag kaagad siya. "Pag may nakarinig sayo, jusko."

"No one's here, my Sky. Just you and me."

Sinamaan ko siya ng tingin kasi parang may ibang meaning yung tingin na ipinupukol niya sa akin.

Isinuot ko yung itim na high heels na ipinadala ni Violet kasama nitong kulay itim at gold na gown ko at tumayo. Nasa anim na pulgada din yung naidagdag sa height ko kaya't halos kasing tangkad ko na si Raegan. Pero mas matangkad pa rin siya sa akin.

"Naiinis ako sa lipstick natin," mahinang sabi ni Raegan.

"Bakit?" Napatingin ako sa salamin kung saan parang nagdudugo yung labi ko sa sobrang pula ng lipstick na inilagay nung make up artist sa akin.

"I want to kiss you so badly without the consequence of ruining our make up."

Napalunok ako sa sinabi niya. Gusto ko rin yun. Pero nang humakbang na siya papalapit sa akin ay napaatras ako. For a second parang nagdilim yung kulay ng mga mata niya at kinabahan ako na baka si Roli na yung nasa labas.

Natigilan din si Raegan at di na nagtangkang lumapit sa akin. "Sorry,"

"Okay lang. I just thought lumabas si Roli."

Split AgainWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu