Chapter 39

26.3K 858 276
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 39

"Alexa, do you think this will work?"

Tinaasan ako ng kilay ni Alexa. "Parang wala ka namang tiwala sa akin?"

"It's just...Di ba natin pinupush yung swerte natin by pleading for some mercy in behalf of Katarina?" Kinakabahan akong humarap sa Grand Order para sa investigation kay Katarina pero nagpromise kasi ako kay Roli na tutulungan ko yung ex niya.

"To be honest, I don't like your plan. But if it's Roli's last wish, then I'll help you. At least mawawala na siya and our lives can go back to...a little bit more normal." Lumapit si Alexa at inayos yung kwelyo ng blouse ko at saka pinitik yung duming nakita niya sa balikat ng blazer ko. "I miss having the good old Raegan back. Roli's such a pain in the ass. Like, literal. Palagi niyang pinapalo pwet ko when Katarina isn't around."

Napakunot ang noo ko. "What?"

"Nasampal ko pala siya a few times," napapailing na tawa ni Alexa. "Ang manyak niya kasi, sobra."

"Akala ko ba loyal siya kay Katarina?"

"Well, her loyalty is smudged with perversion to whoever girl is around. You should have seen her poor secretary. She's absolutely terrified of Roli. After I heard Roli made some sexual remarks on the girl in the office, I asked ate Marian to handle the airlines while Raegan's incapacitated."

Napatingin ako kay Alexa. "Akala ko si Roli naghahandle ng business nila nung wala si Raegan?"

"Roli could manage it but with his attitude, baka mapatalsik si Raegan sa position niya for misconduct. We thought it would be better if ate Marian would temporarily handle the reigns while we tried to get Roli under control."

"Buti alam ni ate Marian kung paano patakbuhin yung airlines?"

Ngumiti si Alexa. "Nung buhay pa si kuya Alexander, ate Marian was set to handle Zeus Airlines. Kuya Alexander was too much into his arts to be competent enough to manage the business. That's why the Familia was so happy for them. They made such a beautiful, albeit unconventional couple."

"Oh,"

Ang tragic nga talaga ng pagkamatay ng pamilya ni Raegan. Hindi halata kay ate Marian pero sigurado akong gumuho din ang mundo niya nung nawala si Alexander.

Nagsimula nang magsidatingan ang ilang miyembro ng Grand Order kaya binuksan na ang kwarto kung saan gaganapin ang investigation. Nakita kong dumating na rin ang mommy ni Alexa pero kahit nagkakitaan yung dalawa ay hindi sila nagpansinan.

Ang meeting room ng Grand Order ay iyong kwarto na may mahabang table na hugis U. Naupo kami sa isang dulo para maghintay ng iba pang dadalo sa imbestigasyon.

Pinapanuod ko yung mga pumapasok sa kwarto, tinatandaan ang mga mukha nila at sinusubukang hulaan kung saang branch ng Familia Olympia sila nabibilang. Sa pagtingin ko sa mga mukha nila ay sinusubukan ko ring hulaan kung mabait ba sila o hindi, kung maaasahan ko ba ang tulong nila o baka makalaban ko sila.

Kami na ata ni Alexa ang pinakabatang miyembro ng Familia Olympia sa kwarto. Everyone else ay mukhang nasa forty na at pataas. May mangilan ngilan na mukhang mga assistant or  security pero kahit sila ay mukhang mas nakakatanda sa amin.

Biglang nanahimik yung kwarto nang dumating na si King Leo at ang asawa niyang si Queen Olivia. Para silang mga pangkaraniwang politiko na malalapad ang ngiti at binabati ang mga kakilala nila sa daan. Pero kahit anong pakikisalamuha nila sa mga taong nakapaligid sa kanila ay halata mong mas nakakaangat ang katayuan nila sa buhay.

Ang alam ko, politicians visit people from the poor sector para ipakitang tumutulong sila sa mahihirap at naiintindihan nila ang mga hinaing nila sa buhay. Pero minsan, katulad ng nakikita ko ngayon, sa pakikipag-kamay ni King Leo at pag-beso ni Queen Olivia sa ibang member ng Grand Order, hindi ko makita yung pag-unawa o pag-simpatya nila sa mga mas mababa sa kanila, sa halip ay nagmumukha silang nangingibabaw na para bang inaapakan nila yung tao sa ibaba nila.

Split AgainWhere stories live. Discover now