Chapter 38

20K 777 88
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 38

"Are you sure about this?"

Tiningnan ko ng maigi si Alexa at tumango. "I want to hear what she has to say,"

Tinanggap ni Alexa yung sagot ko at tumingin siya sa security sa may pinto. "Open the door."

Binuksan nung security yung pinto at pinapasok kami sa isang kwarto.

Mukhang ordinaryong kwarto lang yung pinasok namin. May kama, bedside tables, cabinet, dresser at isang study desk. Sa desk ay may babaeng nakaupo at nakatalikod sa amin.

"Someone's here to see you," sabi ni Alexa.

Lumingon yung babae and halata sa itsura niya na hindi siya nakakatulog ng maayos. Maga yung mga mata niya na para bang palagi siyang umiiyak.

"What do you want?" Galit ang boses ni Katarina at muling tumalikod sa amin. "Wala ka nang makukuha sa akin. Nakuha mo na lahat."

"I just want to talk," kalmado kong tugon.

Tiningnan ko si Alexa at sinenyasan na gusto kong makausap si Katarina mag-isa. Kumunot ang noo niya dahil ayaw niya akong iwan pero sinamaan ko siya ng tingin. Napagusapan na namin kanina bago kami pumunta rito na gusto kong harapin si Katarina mag-isa. Hindi niya mababago ang isip ko. At mukhang naintindihan naman niya iyon kaya huminga siyang malalim at lumabas na ng kwarto.

Nang sumara yung pinto sa likod ko ay muling lumingon si Katarina para tingnan kung mag-isa na siya. Parang nagulat pa siya nang makitang pumayag ako na maiwan sa isang kwarto kasama siya.

"Asan si Roli?" Pag-basag niya sa katahimikan ng kwarto.

"Nasa bahay nila, nagpapahinga."

Napakagat ng labi si Katarina at umiwas ng tingin sa akin.

"You're probably here to gloat,"

"Nope," naupo ako sa kama at napatingin sa pocket watch ni daddy. Binuksan ko yung cover nito at nakita ang oras. 10:25 ng umaga. Napalitan na ng battery itong watch at gumagana na.

"What do you want, Gene? Raegan's all yours, your family's rich as hell, you're an heir and you're probably already engaged to her. Di mo na kailangan ipamukha sa akin na natalo mo na ako."

"Sinabi ko na sayo, hindi ako pumunta dito para makipag-away. I just want to talk."

Lumingon muli si Katarina para makita ako. "Talk about what?"

"I'm curious about your relationship with Raegan."

Napakunot ang noo ni Katarina na para bang may sinabi ako sa kanya sa kung anong lenggwahe na hindi niya naintindihan.

"Alexa and the others told me what you and Raegan were like in highschool, nung nagsisimula pa lang ang relasyon niyo. But Raegan herself never talked about you. Kahit nung magkaibigan pa tayo sa Rodriguez Corporation wala kang naikwento other than the vague details of why you left her and went to Spain."

"And why would I tell you?" Maldita niyang sagot.

"I just... I just want to know your side of the story." Mahina kong sabi. "Nung nakilala kita sa trabaho, I knew you're a smart person, mabait ka naman pag ginusto mo and you were an okay boss. Maybe we could have been really good friends. Nasira lang naman tayo sa isa't isa dahil kay Raegan."

Huminga ng malalim si Katarina pero tumingin lang siya sa direksyon ng bintana.

"They told me a lot of negative things about you," kwento ko sa kanya, umaasa na magoopen up siya sa akin kahit onti lang. "That you're very controlling kay Raegan. Sobrang selosa mo daw. Palagi mo inaaway si Raegan. But if there's anything good that they told me, it's that despite all your shortcomings, you made Raegan happy. The two of you were happy and very much in love."

Split AgainWhere stories live. Discover now