Chapter 2

55.2K 1.2K 206
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 2

"Gene!"

Nakita ni Rhian na nakarating na ako kaya agad syang pumunta sa table ko.

"Di mo na naabutan si Sir Ollie." Sabi nya. "Dumaan sya kanina para magpaalam. Mamaya na yung flight nya papuntang Davao."

"Eh? Sayang naman," Inayos ko yung mga papel ko sa desk. "Pero ayos lang, parang nagpaalam narin naman na ako sakanya kahapon sa despedida nya eh."

"Oo nga noh."

"Pero alam mo, ang swerte ni Sir, napromote sya."

"Hindi rin," Sabi ni Rhian at tinanggap yung isang folder na inabot ko. "Ang layo kaya ng Davao."

"Taga Davao naman sya eh,"

Tumunog yung elevator kaya sabay kaming napatingin dun ni Rhian. Lumabas doon ang dalawang magandang babae na nakacorporate attire, sa likuran nakasunod ang isang lalaking may makapal na salamin.

"So, this will be your new department." Sabi nung babaeng itim ang suot ng blouse, sya si Mrs. Karla Rodriguez, asawa ng may anak ng mayari nitong Rodriguez Corporation. "Over there is your office, and this two ladies here are Miss Rhian Chavez and Miss Genesis Beltran."

"Goodmorning po," Tumayo ako para batiin sila.

"Goodmorning po," Bati din ni Rhian.

"Miss Beltran, miss Chavez, this is Katarina Rodriguez." Pakilala ni Mam Karla. "She just came back from Spain. Sya ang papalit kay Sir Ollie."

"Welcome back to the Philippines, Mam Katarina." Ngiti ko.

"Rina nalang, masyadong mahaba ang Katarina." Ngiti ni Mam sakin.

"Sige na, Kat, I'll go ahead na. Gene, Rhian, kayo na bahala kay Katarina." Paalam ni mam Karla.

"Thanks ate," Paalam ni Mam Rina sakanya.

Umalis na si Mam Karla at yung assistant nya at naiwan samin si Mam Rina.

"Mam Rina...Kapatid nyo po si Mam Karla?" Tanong ni Rhian.

"Ha? Ay hindi!" Natatawang umiling si Mam Rina. "Sister in law ko sya."

"Ohh..So?..Err.." Hindi alam ni Rhian kung paano itutuloy yung tanong nya. Parang nahihiya syang hindi malaman.

"Wag nyo nang isiping anak ako ng mayari nitong building. Parepareho lang tayong empleyado." Ngiti ni Mam Rina.

"Sige po," Tungo ko.

"Sige girls ha, dun muna ako sa office. Get myself comfortable to the new work area." Paalam ni Mam Rina at naglakad na papunta sa dating office ni Sir Ollie.

Nang makasiguradong wala na si Mam Rina, humarap si Rhian sakin.

"Ganda nya ha,"

"Oo," Sumangayon nalang ako at muling ibinalik ang atensyon sa trabaho ko.

"Kababalik lang daw nya mula Spain," Sabi ni Rhian. "Ano sa tingin mo ginawa nya dun?"

"Ewan ko, nagaral? Nagbakasyon? Ba't ako tinatanong mo?"

"Mayaman ka ehh, alam mo kung anong ginagawa ng mga taong madaming pera."

Napakunot noo ko doon. "Anong mayaman? San mo nakuha yan?"

"Bakit, di ka mayaman?" Taas kilay na tanong ni Rhian.

"Hindi, normal lang ako."

Nagisip saglit si Rhian, parang ayaw maniwalang hindi naman talaga ako mayaman. "Eh si Raegan, mayaman sya diba?"

"Oo," Hindi ko naman makakaila yun eh.

"Eh di alam mo kung anong ginagawa ng mga taong madaming pera?"

Inirapan ko lang si Rhian. "Wag ako ang tanungin mo ng ganyan, kahit sabihin mong mayaman si Raegan, iba pa rin sya."

"Bakit ano bang ginagawa nya?"

Tinigilan ko yung pagaayos ng mga papel ko. "Hindi ordinaryong mayaman si Raegan."

"Panong hindi ordinaryo?"

"Nagaaral sya, naglalaro ng tennis at namamahala ng kumpanya nila." Pagiisa isa ko. "Kung meron man syang spare time nilalaan nya yun sa makabuluhang bagay."

Naalala ko bigla yung Familia Olympia pero hindi na kailangan malaman ni Rhian ang tungkol doon.

"Girlfriend duties?"

"Syempre naman,"

Natawa lang si Rhian. "Nakakainis kang babae ka, ang swerte mo!"

"Bumalik ka na nga dun sa table mo!" Pinalayas ko na sya.

Nagtrabaho na ako at pagdating ng lunch break, tumunog yung cellphone ko.

"Hello?"

"Hi baby," Bati ni Raegan sa kabilang linya. Napangiti tuloy ako.

Mas gusto ko yung tawagan namin pero kung 'baby' ang trip nya ngayon, bahala sya. "Oh, bakit napatawag ka?"

"Wala lang."

"Baliw ka talaga."

"Namimiss lang kita eh! Ikaw talaga kahit kailan ang sungit mo."

"Di ako masungit."

"Sige sabi mo eh. Nga pala, Genesis, susunduin kita mamaya ah?"

"Bawal pa, diba?" Sabi ko, inaalala yung usapan namin na apat na araw hindi magkikita. Ngayon na dapat ang huling araw.

"Bawal pa?" Naiimagine ko syang nakalabi sa kabilang linya.

"Bukas pa tayo pwede magkita."

"Sige na please, Genesis? Friday naman na eh. Wala na akong pasok bukas."

"May thesis ka pa,"

"Ano ba yan Genesis, Friday night pagagawin mo ako ng thesis?"

"Oh bakit, ako kaya nung thesis ko kahit Friday nagsusulat ako."

"Genesis naman eh.."

Napabuntong hininga ako. Namimiss ko na din si Raegan, nung Monday pa kaming huling nagkita. Maaaring clingy na kami tingnan pero nasanay na din kasi kami ni Raegan na araw araw na nagkikita.

"Sige na please? Dinner lang tayo tapos hatid kita pauwi. Bukas ng umaga maglilipat na tayo ng gamit mo sa bahay."

"May magagawa pa ba ako? Planado mo na lahat eh."

"YES!"

Napangiti ako, hindi ko rin matitiis si Raegan.

"Tuwang tuwa ka na nyan?"

"Bakit hindi? Namimiss na kaya kita."

"Ako din naman eh." Nakita kong lumabas ng office si Mam Rina at tumingin sa paligid, nakita nya ako at saka nagsimulang maglakad papunta sakin.

"So I'll see you later ha Sky?"

"Sure, can't wait." Ngiti ko. "Sige na, Raegan, mamaya nalang ulit."

"Okay, babye."

"Bye."

Binaba ko na yung tawag at sakto namang tumigil sa tapat ng table ko si Mam Rina. "Hi Genesis," Bati nya

"Hi mam Rina. Gene nalang po itawag nyo sakin." Tumayo ako. "Masyado rin pong mahaba yung Genesis."

Napangiti si mam sa sinabi ko. "Maglalunch ka na ba?"

"Opo, kayo mam?"

"Wala kasi akong kasama. Eh ang awkward kumain ng magisa, pwede bang sumabay sayo?"

"Sige po mam, pero sa canteen lang po ako kakain."

"Ayos lang, dun din naman ang punta ko eh." Parang nakahinga ng maluwag si mam Rina. "Wala ka bang ibang kasama?"

"Dapat nga po magisa lang din ako ngayon eh." Natatawa kong kwento. "Sa labas po kasi kakain si Rhian, kasama nya yung kapatid nyang nanggaling Batangas."

"Wag mo na ako i-'po'. Tumatanda pakiramdam ko eh."

Naglakad kami papuntang elevator.

"Ilang taon na p--ba kayo?" Muntikan ko pa ulit syang i-'po' eh kakasabi lang na ayaw nya nun.

"Bata pa ako, I'm turning 21 sa September. Ikaw ba Gene?"

"Kaka-20 ko palang nung February." Sagot ko at pinindot yung number 2 sa elevator.

"Magka-age lang pala tayo." Tungo ni mam. "So kakagraduate mo palang?"

"Opo." Napatakip tuloy ako ng bibig pero natawa lang si Mam Rina.

"Di sanay?"

"Di pa," Iling ko.

Simple lang yung canteen sa second floor, parang yung canteen din lang sa St. Scholastica's. Namiss ko tuloy sila Rhea, magiisang buwan na kaming hindi nagkikita ng mga yun. Busy kasi sa trabaho at paghahanap ng trabaho.

Pumila na kami ni Mam Rina.

"Matanong ko lang mam, anong ginawa nyo sa Spain?"

"Dun ako nagaral ng college."

"Matagal kayo dun?"

"Saglit lang, 2 years?" Nagisip saglit si Mam Rina na para bang hindi sigurado. "Oo, 2 years...Grabe, parang ang bilis ng panahon."

Napatango lang ako. "Eh ba't kayo bumalik mam? Di ba maganda sa Spain?"

Ngumiti si Mam Rina. "Maganda sa Spain, pero kasi may babalikan ako dito eh."

Naintindihan ko yung ngiting yun. "Boyfriend?"

"Parang ganun na nga," Naupo kami sa isang bakanteng table katabi ng bintana. "Ikaw, Gene, may boyfriend ka na?"

"Umm..Parang ganun..Oo..Meron."

Napataas ang kilay ni mam. "Bakit? Complicated ba?"

"Hindi umm...Pano ko ba sasabihin 'to..." Kung wala akong hawak na tray baka napakamot na ako ng ulo ko.

Nanlaki ang mga mata ni mam Rina. "Kasal ka na?!"

"Hindi, hindi!" Iling ko. "Grabe, mukha na ba akong misis Mam Rina?"

"Oh eh bakit 'parang ganun' ang sagot mo?" Naiintrigang tanong ni Mam.

"Hindi kasi talaga 'boyfriend' ang meron ako." Pagaamin ko. Hindi ko na kailangan mahiya. Proud si Raegan sakin at ako rin naman sakanya. Bahala na ang mga tao kung anong maiisip nila tungkol samin, basta wala kaming sinasaktan.

"OH?!" Parang natuwa si Mam Rina sa nalaman. "May girlfriend ka?"

Nahihiya akong tumango. Mukha namang open si Mam kasi hindi sya nagpakita ng kung anong pandidiri sakin o kung ano. Nakahinga ako ng maluwag.

"Hindi ko inaasahan yun ha," Sabi ni Mam Rina.

"Bakit mam?"

"Akala ko straight ka. Pero ayos lang yan, nagkagirlfriend din kasi ako eh."

Ako naman ang nagulat. "EH?! Seryoso kayo mam?"

"Oo. Jusko, ang ang tagal din namin. Inabot kami ng dalawang taon."

"Ba't kayo nagbreak?"

"Umalis ako ng bansa." Sagot ni Mam. "Napapagod na kasi ako dito sa Pilipinas, nagsawa din ako sakanya. Kaya ayun, iniwan ko sya."

Tiningnan ko lang si Mam Rina. Maganda sya, mahaba ang buhok at mga pilikmata. Kulay dark brown ang mga mata nya, matangos ang ilong at kulay pula ang mga labi. Katulad nila Raegan ay para din syang runway fashion model kahit nakacorporate attire lang sya. Kaya hindi na nakakapagtaka kung kinakaya nyang mangiwan ng girlfriend o boyfriend kasi sa itsura nya, madali lang sakanyang makahanap ng pamalit.

"But don't get me wrong, Gene. Pinagsisisihan ko nang iniwan ko sya. Kaya nga ako bumalik kahit na pwedeng dun na ako magtrabaho sa Espanya, gusto ko syang makuha ulit."

"Sana magtagumpay ka mam." Tungo ko nalang. "Kasi matagal din kayong nawala. Baka nakamove on na sya, or worse, may bago na."

"Sana nga wala pa...Nawalan na kasi ako ng balita sakanya. Pinutol ko lahat ng koneksyon ko sakanya nung umalis ako eh."

"Oh...Well, nakita nyo na ba sya ulit?"

"Hindi pa nga eh." Iling ni mam. "Pero pinapahanap ko na sya."

"Goodluck nalang mam." Ngiti ko.

Nagkwentuhan pa kami noon habang kumakain at agad kaming nagkapalagayan ng loob. Masaya kasi kasama si mam, parang si Alexa lang ulit.

Speaking of Alexa, dalawang linggo na pala kaming hindi naguusap. Hindi ko kasi sya maabutang online, hindi naman sya nagiiwan ng message o tumatawag kaya hindi ko na alam kung anong nangyari sakanya sa Russia. Tanungin ko nalang siguro si Raegan, baka may balita na sya sa bestfriend nya.

Pagkabalik namin ni Mam Rina sa 4th floor ay balik trabaho na kami. Habang nageencode ako ay bilang dumating si Rhian na pawis na pawis

"Oh, anyare sayo?" Tanong ko.

"Ang init sa labas, sobra!" Kumuha sya ng tissue sa tissue box ko sa table at saka nagpunas.

"Ano nang nangyari sa lunch date nyo ng kuya mo?"

"Ayun, nangungutang nanaman. Wala na daw syang mapakain sa magina nya." Padabog syang naupo sa chair sa tabi ng table ko. "Kasalanan nya nagasawa agad sya tapos ngayon walang mapakain sakanila."

"Eto naman, pinahiram mo ba?"

"Syempre! Hahayaan ko bang magutom yung pamangkin ko? Naiinis lang ako kay Kuya kasi ang gulo ng buhay nya."

"Wow ha, ang ayos ng buhay mo."

Pinanlisikan lang ako ni Rhian ng mata. "Panira ka Gene!"

"Intindihin mo nalang yung kuya mo," Sabi ko. "I'm sure sinusubukan naman nya eh."

"Dapat lang...Sana nga matanggap na sya sa trabaho, sabi nya may job interview daw syang pinuntahan kanina eh."

"Oh, eh di pagdasal mo na makuha nya yung trabaho. San ba?"

"Sa main office daw ng Poseidon shipping lines."

Naubo ako bigla sa sinabi nya. Nasamid ako sa laway ko, posible ba yun?

"Ayos ka lang?" Hinimas himas ni Rhian yung likuran ko.

"Ayos lang, salamat." Kinuha ko yung water bottle ko at uminom.

Sa dinami dami ng pwedeng pasukan sa Poseidon pa talaga? Sa kumpanya nila Percy Altamirano?!

"Sige na Gene, balik na ako sa table ko."

Umalis na si Rhian at naiwan akong nakatulala doon.

Grabe talaga yung Familia Olympia nila Raegan. Kahit saan ako tumingin merong bakas nila. Hanggang ngayon nga hindi pa ako nasasanay na meron silang sikretong organisasyon eh. Parang hindi nakakapaniwalang hindi alam ng mga tao na merong Familia Olympia...But then again, hindi kaya't yun ang papel ni Leah sa Familia? Palagi kasing may tumatawag sakanya at palagi kong naririnig na sagot nya ay 'Sure, total media blackout. I'll call the station.' tapos may itetext sya na para bang inaasahan na nyang mangyayari yun. Itatanong ko nga kay Raegan yun mamaya.

Habang nagtatype ako ay biglang dumating si Sir Jojo sa tapat ng table ko. Mukha syang problemado.

"Gene, anong ginagawa mo?"

"Nageencode po, sir." Kabado kong sagot. May nagawa ba akong mali? Wala naman ah, ginagawa ko ng tama ang trabaho ko.

"Sama ka sakin."

Sinundan ko sya sa isang bahagi ng floor namin kung saan sila nagcoconduct ng job interviews para sa mga gustong magtrabaho sa kumpanya. Madami dami pang taong naghihintay doon kahit na hapon na. Pinapasok ako ni Sir sa isang kwarto.

"Naghalfday lang kasi si Frances. May sakit daw yung anak nya kaya nagmamadaling umuwi." Sabi ni Sir Jojo. "Nakita mo naman yung mga nakapila sa labas, madami pa sila tapos magisa nalang akong magiinterview. Aabutin tayo ng siyam siyam eh nakakaawa naman sila kung pauuwiin ko na diba?"

Tiningnan ko lang sya, hindi sigurado kung saan patungo ang paguusap na 'to.

"Kinausap ko na si Mam Rina, pero bago lang sya dito kaya tinawagan ko si Sir Ollie. Ikaw ang nirecommend nya."

"Nirecommend po na--?"

Ngumiti si Sir Jojo. "Psychology ang kinuha mo hindi ba? Madali lang 'to. Tutulungan mo akong maginterview ng mga aplikante."

"Ako po?!" Gulat akong napaturo sa sarili ko. Oo, nung pumasok ako sa Rodriguez Corporation isa sa mga naisip kong magiging trabaho ko ay pagiinterview ng mga aplikante. Pero akala ko matagal pa yun. Magdadalawang buwan palang ako dito!

"C'mon, Gene, you're perfect for the job. Saka ngayon lang naman eh." Pakikiusap ni Sir Jojo. "Please?"

May magagawa pa ba ako? Eh superior ko na yung nakikiusap sakin. "Ano po bang gagawin ko sir?"

Nagliwanag si Sir at nagsimulang magpaliwanag kung paano nila ginagawa ang job interviews. Since hindi ko naman trabaho 'to, isusulat ko lang yung mga good and bad qualities nila at pagbalik ni Mam Frances, ipapatawag nalang nya for a second interview yung prospective applicants. Pagkatapos noon ay nagpapasok na si Sir Jojo ng isang aplikante. Panunuorin muna ako ni sir at kapag sa tingin nya ay kaya ko na, iiwan na nya ako.

Kabado ako nang humarap sakin yung lalaki at sa itsura nya, kabado din sya. Pero hindi ko pinahalatang first time ko gagawin 'to, instead umarte akong parang matagal ko nang ginagawa ang pagiinterview.

"Have a seat Mr.--" Tiningnan ko yung biodata nya. "John Christian Flores."

"Thank you mam." Tungo nya at naupo na sa chair katapat ng desk.

Iniscan ko yung resume nya. "Mr. Flores, I see that you're a graduate of San Sebastian College."

"Yes mam, Bachelor of Science in Computer Studies."

Sinilip ko si Sir Jojo at nag-thumbs up sya sakin. Ibinalik ko ang tingin kay Flores. "You finished computer studies, but you're applying in a pharmaceutical company?"

"There's an opening in the computer database systems." Sagot ni Mr. Flores.

Okay, enough with the introductions, Genesis. Let's get to business. "So, Mr. Flores, tell me why you deserve the position in the computer database systems."

Nagsimula nang magsalita si Flores at sinulat ko ang ilan sa mga sinabi nya. Nagtanong pa ako ng ilang tanong bago tinapos ang interview, sabi ko tatawagan nalang sya.

Pagkalabas ni Flores ay ngiting ngiting lumapit sakin si Sir Jojo. "First time mo ba talaga yun?"

"Yes sir,"

"Parang matagal mo nang ginagawa eh."

Nakahinga ako ng maluwag. "Kabado nga po ako the whole interview eh. Parang nagaapply ulit ako sa trabaho."

Natawa si Sir Jojo. "Hindi halata. So, Gene, kaya mo na dito ha? Iiwan na kita. Just do what you did earlier and you'll be fine."

Bumalik yung kaba pero ngumiti nalang ako. Umalis na si Sir at tiningnan ko yung resume ng susunod na aplikante. Huminga akong malalim at tinawag na yung susunod kong iiinterview.

Magaalas cinco na nung kumatok ulit si Sir Jojo sakin.

"Musta, Gene?"

"Ayos lang po Sir,"

"Nakadami ka ahh,"

"Oo nga po eh," Inayos ko na yung mga resume ng ininterview ko.

"Salamat Gene ahh. Kung di ka pumayag na tulungan ako baka nangangalahati palang ako." Ngiti ni Sir. "Hayaan mo, ililibre kita minsan, saka iaadvice ko narin kina Mam Rina na kapag kinailangan pa namin ng isang magiinterview, ikaw ang una naming lalapitan."

"Hala, Sir! Hindi na po kailangan yun," Pagpapakumbaba ko.

"Hindi, Gene. May potential ka talaga sa trabaho na 'to." Bawi naman ni Sir. "Sige na, pwede ka nang mauna. Ako nang bahala dito."

"Thank you po, Sir."

Umalis na ako dun at bumalik sa table ko. Sakto namang kausap ni Mam Rina si Kurt, na syang nakapwesto sa tabi ng table ko kaya nang umupo ako sa chair ko, ako naman ang hinarap ni Mam.

"Gene, hinahanap kita kanina." Tawa ni Mam Rina. "Nalimutan kong hiniram ka pala ni Sir Jojo sakin. Ano, musta pagiinterview?"

"Ayos lang. Nakakakaba nung una kasi baka pumalpak ako pero naenjoy ko naman."

Tumango si Mam Rina. "Sige, Gene, five naman na, pwede ka na umuwi."

"Kayo mam?"

"Kukunin ko nalang yung gamit ko tapos uuwi nadin ako."

"Sabay na tayo pagbaba mam." Alok ko.

Ngumiti si Mam Rina. "Sure ka?"

"Sige na mam, hintayin ko lang kayo dito."

"Wait lang ha,"

Habang kinukuha ni Mam Rina yung bag nya, inaayos ko naman yung gamit ko.

"Gene!"

Napatingin ako kay Rhian. Dala na nya yung handbag nya at parang hindi mapakali.

"Oh, bakit?"

"Alis na ako, hinihintay kasi ako ni kuya sa baba. Sabay na daw kami, sakin muna sya tutuloy kasi may isa pa syang interview sa iba namang kumpanya bukas."

"Ahh, oh eh di sige, ingat ka. Babye."

"Bye!"

Pinanuod ko syang maglakad papuntang elevator kaya hindi ko napansing nasa tapat na pala ng table ko si Mam Rina.

"Nakaayos ka na, Gene?" Tanong nya sakin.

"Wait lang," Nilock ko yung drawers ko at saka kinuha na yung bag ko.

"San ka umuuwi, Gene?" Tanong ni Mam habang naglalakad kami papuntang elevator. Wala na si Rhian, nakasakay na sya kanina.

"Sa Taguig lang, kayo Mam?"

"Dito lang sa Makati."

Tumango ako at sumakay na kami ng elevator. Madami dami na ang sakay nito pero nang makita nila si Mam Rina ay nagsumiksik sila para bigyan kami ng space.

Maatapos ang ilang segundo ay bumukas nadin agad ang pintuan at lumabas na kami sa lobby. Nagout kami ni Mam Rina at natigil sa lobby.

"Pano ka uuwi?" Tanong ni mam Rina sakin habang may hinahanap sa bag nya. Cellphone nya ata, may tumutunog kasi eh.

"Susunduin ako."

Ngumiti si Mam. "Girlfriend?"

Nahihiya akong tumungo. "Oo,"

Nakita na ni mam yung cellphone nya. "Sige na, Gene. I'll go on ahead?"

"Sige, ingat ka, Mam Rina."

"Bye."

Tumalikod na si Mam at sinagot na yung telepono nya. Pinapanuod ko syang maglakad papalayo nang biglang may nagtakip ng mata ko mula sa likuran.

"Hulaan mo 'ko." Hamon nya.

Natawa lang ako at hinila papalayo yung malalaki nyang kamay sa mukha ko. Boses palang nya nahulaan ko na sya eh. "Raegan naman eh."

"Hi, Sky ko." Ngiti nya sakin nung hinarap ko na sya. "Namiss kita."

"Ako din, namiss ko sarili ko." Biro ko.

Lumabi si Raegan. "Ganyanan tayo eh."

"Joke lang," Pinisil ko yung matangos nyang ilong. "Syempre namiss kita!"

"Sino yung kausap mo kanina?" Tanong nya at kinuha na yung bag ko.

"Si Mam Rina, yung kapalit ni Sir Ollie."

Tumango lang si Raegan at hinawakan na ang kamay ko. "Ipakilala mo agad ako ha,"

Kumunot ang noo ko. "Ba't naman?"

"Para alam nyang girlfriend kita. Pag sinigawan ka nya o pinagalitan o sinaktan, ako makakaharap nya."

"Baliw, mabait kaya si Mam Rina!"

"First day palang nya, malay mo.."

"Napaparanoid ka nanaman eh."

"Pinoprotektahan lang kita. I want you safe and sound, you know."

"Tama nga si Alexa, super protective ka."

Sumakay na kami sa kotse. Yung itim na Mercedes Benz ng parents nya ang gamit nya ngayon. Madaming kotse ang naiwan kay Raegan nang namatay ang pamilya nya kaya para walang masira, linggo linggong papalit palit sya ng gamit.

"San mo gusto kumain?" Tanong ni Raegan.

"Gusto ko ng kwek kwek."

Napatingin saglit sakin si Raegan. "Dinner, Sky, hindi merienda."

"Bakit, bawal magkwek kwek bago magdinner?"

"Mabubusog ka kaagad."

Natawa lang ako. "Minsan para kang si mama."

"Nagsasabi lang naman ng totoo eh." Sabi ni Raegan. "Ganito nalang, dinner muna tayo tapos ibibili kita ng kwek kwek after, ayos ba?"

"Sige...Saka daan tayong mall. May kailangan akong bilhin."

"Anong bibilhin mo?"

"Pentel pen, packing tape saka isang box nalang para may paglalagyan ako ng books ko."

"Eh di sa mall na tayo kumain. Wag ka na bumili ng box, dadalhan nalang kita bukas."

Sumangayon nalang ako at tumingin sa labas. May nadaanan kaming poster ng owl kaya bigla kong naalala si Alexa, favorite animal nya yun eh.

"Si Alexa nga pala, nakakausap mo pa ba?"

"Hindi eh." Iling ni Raegan. "Di nagpaparamdam eh. Baka busy? Alam mo naman yun, ayaw ng walang ginagawa."

"Di pa ba sya uuwi? Namimiss ko na sya eh."

"Wala pa akong balita." Malungkot na sagot ni Raegan. Halatang namimiss na din nya ang bestfriend. "Si Auntie Cristy kasi eh, di parin sya pinapayagan"

Napaisip ako saglit. Nalaman kasi namin na kaya hindi makabalik ng bansa si Alexa ay dahil nagaway sila ng mommy nya noong last day nila doon. Kaya ayun, napaextend sila kasi sabi ni Alexa, hindi daw sya makakauwi dito hangga't hindi sya pumapayag na magpakasal kay Percy.

"Malulusutan pa ba 'to ni Alexa?" Tanong ko. Alam kong pareho lang kami ng iniisip ni Raegan. "Hindi mo ba sya matutulungan?"

"Sinubukan ko nang itakas si Alexa nung March diba? Nahuli kami ni Auntie tapos napagalitan pa ako ng Grand Order."

Naikwento na sakin ni Raegan na pinadala nya yung isang jet plane nya sa Russia para ipasundo si Alexa pero natunugan naman ng parents ni Alexa kaya wala ding nangyari. Pinatawag pa si Raegan ng Grand Order para pangaralan kasi suportado pala ng higit kalahati ng Grand Order ang engagement nila Alexa at Percy.

"Yun na ba talaga yun?" Tanong ko. "Kahit ayaw nila Percy at Alexa tuloy parin ang kasal?"

"It's that or..."

"Or?"

Natahimik si Raegan, parang pinagiisipan kung itutuloy ang sasabihin nya. Pero nakarating na kami ng mall hindi parin sya nagsasalita.

"Raegan, ano na? Pano pag umayaw parin sila?"

Kinakabahan ako sa malalaman ko. Kasi if ever ipagkakasundo din si Raegan, kung anong maririnig ko, yun ang maaaring mangyari. After all, sigurado akong maraming miyembro ng Familia Olympia ang tutol samin, may magooffer at magooffer na ipagkasundo ang mga anak nila kay Raegan.

"Wag mo nang isipin yun, Genesis."

Nakita ko yung takot sa mata ni Raegan kaya parang nakutuban na ako.

"Itatakwil ka ba pag ganun?"

Napatigil si Raegan sa paglalakad. Naghintay ako na may sasabihin sya pero wala akong natanggap.

"Tama ako noh?"

"Genesis, wag mo nalang isipin yun. Saka kung ano mang mapagdesisyunan ni Alexa I'm sure pinagplanuhan nya yung mabuti. Alexa always think things through."

Naglakad na ulit sya at halos magjogging na ako para lang makasabay sa malalaki nyang hakbang.

Gusto ko syang tanungin kung anong gagawin nya pag sya ang ipinagkasundo sa iba pero mukhang ayaw na nya pagusapan ang Familia Olympia.

"Ay Raegan, di ko pa pala nakukwento sayo yung nangyari kanina." Pagiibang topic ko.

Bumagal si Raegan, napansin na nyang hinihingal ako. "Sorry ha. Anong nangyari sayo kanina?"

"Naghalf day kasi bigla si Mam Frances, yung isa sa naghahandle ng job interviews." Kwento ko. "Kaya ayun, pinatawag ako ni Sir Jojo para tulungan sya sa pagiinterview nung natirang applicants."

"Oh?" Nawala ang kunot sa noo ni Raegan kaya napangiti na ako. "Ano, nagawa mo ba?"

"Syempre! Ako pa!"

Umakbay sakin si Raegan. "Dapat pala magcelebrate tayo!"

"Libre ko?"

Kumunot ulit noo nya. "Anong libre mo? Ako manlilibre sayo."

"Eh ako kaya yung magcecelebrate dito! Kaya libro ko ngayon."

"Sky naman eh.."

"Wag ka nang umangal, pag palagi mo akong ililibre lolobo yung bank account ko. Para san pa ang pagtratrabaho ko kung di ko magagastos yung sweldo ko diba?"

Lumabi si Raegan. "What's mine is yours naman eh."

"Di pa tayo kasal, wag kang ganyan."

Kuminang bigla ang mga mata ni Raegan kaya bago pa sya magsalita ay inunahan ko na sya.

"Jusko, Raegan, wag kang magpropropose agad sakin! Uupakan kita!"

"Bakit naman?" Parang nasaktan sya sa sinabi ko. "Ayaw mong magpakasal sakin?"

"Hindi naman sa ganun, Raegan. Pero kasi 20 palang tayo, nagsisimula palang buhay natin. Masyado pang maaga para magpakasal."

"Eh kelan mo gusto? Pag gurang na tayo?"

"Pag...Ewan, pagisipan ko muna kung kelan ko gusto magsettle down."

Natahimik si Raegan pero ngumiti din sya agad. "Kahit ilang taon pa ako maghintay, basta ba ako pakakasalan mo eh."

"Syempre naman, ikaw pakakasalan ko."

Nagkatinginan kami at sabay na natawa.

"Did we just propose to each other?" Tanong ni Raegan.

"Seems like it,"

"Shit, this isn't how I imagined the proposal will be."

"Ganito nalang, this never happened."

"Isusuggest ko sana 'unofficial proposal' nalang tawagin natin dito but that sounds good enough." Sangayon ni Raegan. "Tonight never happened."

"The minutes 5:43 to 5:50 PM was a blur okay?"

"Okay."

Nagkangitian lang kami ni Raegan. Inabot nya yung kamay ko at holding hands kaming pumasok sa National Bookstore.









_________________________
A/N:

Ang spontaneous nila HAHAHA

Oh ayan, last update for today!

Split AgainOù les histoires vivent. Découvrez maintenant