Chapter 30

22K 1K 476
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 30

"Ate Marian wants to talk to you first before ka humarap kay Raegan."

Tiningnan ko si Alexa, kakatapos lang ng tawag niya with Mam Perez. Mukhang excited siya na haharapin ko na ulit ang best friend niya.

"Andito siya?"

"She's always with Raegan." Sagot ni Alexa. "After you left, si ate Marian ang nilapitan ko for help. Although I repeatedly thought about bringing Raegan to your mom. Ate Marian stuck with her like the big sister she is to Raegan."

Fiance nga pala ni Mam Perez ang kuya ni Raegan. I wonder anong nararamdaman niya now that she knows Raegan is sick. Well, pwede ko naman siya tanungin mamaya.

Tahimik lang kaming naglalakad lagpas sa mga magagarbong villa at mansyon ng mga Houses ng Familia Olympia. Natatanaw ko na ang House Zeus sa di kalayuan.

"Kelan pa naging kayo ni Dr. Cadwell?"

"Let's not talk about that." Pag-iwas ko sa usapan.

"Gene naman."

Di ako sumagot, iniisip ko si Raegan. Hindi ko alam kung anong madadatnan ko mamaya. Alexa said si Oli na ang main personality niya ngayon and kapag lumalabas si Raegan ay tahimik lang siya. But Violet told me na she looks lifeless kaya niya ako sinugod. 

Gusto kong tanungin si Alexa kung kumusta na si Raegan but at the same time ayoko munang kausapin siya. Sa anim na buwan na hiwalay kami ni Raegan ay marami na ang nagbago sa mga buhay namin. Di ko pa alam kung anong bago sa buhay ni Alexa pero dama ko na nag-bago na siya.

Nakarating na kami sa mansyon ng Zeus House at dumiretso sa loob. Sinalubong kami ng isang pamilyar na butler. Nag-bow siya sa amin.

"Good afternoon, Lady Alexa and Lady Gene. Lady Marian is waiting for you in the library."

Tumango si Alexa at sinundan ang butler. Nang makarating kami sa library ay pinagbuksan kami ng pinto ng butler. Saka ko lang naalala na Alfred ang pangalan niya.

Hindi pa ako nakakarating sa bahagi na ito ng bahay nila Raegan kaya napatingin ako sa paligid. Dark green ang wallpaper na may dark wood panels. Dark wood ang mga bookshelf ng library na nagcocompliment sa dark wood din na sahig. May gintong chandelier sa gitna ng kwarto at red Victorian ang mga couches. May dark wood desks din malapit sa mga couches at may isang magandang babae na nakaupo sa tapat ng isang desk, busy sa binabasa niyang libro.

"Ladies Alexandrea Zhukov and Genesis Beltran." Anunsyo ni Alfred nang pumasok kami ng library.

Gusto kong magreklamo sa overuse ng whole name ko sa lugar na ito pero wala rin naman akong magagawa sa formalidad ng Familia Olympia. And once mapatunayan naming Rayleigh ako, this place would pe part of my life. Genesis Beltran would become Genesis Rayleigh.

Tumayo si Mam Perez sa pagkakaupo niya at nilapitan kami. Nakasuot siya ng light pink na blouse, khaki pants at black doll shoes. Dressed down siya compared sa mala-modelong outfits niya noong nagtuturo pa siya sa school ko.

"Thank you, Alfred." Pag-dismiss niya sa butler. Narinig ko na lang ang pagsara ng great oak doors sa likod namin

"Si Raegan?" Tanong ni Alexa sa dati kong professor.

"Nasa kwarto niya, natutulog na siguro yun. Pumuntahan mo muna? I'd like to talk to Gene alone." Sagot ni Mam Perez.

"Okay."

Lumabas si Alexa ng kwarto at naiwan kaming dalawa ni Mam Perez. 

"Kumusta ka na?" Panimula ni Mam Perez at sumenyas na maupo kami.

Split AgainWhere stories live. Discover now