Chapter 36

27.2K 817 207
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 36

"Sky,"

Nagising ako sa boses ni Raegan at nang tingnan ko siya ay nakapikit pa ang mga mata niya at may luha sa pisngi niya. 

Kumikibot ang kamay niyang nakapatong sa may tiyan ko at kapansin pansin sa talukap niya na gumagalaw ang mga mata niya kahit nakapikit siya. 

"Wag mo siya sasaktan," biglang sabi ni Raegan.

Bumilis ang paghinga ni Raegan at nang gigisingin ko na dapat siya ay bigla siyang napatikwas. Agad na bumukas ang mga mata niya at napatingin sa paligid.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko at hinawakan siya sa dibdib para kumalma siya. Dama ko ang bilis ng tibok ng puso niya.

"I---I'm fine,"

"Bad dream?"

"I saw a dark figure attack you and I can't move to help you," mahinang sagot ni Raegan at niyakap ako.

Nakaunan ako sa balikat niya at pareho kaming walang saplot. Nang niyakap niya ako ay napahawak ako sa likod niya at naramdaman ko ang malamig na pawis niya. 

"I'm fine, Sky. Wag ka mag alala."

"You need some security though. Mag aassign ako ng assistant for you para may kasama ka palagi,"

Ngumiti ako sa sinabi niya. "No need for that. May butler na ako."

"Oh," napa-kurap si Raegan at umiwas ng tingin, "I forgot, sorry."

"Okay lang, kahit naman ako hindi pa sanay sa ideyang Rayleigh ako,"

Dahan dahan kong tinrace yung gilid ng gauze ng mga sugat ni Raegan sa dibdib, iniimagine yung sakit na naidulot nito sa kanya nung minarkahan niya ang sarili niya. Siguradong makikita yung mga peklat niya in the future pag naisipan niyang magsuot ng damit na may mababang neckline.

Napasinghap si Raegan kaya tumigil ako.

"Masakit ba? Sorry,"

Umiling si Raegan, "hindi. Nakikiliti ako."

"Eh?" Taka kong tugon. "Wala ka naman kiliti dito dati?" 

"Your touch tickles,"

Napakunot ang noo ko. Panong nakakakiliti yung haplos ko?

"Di ko maexplain pero nakikilit kasi talaga ako pag ginaganyan mo ako."

"Di naman kita ginaganito dati?"

Maliit ang ngiti ni Raegan, "you do that pag matutulog na tayo. Although usually sa braso ko lang."

"Oh,"

Hinawi ni Raegan ang buhok sa noo ko at saka ako hinalikan doon.

"Mahal na mahal kita," bulong niya.

Napangiti ako at sumiksik sa may leeg niya. "Mahal na mahal kita, Sky."

"Hey, can I ask you something?"

Lumayo ako para matingnan ko siya ng maayos. "Ano yun?"

"Will you be my girlfriend again?"

Natameme ako sa tanong niya. 

Oo, sumagi sa isip ko yung status namin kanina habang nagsesex kami pero di ko naman inaasahang tatanungin niya kaagad ako na maging girlfriend niya ulit. Actually, di ko rin naman inaasahan na mapupunta kami pareho sa kama.

Naalala ko noong sinagot ko siya last year. Birthday niya yun at wala na si Rae at Gan kaya naisip kong panahon na para maging official kami. Anniversary na sana namin next week kung hindi kami naghiwalay. Pero wala, andiyan pa si Roli at marami pang ibang komplikasyon. Kahit naman sabihin kong mahal namin ang isa't isa, kung ganitong maraming pwedeng maging problema pag naging kami na ulit, mas gugustuhin kong maghintay muna.

Split AgainWhere stories live. Discover now