Chapter 26

18.7K 771 178
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 26

"Ang ganda ganda ng bahay mo sa labas, para namang binagyo dito sa loob."

"Sorry na, hindi pa kasi nakakapag linis."

"Pansin ko nga," 

Medyo maayos naman ang sala ng bahay ni Hail, kaso nang magpasama siya sa kwarto ay natigilan pa ako kasi halos hindi mo na makita ang sahig sa dami ng gamit na nakakalat. May mga damit, mga naka-stack na libro at mga papel na pwede mo nang ibenta sa junk shop sa dami, ni hindi mo na makita ang mismong kama ni Hail.

"Kelan ka huling umuwi dito?" Tanong ko sa neurosurgeon.

"About three weeks ago."

Napakamot na lang ako ng ulo.

"Help me look for my cat."

"I'm sorry, what?"

"Si Jaguar. He likes to stay here in my room."

"How exactly am I supposed to---"

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi may tumama sa ulo ko na matulis at medyo mabigat. May nag-meow sa uluhan ko.

"JAGUAR, NO!" Inabot ni Hail yung pusa sa uluhan ko at napahawak na lang ako sa anit ko kung saan nag-landing si Jaguar.

Mukhang orange fluffy cloud si Jaguar with brownish lines all around his body. Hindi siya mukhang masayang makita ako o ang amo niya.

"Tatlong linggo kang wala dito. Sino nagpapakain sa kanya?" Tanong ko, minamasahe yung ulo ko.

"He's a smart guy. I just leave the whole cat food container open tapos dun na mismo siya kumakain."

"Hindi yun nauubos?"

"It's enough to feed him two months kung hindi siya magbi-binge eating, which he doesn't do." Sagot ni Hail. "I also have this theory that he eats rats or whatever insect comes in this mess."

"Hail, that's irresponsible of you." Napailing ako.

"That's why I have a cat and not a dog. Dogs are high maintenance. Look at this fluffer, he does not need me at all." Hinalikan ni Hail si Jaguar sa may uluhan nito at muntik na siyang kalmutin ng pusa sa mukha. 

"Dadalhin mo talaga siya? He looks like he's mad at me."

"That's just his face, Genesis."

Sinamaan ko ng tingin si Hail. "Hindi niya ba ako kakalmutin?"

"Carry him."

Inabot ni Hail si Jaguar sa akin pero bago ko pa siya makuha ay tinangka akong kalmutin nito. "HAIL!"

"Hmm, he's in a grumpy mood."

"Wow, di ko pansin." Sarkastikong sagot ko. 

"Let's leave him then." Binaba ni Hail si Jaguar at tumakbo ang pusa palabas ng kwarto. "I'm gonna go get some clothes. Sa sala ka na lang muna siguro. I know you're uncomfortable with all my mess here."

"Okay. Dalian mo. Pakiramdam ko may ahas nang nakatago diyan sa kalat mo. Baka may tumuklaw na sayo."

Natawa si Hail. "Kung may ahas dito malamang inatake na yun ni Jaguar."

Lumabas na akong kwarto niya at bumalik sa sala. Kumpara sa kwarto niya ay mas maayos dito. Kaso halata mong matagal nang hindi nalilinisan dahil sa alikabok sa paligid. May mga balahibo rin si Jaguar na nakadikit sa sofa. 

Napalapit ako sa may TV set ni Hail kung saan may ilang picture frames na naka-display. May picture ni Hail at ng pamilya niya. May picture ni Hail na naka-white coat. May picture ni Hail at ng isang babaeng kulay brown ang buhok, pareho silang naka-white coat at may mga stethoscope na nakasabit sa leeg nila.

Split AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon