Chapter 22

22.5K 816 202
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 22

"Ano ba yan, Gene!" Reklamo ni Jordan. "Ngayon na nga lang tayo lalabas na tatlo, farewell blow out mo pa."

"Eh kasi naman, naging close lang tayo nung nakulong tayo sa file room."

"Pwede pa naman tayong lumabas tatlo kahit wala na si Gene sa kumpanya," singit ni Rhian, "di ba, Gene?"

"Oo naman."

"Eh, iba pa rin yung magkakasama tayo sa trabaho, yung araw araw tayong magkakasama."

"Ayan si Rhian oh, pagsawaan mo."

Sinamaan nila ako ng tingin pero tinawanan ko lang sila.

Huling araw ko na sa trabaho bukas. Dapat ay bukas kami lalabas na tatlo nila Rhian at Jordan kaso may importanteng lakad daw si Rhian kaya ngayon na lang kami lumabas.

"Pero seryoso, Gene. Mamimiss kita." Sabi ni Rhian.

"Ako din." Malungkot na sabi ni Jordan.

"Wag na kayong malungkot, pwede naman tayong lumabas paminsan minsan."

"Ngayon mo sinasabi yan pero pag nakahanap ka na ng bagong trabaho makakalimutan mo din kami kasi magkakaroon ka na ng mga bagong kaibigan." Sabi ni Jordan.

"Wow ha, ano tayo, high school?" Tawa ko sa pagdadrama ni Jordan. "Syempre importante kayo sa akin kasi kayo yung mga naging kaibigan ko sa unang trabaho ko. Di ko hahayaang magkalimutan tayo."

"Basta magpromise ka ha, Gene? Walang kalimutan!" Pilit ni Rhian.

"Oo, promise! Saka magiging ninang pa ako ng anak mo di ba?"

"Anak agad? Di ba pwedeng maghanap muna ako ng aasawahin ko?"

"Ayan oh, si Jordan!"

Pinaghahampas ako ni Rhian sa braso pero tinawanan ko lang siya. Ayaw niya pa kasing aminin na nagiging crush na niya si Jordan kaya nagkukunwari siyang diring diri dito.

"Wow lang, Gene." Parang asar naman na sabi ni Jordan. "Mataas standards ko, di ko papatulan yang si Rhian."

"ANG KAPAL NG MUKHA MO AH!" Sigaw ni Rhian. "SINABI KO BANG TYPE KITA?!"

Tinakpan ko yung bibig ni Rhian kasi ang lakas ng pagkakasigaw niya, napatingin tuloy yung ibang costumers ng pizza place na kinakainan namin ngayon.

Nagbangayan pa sila pero hindi ko na maiwasang hindi malungkot na kasama sila sa kailangan kong iwan muna para lang makaiwas ako sa lahat ng sakit na dinudulot sa akin ni Raegan at Mam Rina.

Mam Rina.

Napa-iling ako. Kahit na inagaw niya sa akin si Raegan ay nirerespeto ko pa rin ang posisyon niya bilang boss ko. Siguro naman pagkatapos bukas ay magagawa ko nang hindi siya tawagin na Mam.

"Oy, Gene. Tulala ka jan?" Tinapik ako ni Rhian sa braso. "Okay ka lang?"

"Naalala ko lang si Mam Rina saka si Raegan."

Nalungkot sila sa sinabi ko.

"Hayaan mo na, Gene. Di mo na kailangan magtiis na araw araw makita si Mam Rina. Last na yung bukas."

Tumango si Rhian. "Oo nga. Di mo na kailangang pagtiisan yung bruhildang yun. Kami na bahalang rumesbak para sayo, Gene."

Tiningnan siya ni Jordan. "Resbak? Pano mo reresbakan yun?"

"Di ba ako nagtitimpla ng kape niya minsan? Lalagyan kong lason nang mabawasan na ang mga malalandi sa mundong ito!"

Pinitik ni Jordan yung tenga ni Rhian. "Baliw ka talaga."

Split AgainWhere stories live. Discover now