Prologue

7.3K 88 7
                                    

Jho's POV

Papunta ako ngayon kay Baham. 2nd Anniversary namin. Yet, hindi pa din sya nagtetext or tumatawag. Actually ilang months na syang ganon. Na dati hindi nya naman ginagawa. Pero Im trying not to think about it. I just shrug it off.

Iniisip ko baka kung anong pakulo nanaman siguro gagawin nya para sakin..... katulad nung ginawa nya last anniversary namin.

Ang tagal na din pala simula nung nageffort sya sakin. Baka babawi na sya. Hehe.

Nakarating na ko sa condo nya ngayon. Nginitian agad ako ng nasa front desk. Kilala na ako dito sa tinutuluyan ni Baham.

Umakyat na ko at kinuha na yung susi sa bag ko. Pagbukas ko tinawag ko si Baham. Pero walang sumagot.

Pumunta ko sa kwarto nya pero wala. Anong pakulo nanaman ng mokong na yun? Nagulat ako ng bumukas yung pinto. Si Baham. Yung mahal ko lang pala. Napangiti ako ng makita sya.

Akmang lalapit na ko sakanya. Nang may isa pang iniluwa yung pinto. At mas lalo akong napangiti. Dahil ang iniluwa nun ay si Jia. Yung bestfriend ko.

"Best!!!! Syet kelan ka pa dito? Di mo man lang ako ininform ha. Nakakatampo." Pero wala lang syang imik. Nagpunta lang ng america, tumahimik na ganon?

"Babe naman. Eto naman. Ikaw lang sapat na eh. Thank you sa surprise mong si Juju. Hahaha. Alam mong miss na miss ko na sya. I love--" naputol ang sasabihin ko ng bigla nya kong hilahin papunta sa kwarto nya.

"No louisse. Its not what you think. Matagal ng umuwi dito si Jia. Matagal na din naman sayo tinatago to. And I think this is the right time to say this. Kami na ni Jia. Matagal na." Ha ano daw? Alam nya naman na slow ako sa bagay bagay eh. Hays

"Anong kayo na? Tayo kaya! Nagdadrugs ka ba? Tigil mo na yan ha. At alam ko naman isa lang to sa mga surprises mo n--" At di nanaman nya ko pinatapos sa sasabihin ko.

"Yan ang pangit sayo louisse eh. Ang slow mo palagi. Nakakaasar na yang ganyang ugali mo. Ang childish mo. Hindi ka kagaya ni Jia. Kaya ayoko na sayo. Kami na ni Jia. Matagal na. Sorry kung tinago namin sayo."

Nagpantig yung tenga ko sa narinig ko. Tama ba yung rinig ko? Oh slow nanaman ako? Wait di ako makapagsalita. Ano ba sasabihin ko? Ano tong nasa mata ko? Luha ata to.

"Ayaw na namin itago sayo. Dahil para ka nadin namin niloloko. At ayoko na patuloy ka pang umasa na mahal kita. Dahil kahit kelan hindi kita ginusto at minahal."

Ano tong tumutusok sa puso ko?? Bakit ganto kasakit?? Si Jia niloko ako? Si Baham na mahal na mahal ko iiwan na ko??

"Ginamit lang kita. Dahil si jia yung talagang gusto ko. Sorry louisse. Sana mapatawad mo kami." Tinignan ko si Jia na papasok sa kwarto. Hindi ko na mapigil yung sakit na nararamdaman ko. Lalo na tong tubig na umaagos sa mata ko.

Paalis na sila ng huminto sila nang magsalita ako. "Minahal mo naman ako kahit konti diba? Kamahal mahal naman ako diba? Bae. Please. Sagutin mo naman ako oh." Hindi ko na napigilan. Lumapit ako sakanya. At dahan dahan na lumuhod.

"Louisse. Tumayo ka na djan. Kahit magdamag ka pang lumuhod djan. Hindi mo na mababago na hindi talaga kita mahal." Pagtapos nyang sabihin yun ay hinawakan nya si Jia at hinila na paalis.

I feel so helpless. Dahil ang isa sa pinakapinagkakatiwalaan ko, at sa dapat na magiging takbuhan ko ay niloko ako. Wala nang kwenta ang buhay ko. Sana panaginip lang lahat ng to.....

------

YUN OH! HAHAHA Drama agad agad ganon!! Hahahaha. Yan na yung best ko sensya na kayo. 😙

-ETUCNESS

YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Where stories live. Discover now