C

3K 68 0
                                    

Bea's POV

Nagising ako ng 5pm. Mabuti na lang may time pa para makapagayos. Baka biglang bawiin pa ni Jho yung offer nya.

Ginawa ko ng mabilis lahat ng kailangan ko gawin. Mas mabuti ng ako ang maghintay kesa kay Jho. Nakakahiya naman.

Bago ako bumaba tinignan ko muna yung sarili ko sa salamin. Umikot ikot. Sabay ngiti.

"Ang pogi ko talagang nilalang." Pati sarili ko hindi ko mapigilan na sabihan akong pogi. Wala eh. Ganun na talag--

"Talaga lang ha? Pogi ka na nyan? So self proclaimed." Mapangasar talaga to. Pero syempre mas mapangasar ako sakanya.

"Oo kaya. Tignan mo kaya ka nga nandito kasi para masilayan ang perpektong nilalang na kagaya ko." Sabay smirk sa kanya. Nakita ko naman ang pagkaasar sa muka nya. Haha sabi na.

"Ang kapal naman talaga ng muka neton-" Pinigilan ko na sya para mas lalo syang maasar sakin.

"Ang mahalaga pogi ako." Sabay kindat pa sakanya. Hahahaha ang cute nya talaga asarin.

"Anong magagawa ng kapogian mo kung ayoko ng umalis ngayon?" Agad naman napalaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. Hindi pwede yun. Ready na ko oh. Chance na din to para makilala ko pa sya.

"Eto naman si Jho hindi mabiro. Tara na nga bago pa magbago isip mo. San ba tayo? Lika na." Sabi ko sakanya habang akbay akbay sya.

Nakita ko naman na nagpipigil sya ng ngiti habang pababa kami ng hagdan.

"Wag mong pigilan yan. Baka ututin ka sige ka." Tinignan ko sya at ayun na nga. Lumabas na din ang ngiti na mahirap ilabas sakanya.

Kung ano man ang bumabagabag sakanya, andito ako para ilabas lahat ng kung ano man ang nasa loob nya. Recently may nasabi syang 'sanay na syang maiwan' and I will assure na kung ano sya ngayon, yun ay dahil sa mga taong gumawa sakanya ng bagay na nakapagpabago sakanya. Kaya willing ako magstay sa tabi nya para lang ibalik kung ano sya noon.

Natigil naman ang pagiisip ko nang madatnan namin si ate Ella sa sala.

"Aalis kayo? San punta? Bihis na bihis ah." Na may halong pangaasar ang ngiti nya.

"Wala kaming alis. May dating lang kami. Djan lang sana sa kusina. Bastos ka ate Ells. Ano gusto mo? Nakahubad kaming aalis? Jusko kaloka na talaga mga tao ngayon." Iling iling na sabi ni Jho habang palabas na ng pinto.

Natatawang umiiling naman to si ate Ells dahil sa pinagsasabi ni Jho.

"Ayos ah. Nagwalk out agad para hindi magantihan. Tsk tsk." Iiling iling nyang sabi. Haha ang cute nilang dalawa. Pero mas cute talaga si Jho.

"Niyaya akong magdate ni Jho ate Ells ah. Pagbibigyan ko lang muna. Bye po!" At umalis na ako at iniwan na nakatulala si ate Ells dahil siguro hindi pa nagsisink in sakanya yung sinabi ko haha.

Paglabas ko nakita ko naman na naghihintay si Jho nakasandal sa sasakyan nya at asussual nakasimangot nanaman.

"San mo ko ide-date?" Habang nagtataas baba pa yung kilay ko. At sya naman ay tuluyan ng tumaas ang kilay nya.

"Ako idedate ka? Ikaw ang magdedate sakin kaya dalian mo na kung gusto mo pang matuloy tong date na to." At pumasok na sya sa kotse nya.

Pumwesto sya sa driver seat so it means sya bahala sa pupuntahan namin. Oh well. Tagal ko na din naman hindi nakapunta dito kaya okay din.

Inistart nya na at hinayaan ko na syang dalhin ako kung san man nya gusto. Basta sya ang kasama ko. Naks galawang bdl. May itatanong na sana ako sakanya kaso bigla syang nagsalita.

YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Where stories live. Discover now