A

4.4K 72 2
                                    

Jho's POV

*kkkrriiiiinnngggg* (alarm yon, wag na umarte. Haha)

Kinapa ko ang alarm na nasa table side ko. Gising na ko kanina pa. Sa totoo lang, matagal na. Matagal na kong gising sa katotohanan na hindi nya ko mahal. Aga aga hugot agad. Kaloka buhay ko.

Pero seryoso, kanina pa ko gising dahil ayoko na muling bumalik sa bangungot ng nakaraan. Unti unti ako umupo. At napatingin sa kalendaryo na nakasabit sa dingding ng kwarto ko. 06-12-16

Dalawang taon na din pala ang nakalipas. Simula nung mangyari ang isang bangungot na kahit kelan hindi na naalis sa bawat pagtulog ko.

Masaya kaya sila? Ginagawa kaya nila yung mga ginagawa namin dati? Minahal din ba nya kagaya ng pagmamahal nya sakin? Ay wait. Siguro nga ginawa nila yun. Pero ang pinagkaiba lang namin. Lahat ng ginagawa ni Baham para kay Jia ay totoo. Yung sakin, isang malaking joke lang.

Poohtragis. Mama, papa, kelan pa naging joke tong buhay ko? Bakit lahat kayong mahal ko iniiwan ako? Ganon ba ko kasama kaya iniwan nyo agad ako?

Hindi ko nanaman napigilan. Ang tagal ng panahon simula nangyari ang mga ito pero yung sakit parang kahapon lang. Hindi pa rin naghihilom. Lagi na lang ganto yung routine ko. Sawang sawa na ko.

Naging suicidal na din ako dahil hindi ko na ma-take yung mga nangyayari sa buhay ko. Gusto ko na din makasama pamilya ko. Pero mukang hindi pa nga dapat. Nakakapagod na lang magpabalik balik sa ospital. Gastos lang din.

Nabalik ako sa ulirat ng magvibrate phone ko. Hindi ko na kailangan tignan kung sino yun. Iilan lang naman silang nagaabalang tumawag at kabisado ko na kung kaninong boses yun.

"Oh ano nanamang problema mong pangit ka?" Nagrereminisce kasi ako kung gano kapait tong buhay ko tapos..

"Hey hey hey. Aga aga ganyan agad mood mo. Good morning jhow!" At talagang nakuha pang bumati ng good morning? Buhay ko nga hindi good eh. Morning pa kaya?

"Kung wala kang matinong sasabihin Rex, pwede ko ng patay--"

"Hello picasso. Ano nanaman iniinarte mo djan. Pumunta ka dito. Magmadali! Kbye" Ate Ells?? Syet umuwi na sya. Ikennat!!!!

Dali dali akong pumunta sa banyo para makapagayos na. Matagal ko din hindi nakita si ate Ells. Sya na kasi yung umalalay sakin simula nawala ang mga magulang ko. College friends kami nila Rex pero grabe naging guardian ko na din sya. Hindi nya ako pinabayaan kahit nasa ibang bansa sya.

Agad kong niyakap si ate Ells pagkadating na pagkadating ko sa tambayan namin.

"ate Ells namiss kita! Grabe ka bakit ang tagal mo? Tapos dapat dumiretso ka na dun sa bahay para nilagay mo na gamit mo. Nangistorbo ka pa ng pangit dito." Pagtutukoy ko kay Rex habang hawak hawak pa din si ate Ells na tumatawa.

"Grabe ka sakin jhow. Hindi porket man hater ka idadamay mo ko. College buddies padin tayo kahit papano." Pagpapaawa pa netong pangit na to. Hays. At napatingin naman ako banda sa tabi ni ate Ells.

Napansin ata yun nila ate Ells kaya hindi na nila hinintay na magtanong pa ko.

"Bunso, si Bea. Pinsan ni Ly. Gusto nya daw magexplore dito sa Phil. Kaya satin na muna sya titira. Bea si Jho." Pagpapakilala samin ni ate Ells.

Nagulat ako ng pagtayo nya ang tangkad pala nya. Akala ko kung ano gagawin. Yun pala magpapakilala lang.

"Hi jho. Im bea. Hope we can be friends." Mahiya hiya nya pang sabi habang inaabot ang kamay nya sakin. Agad naman ako tumayo at inabot ang kamay nya.

YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Where stories live. Discover now