D

3K 87 4
                                    

Bea's POV

Sumakay na kami sa ibat ibang rides ni Jho. Feeling ko kakadating lang namin dito dahil yung energy ni Jho hindi nababawasan. Patunay lang yun na wala syang energy gap. At mabuti yun.

Actually hilong hilo na ko dahil sa mga extreme rides na pinili nya. Kaso nakakahiya naman tanggihan yung kagandahan ni Jho haha. Baka mawala pa sa mood.

"Beh last na. Ferris wheel na tayo. Please?" Sabi nya habang nagpapacute pa. At ayan nanaman sya sa pagtawag nya sakin ng beh. Baka di magtagal bigyan ko ng malisya yan pag nagkataon haha.

Nagplease pa sakin, no choice din naman pala kung ayoko kasi hinila nya na din agad ako. Maya maya pa ay nakapila na din kami.

Nakapasok na kami at hindi parin matigilan netong babae sa tabi ko ang ma-amaze. Kung hindi nya sinabi kanina na nakapunta na sya dito baka mapagkamalan ko syang first timer. Maganda nga naman kasi talaga dito.

Pero mas maganda tong katabi ko kaya hindi ko na naappreciate yung ganda ng lugar. Pag si beadel talaga ang kasama mo everything but cheesy. Hahaha waley

Nagsimula na umandar ng magsalita si Jho. "Beh." Nakayuko si Jho kaya hindi ko alam kung anong expression ng muka nya. Pero nung nakita kong gumagalaw yung balikat nya lumapit na agad ako sakanya.

"Hindi ko alam kung ano ginawa ko para iwan ako ng mga taong mahal ko." Okay. Trap na ko. Kahit na ayoko sa mga gantong situation pero para lang makilala ko si Jho, paninindigan ko.

"Jho hindi mo naman masisisi ang mga parents mo. Hindi din naman nila kagustuhan yun eh. Sino ba naman gusto na iwan ang anak nila? Wala naman diba?" Tumawa naman sya. Alam ko naman na sarcastic lang yon kaya mas lalo kong hinagod ang likod nya. Dahil eto lang sa ngayon ang magagawa ko para sakanya..... bilang kaibigan.

"So ang alam mo lang talaga na nangiwan sakin parents ko? Tanggap ko naman na yun matagal na. Nakamove on na ko. Pero yung feeling na yung taong mahal mo pinagpalit ka sa bestfriend mo..." What the???? Wait nawiwindang ako sa mga nalalaman ko.

"Ay hindi. In the first place parang ako pa pala sabit sakanila. Parang mali ko pa na sinagot ko sya. Alam mo? Sa tagal ng panahon na nangyari yun hindi ko padin talaga matanggap na ganun ganun na lang nangyari yun." Hinayaan ko lang sya magkwento pero palakas ng palakas yung iyak ni Jho.

Now I know, hindi ko din masisisi si Jho kung bakit ganun na lang ang ugali nya ngayon. Sa totoo lang lahat naman ng babae hindi deserve yung ganung klase ng lalaki. Ang hirap makitang nagkakaganito ang isang babae para sa walang kwentang lalaki.

"Why am I still loving you..... when you never loved me?" Bulong nya sa sarili nya pero masyado kami magkalapit kaya narinig ko. Hey Bei speak up!!!!! Im not good in this situation basta bahala na. Inangat ko ang muka nya at pinunasan ang mga luhang umaagos sa mata nya. Sisiguraduhin kong hindi ka na iiyak pang muli Jho. I got you now.

"You know what Jho? Its useless. Hindi mo naman mababalik sa pagiyak iyak mo yung nawala sayo. I know hindi ganun kadali sayo yun. But, kagaya ng ginawa mo sa parents mo you have to move on. Naka move on ka nga sa pagkawala ng parents mo na kasama mo since birth eh. Eh yang gago na yan? Nabuhay ka naman nung wala pa sya ah? And I think kaya mo yan. Iniisip mo lang kasi palagi kaya hindi ka makamove-on!" Im sorry Jho but eto yung tanging paraan para gumising ka na sa katotohanan. Hindi ka deserve ng putang lalaki na yun.

"Alam mo madaling sabihin yan para sayo kasi wala ka sa sitwasyon ko! Its useless huh? You know what? Nothing hurts more than realizing he meant everything to me and I meant nothing to him! Ginawa ko lahat pero ang sasabihin nya lang sakin ay simula una hindi nya naman pala ko mahal?? Then bakit nya ko niligawan in the first place???!!! Thats bullshit!!!" Lintek na pagibig! Okay pa sana kung nagbreak sila pero minahal nya. Pero hindi eh! Mas lalo lang ako binibigyan ng dahilan para magstay sa tabi ni Jho.

YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Where stories live. Discover now