M

3.3K 70 22
                                    

Jho's POV

"Can I sleep beside you?" Yes naman Jho san mo nahugot yan para itanong yan?

Hindi ko alam kung tama ba tong nakikita ko na reaksyon sa muka nya pero gulat sya sa sinabi ko.

Gulat o ayaw nya? Tss nakakahiya naman kung tatanggihan nya ko!

Nilakasan ko na nga yung loob ko na itanong yun oh buset!

"Ayaw mo?" Tanong ko para naman hindi na manggaling pa sakanya yung word na yan. Mas masakit yun freeeend.

Pero umiling sya at nagulat na lang ako ng higitin nya ako sa tabi nya dahilan para mapahiga din ako sa tabi nya.

Shet Beatriz dahan dahan naman. HAHAHA choz landi q.

"Kung eto yung ibig sabihin ng ayaw pwes.... ayaw na ayaw ko." Niyakap nya ako at hindi ko alam kung ano irereact ko.

Why Beatriz? Why?? Bakit ganto ganto na lang yung dulot mo sakin. Grabe ka sakin. Huhu

Hindi ko na binalak magsalita pa. Naramdaman ko na lang na haplos haplos ni Beatriz yung buhok ko.

Ilang minuto din at nararamdaman ko na yung antok.

"Beh?" Tawag ko kay Beatriz. Pero nag-hum lang sya. Antok na kaya to? O tulog na?

Sabihin ko na ba?? Pero masyado pang maaga.

Wow Jho ang tapang mo naman ngayon.

Paano kung wala syang gusto sakin? Pano kung tingin nya lang talaga sakin ay bestfriend? Ang saklap naman nun.

Baka layuan ako ni Beatriz? Bakit ba andito ko sa sitwasyon na to. Bwisit naman oh.

"Goodnight beh. Loveyou."

Loveyou daw? Mahal nya ko? Eto na ba ibig sabihin nun? Hindi nya lang ako gusto, love nya din ako?

Pero we exchange our 'iloveyou' simula nabuild tong behstygoals namin.

Anuna Jho ang praning mo. Hays. Hinigpitan ko na lang ang yakap ko sakanya.

Naramdaman ko na din ang antok sa wakas. Pero may gusto pa ako sabihin kay Beatriz.

"Goodnight Beatriz.... g-gusto na k-kita."

Napadilat ako ng sabihin ko ang mga salitang yun at dahan dahan na sinilip si Bea.

Pucha bakit nagsasalita ka ng ganun Jho?? Pahamak ka sa sarili mo nyeta.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita si Bea na nakapikit at tulog na. Please sana hindi narinig ni Bea yun. Ang gaga mo Jho buset.

"Huy galaw galaw baka ma-stroke." Nawala ako sa pagaalala ng nangyari samin ni Bea nung isang linggo nang sumulpot si ate Ella.

Napatingin ako sakanya at sinabunutan ang sarili ko. Baliw na kung baliw.

Hindi ko na kaya itago.. parang any moment lalabas na mismo uli sa bibig ko at mapaamin sakanya ng tuluyan.

Until now hindi parin ako makapaniwala na nangyayari to... Im confused as fxck!

"Kanina pa ako kausap ng kausap sayo muka kang tuod djan." Tumingin ako at inirapan sya pero umupo lang sya sa kabilang side ng kama ko.

"Ano confirmed na no? Sabi ko naman kasi sayo, bulag lang ang di makakakita ng tingin mo sakanya."

Napabuntong hininga ako matapos marinig yung sinabi ni ate Ella.

Si Beatriz kaya? Napapansin kaya nya? Wag naman sana.... baka layuan nya ko.

YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Where stories live. Discover now