O

2K 42 13
                                    

Bea's POV

Kasalukuyan namin inaayos ang mga dapat na ayusin para sa party na hinanda namin para kay Jho ngayon.

Simple lang naman tong party na hinanda namin. Pero syempre special to.

Coachella yung theme tapos nag set-up na lang kami ng mahahabang table na above the knee lang yung height. Then yung upuan namin is mga pillows.

Tapos dun banda sa harap may mini stage katabi nun ay mini tent na boho style naman, kung san yung pwesto ni Jho.

Nakakatuwa pagmasdan kasi puro sunflower din nakapalibot samin kahit san ka tumingin. Kung hindi color yellow, sunflower yung mga makikita.

Hindi na ibat ibang flowers nilagay namin dahil obvious naman na sunflower ang favorite ni Jho. At mas lalong nakakatuwa kasi for sure matutuwa si Jho lalo na pag nakita nya din yung sunflower crown nya.

I cant wait. Feeling ko ako pa yung mas excited kesa kay Jho. Feeling ko ako yung may birthday.

Ganito talaga nga yung feeling, yung tipong mas excited ka pa para sa bestfriend mo haha.

By the way first time ko kasi tong ganto, makasama sa pag-organize ng party na malapit sakin kaya naman hindi ko maiwasan maexcite for Jho.

Nawala ako sa pagmumuni ng may tumabi sakin kaya naman napatingin ako sakanya.

"Sa tingin mo magugustuhan nya to?" Bumalik ang tingin ko sa lugar na inayusan namin at isa isa tinignan sila Mich, Gi, Marge na abalang abala sa pagaasikaso ng flower arrangement.

Sila Therese and Rex naman sa mga letterings and designs.

Sila Deanna, Ria, Ponggay naman tumutulong din sa pag set-up ng mga tables and pillows.

"Oo naman. Bakit hindi?" Tumingin uli ako sakanya at ngumiti si Kat at umalis. Weird.

Si Jho naman kasi yung klase ng tao na hindi maarte. Kahit na maliit na bagay lang okay na sa kanya.

Alam ko din kung bakit hindi nya magawa magcelebrate kaya its time. Its been a long time.... panahon naman na siguro para sya naman yung sumaya. She trully deserved it.

Speaking of Jho, kasama sya ng punong abala na si ate Ells. Natatawa ako dahil naiimagine ko yung trashtalkan nung dalawa.

As far as I know ay nasa cemetery si Jho. Sinamahan sya ni ate Ella dun icelebrate yung birthday nya. Little did she know na mas may icecelebrate pa yung birthday nya.

And I dont think na nakakahalata sya dito sa surprise birthday party namin for her.

Maliban na lang kung ipapasuot na sa kanya agad ni ate Ella yung damit nya na Bohemian dress.

Ang alam ko kasi before 7pm dapat andito na sila at balak na ni ate Ells na ipasuot na sakanya yung dress right before sila makauwi para pagdating nila start na agad yung party.

Ang hindi ko lang alam ay kung mapasuot kaya ni ate Ella yun kay Jho without knowing para sa surprise namin yun. 😂 Baka magtaka sya na bakit may ganon. Haha oh well... sana umayon lahat samin.

Nagvibrate yung phone ko kaya naman kinuha ko sa pocket ko, at pagkatingin ko Its J... calling.

"Hey J! Wazzap?" Narinig ko ang pag-buntong hininga nya kaya naman nagsalita uli ako.

"Problem?" And once again nagpakawala nanaman sya ng heavy sigh.

"Eh kasi naman eh. Hindi ko alam kung ano susuotin ko." Napangiti naman ako dahil dun. J is being so conscious.

YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Where stories live. Discover now