N

2.6K 59 7
                                    

Bea's POV

Hindi ko alam kung ano nangyayari sa paligid ko. Last day na ba? Gugunaw na ba mundo?

Kaninang umaga nagising ako dahil sa kulit ni Jho. Imagine 7am gising na sya! Imposible?? Sobra!

She's not a morning person. Kaya hindi sya sanay na magising ng maaga. I dont know kung anong klaseng spirit yung sumanib sakanya.

Hindi lang yun! Kaya pala sya todo gising kasi nilutuan nya ko ng breakfast. Tinimplahan pa ko ng coffee.

Nakakapanibago yet I like it doe. Haha. Sana always na syang ganyan para lagi na akong may kasabay mag breakfast hihi.

"Beh eto masarap oh. Hindi ko luto to." Nakangiti habang papalapit sakin si Jho na may hawak na tupperware.

Nilapag nya yun sa mesa at umupo na din sa tabi ko.

Tulad neto... ibang iba. Other side of Jho... being childish. Tapos blooming pa. I dont know talaga whats happening here now.

Good mood? Ah baka kasi birthday nya na tomorrow?

"Any plans for your day tomorrow?" Nagpout pa sya at umiling.

"Pupunta lang ako kila mama at papa bukas...." Tumingin ako sakanya habang sya patuloy padin sa paglagay ng pagkain sa plate ko.

"And then??? Yun lang?" Tumango naman sya.

"Depende na lang kung i-treat mo ko bukas."

"Sorry beh aalis ako bukas eh." Pagsisinungaling ko sakanya.

Agad naman sya napatingin sakin ng malungkot. Oh Jho dont be like that. Baka mamaya masabi ko kaagad sayo yung plan namin for you.

"Buong araw? As in?" Tumango ako at umiwas ng tingin.

"Alam mo naman siguro na birthday ko bukas diba? Bakit aalis ka? At bakit kailangan sa mismong birthday ko pa?"

Sana hindi na lang ako uli tumingin sakanya para hindi ko nakikita ngayon yung namumuong luha sa mata nya.

Shit bakit kasi ganto pa yung naging plano eh.

"I have to meet someone kasi na business partner nila Mom. Since ako na din ang nandito, ako na yung inutusan na makipag-negotiate sakanila."

Lumapit ako ng konti sakanya at niyakap sya.

"First time ko na nga lang ikaw makakasama sa birthday ko yun pala hindi din mangyayari." Pagtatampo nito. Tsk nakakakonsensya naman oh.

Kalma Bei. Magiging worth it naman to pag nakita nya na yung surprise nyo sakanya para bukas eh.

"Im sorry. Bawi na lang ako kapag na-settle ko na to ha?"

Humiwalay na ko ng yakap sakanya pero sya ay pinunasan lang yung luha nya at tumayo.

"Hindi na pala ako gutom." Umalis sya at narinig ko naman yung mga dabog nya paakyat sa hagdan.

Napabuntong hininga na lang ako. Maya maya ay nag-ring yung phone ko.

"Hello ate Ells?..... yes Im on my way.... ok bye." Pagbaba ng call ay tumayo na agad ako at pumunta muna sa kwarto.

Ngayon kasi kami mag-prepare ng mga designs para bukas ikakabit na lang pagdating dito.

Kinuha ko yung gamit ko at lumabas. Pumunta naman ako sa kwarto ni Jho para sana magpaalam.

Kumatok muna ako at dahan dahan pinihit yung doorknob but hindi ko mabuksan. Amp nag-lock pa talaga sya ng kwarto.

"Beh.... aalis na ko... sorry na." Nagstay pa ko ng konti baka sakaling sumagot sya o pagbuksan nya ko ng pinto pero hindi.

YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Where stories live. Discover now