G

3K 61 5
                                    

Bea's POV

Nakaramdam ako ng ngalay kaya dahan dahan kong inangat yung ulo ko mula sa pagkakasandal nito mula sa.... steering wheel?????


Agad ako napatingin sa wrist watch ko at ng makita kong 8pm na ay agad kong inistart yung kotse ni Jho. Hindi ko namalayan na ang tagal ko na palang nakatulog.


"Maaga ka lang umuwi okay na ko."


Naalala ko naman  yung sinabing yon ni Jho kaya kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at shit! 14 missed calls at 15 messages. Lahat ng yon kay Jho galing. Patay na!



Papaandarin ko na sana yung kotse ni Jho nang umilaw nanaman phone ko. Tumatawag si Jho kaya kinuha ko at sinagot yun.


"HOY BEATRIZ ANUNA???? NAGEENJOY KA KASAMA SYA???? ANG SABI KO DIBA UMUWI KA NG MAAGA??? HOY ANO BAKIT DI KA SUMASAGOT DJAN??? NAKO IPAPAALAM KO NA TALAGA SAYO YUNG KROMPAL NG MALAMAN MO!!!" Sunod sunod nyang sabi kaya naman napabuntong hininga lang ako at napangiti.


"Beh. I need you." Nahalata nya ata yung lungkot sa boses ko kaya natahimik sa kabilang line.


"B-ba-kit?? N-nagkita ba kayo ni..... M-m-maddie??" Utal utal nyang sabi. Yeah, she knows about Maddie. Syempre open na kami sa lahat kaya hindi ako nagdalawang isip na ikwento sa kanya about samin ni Maddie...... at kung gano ko kamahal si Maddie noon.


Aaminin ko mejo mahal ko pa si Maddie kaya naman nagaalala ako na baka kapag nagkita kami, baka hindi ko mapigilan yung sarili ko na yakapin sya at kalimutan na lang yung ginawa nyang pagiiwan sakin.

"No beh. Pauwi na ko, djan na lang natin pagusapan mas gusto ko yung nakikita kita eh. Loveyou beh." Tinatry ko i cheer up sarili ko para mabawasan yung pagaalala sakin ni Jho.


Tinignan ko screen ng phone ko dahil hindi sumasagot si Jho. On call pa naman. Nagtatampo siguro kasi nga anong oras na ko makakauwi.


"Sorry beh maya ko na lang explain lahat paguwi ko. Iingatan ko kotse mo. Ill hang up na bye. Loveyou beh." Sunod sunod kong sabi at nilapag na yung phone ko. Pinaandar ko na yung kotse para makauwi na kagad kila Jho.

*****

Jho's POV

Nasa labas ako dahil hinihintay ko si Bea dumating. Nagaalala ako para sakanya. Alam ko kung gano kahirap yung sitwasyon ni Bea dahil ako mismo nararanasan yun.


Baka kung ako din mismo hindi ko din alam gagawin ko kung makita ko si Baham. May part na parang mararamdaman mo siguro na masaya kasi mahal mo eh. Pero may part din na inis, lungkot at galit kasi yung mahal mo tsaka kung sino yung sumira sayo ay iisa.


Nagulat ako ng may tumabi sakin. Masyado ata ako nakafocus sa iniisip ko kaya hindi ko na namalayan yung pagdating ni Bea. Yayakapin ko na sana sya pero naunahan nya na ko.


She needed this so much. Kaya naman niyakap ko din sya pabalik. Mga ilang minuto na din kaya naman niyaya ko na sya sa loob.


Pagpasok namin umupo agad si Bea sa sofa kaya naman kumuha muna ko ng pagkain nya. Ano oras na kaya. Tapos yung muka nya talaga namang stress! Hays anuba tong mga Ex na to. Kung kelan talaga nag momove on tsaka mga nagsisisulputan.


Wews. Buti pa si Bea binabalikan na. Kamusta naman ako? Tsss. Babalik din yun sakin. And once na bumalik na sya, wala na syang babalikan. Pak!


Bumalik na ko sa tabi ni Bea at nilapag yung pagkain na niluto ko. Dinantay nanaman ni Bea yung ulo nya sa balikat ko.


"Beh kain ka muna. Ako nagluto nyan kahit na hindi talaga ko marunong." Habang niyayakap sya. Pero nakayuko lang talaga sya. Wala siguro talaga sa mood.



YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Where stories live. Discover now