Q

1.5K 33 12
                                    

Jho's POV

"Wag mo nga ako tignan ng ganyan." Pagtataray ko kay ate Ells sabay bato ng tissue sa mukha nya.
Ayokong kaawaan ako ng ibang tao dahil lang sa ganto ako... na isa akong hopeless!

"Sorry Jhow. Hindi ko na dapat.."

"Its okay. Ako naman tong tanga eh. Ako tong nag-assume. Na akala ko meron talaga."

Ang hirap kasi ng gantong sitwasyon. Yung sarili mo lang yung nakikita mong pwede mong sisihin.

"And.... besides, matagal na yun. Magiging okay din siguro ako."

Huminga na lang sya ng malalim at umalis sa tabi ko.

"Basta pag kailangan mo ko tawagan mo lang ako ah. Bat mo pa kasi kailangan..." Tinitigan ko sya ng masama kaya naman alam nya na ang ibig ko sabihin.

"Hay nako Jhoana. Sige na aalis na ko. Magingat ka dito ah. Matigas talaga ulo mo."

Nakatingin lang ako sa bintana ng kwarto ko at narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan ko.

Its been a month nung nangyari yung birthday ko... at isa sa mga regalo na natanggap ko na habang buhay ko atang dadalhin.

Umalis nga din pala ako sa bahay ko hanggat hindi ko pa alam yung gagawin ko. Ano nga ba?? May plano ba ko?? Hindi ko alam.

Kaya binibisita bisita na lang ako ni ate Ells dito sa condo ko. Hindi alam ni Bea kung nasan ako.

Ang alam nya is may inaasikaso ako sa company ng tito ko dahil yun yung ginawang palusot ni ate Ells.

Hindi na rin daw dun minsan natutulog si Bea dahil lagi daw sya nandun sa babae nya.

Pero kahit na anong gawin kong paglayo sakanya para parin syang mantsa sa isip ko na hindi ko maalis alis.

Kahit na sabihin ko sa sarili ko na hanggang kaibigan lang, gusto ko parin sya.

Lagi ko syang naiisip. Kahit na alam kong friendzoned ako. Hindi ko sya tinanggal sa isipan ko.

Dahil she's the only one that really makes me happy.

Pero sya... may iba ng dahilan kaya sya nagiging masaya.

Ako kaya??? Kelan ba ko sasaya?? Arghhh.

11PM pa lang pala pero gutom nanaman ako. Kakaiba to ngayon ah. Imbis na gutumin ko sarili ko dahil sa broken nanaman ako eh kain naman ako ng kain. Siguro nalipat sa pagkain yung frustation ko.

Pero mas okay din naman to. Yung hindi ko pinapabayaan sarili ko. Sobrang kawawa na nga ko mas kakawawain ko pa diba? Mahal ko pa naman sarili ko wag kayo magalala. Eto talaga yung papel ko dito sa mundo... yung paulit ulit na masaktan.

*vibrate*

Kinuha ko sa desk ko yung phone ko and to my surprise... si Beatriz nagtext.

Bea de Leon

Hi beh. Its been a month... lets date naman oh. I kinda missed you. a lot! Ikaw ba hindi mo ko namimiss? Please Jho. Magpakita ka naman sakin.

Wala sa sarili akong napangiti pero binawi ko naman agad. Nalungkot ako dahil hindi ko pa din sya kaya harapin.

Hindi ko kasi alam kung ano yung dapat kong gawin dito sa feelings kong walang magandang dinulot sakin eh.

Kung isasantabi ko na lang para sa friendship namin o itutuloy ko na yung sinimulan kong pagsusugal tutal nandito na ko eh.

Napapaisip tuloy ako minsan kung san mas maganda mag padala? Sa Cebuana, LBC, Smart Padala, o sa mga matatamis nyang salita?? HAYS!

Nagvibrate uli yung phone ko dahilan para mapatingin uli ako dun.

YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Where stories live. Discover now