J

2.7K 56 14
                                    

Bea's POV

Inalis ko ang tingin ko sa phone ko nang kalabitin at kausapin ako ni ate Ella.

"Uy bei anuna nga ba sinasabi mo?" Napatingin naman uli ako sa phone ko dahil kanina pa ko naghihintay sa text ni Jho na simula pa kaninang umaga ay wala.

Umalis kasi sya kasama mga high school friends nya daw kaya naman pinayagan ko na. Wow naman sa pinayagan ko diba? De jk. Kahit naman na di ko payagan pupunta padin sya dahil ano ba naman ako diba? Hamak na bestfriend lang ako.

"Hanep naman. Wala pang isang araw na wala nangungulila agad." Mapangasar na sabi ni ate Ells sakin kaya naman nabalik uli ako sa ulirat.

"Worried lang naman ate Ells." Sabay silip uli sa phone ko but damn Jho! Wala padin.

"Nakooooo. Iba na talaga kapag mag behsty." Napailing na lang ako at kumuha ng popcorn at tumutok na sa tv.

Nanonood kami pero pakwento naman ng pakwento si ate Ells dahil mas interesado daw sya sa friendshipgoals namin ni Jho kesa sa pinapanood namin.

But hindi talaga ako mapakali dahil sa sobrang pagaalala ko kay Jho. Napatingin naman uli sakin si ate Ells.

"Teka nga bei. Anong klaseng magkaibigan nga ba kayo ni Jho? Anuna?" Nakangiti habang taas baba pa ang kilay nya.

Nagulat naman ako sa biglang tanong ni ate Ells. Ano bang pinagsasabi nito? Napalunok ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"Ha? Anong 'anong klaseng magkaibigan' sinasabi mo?" Kunot noo ko namang tanong sakanya.

"Kelan pa naging sagot sa tanong ang tanong? Napaghahalataan kang bata ka ah." May pangaasar pa sa tono nya ng sabihin nya ang huling salita.

"Anong klaseng tanong ba naman kasi yan ate Ells. Alam mo naman kasi kung anong klaseng magkaibigan kami." Tumaas naman ang kilay nya.

Ibinalik ko ang tingin ko sa tv dahil naiilang ako kay ate Ells. Kwestyunin ba naman yung pagiging magkaibigan namin ni Jho.

"Kasi naguguluhan ako sa treatment nyo sa isat isa eh. Enlighten me pls." My eyebrows goes heavenward sa sinabi ni ate Ells.

"Anong magulo ba sa treatment namin?" Kumuha na lang ako uli ng popcorn para hindi nya mahalata na natetense ako sa topic namin.

Nagaalala na nga ako kay Jho tapos kinakabahan pa ako dito kay ate Ells. Please Jho uwi ka na hindi na ako galit.

"Yung tipong sinasabi ng actions nyo meron? Pero kapag tinanong naman kayo tungkol sa actions nyo sasabihin nyo wala?" Teka.....

Whats with meron and wala ba? Bakit parang twice ko na sya napakinggan??

Naramdaman ko ang pagngisi ni ate Ella sa tabi ko habang nakatingin padin ako sa tv pero yung isip ko lumilipad kay Jho. Urrrgh fxck it!

Hindi ko na lang pinansin dahil clingy lang naman kasi kami ni Jho sa isat isa. And dun kasi kami comfy.

"Nako balang araw ako din ang unang nyong lalapitan at kakausapin kapag hindi na kayo confuse sa feelings nyo." Tumayo si ate Ells kaya hindi ko na narinig ang sinabi nya.

Bahagya ako napatingin sa wall clock and daaang 8PM na Jhoana Louisse anoba. Pinagaalala mo talaga ko. Hindi pa naman nya dala kotse nya.

And for the nth time, I call her again but this time cannot be reach na kaya naman wala sa sarili akong tumayo at kinuha ang susi nya.

Pagpasok ko ng kotse ni Jho ay kaagad ko ng inistart at agad na hinarurot iyon. Nasa may mall lang naman sila at ako na bahala magikot kung san man sila naroon.

YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Where stories live. Discover now