R

2K 36 10
                                    

Bea's POV

"Hey B... tulala ka na naman." Napatingin ako pagtapos akong kalabitin ni Ej. Hindi pa rin ako makamove-on pagtapos ko marinig yung confession ni Jho. Mas lalo ako nagaalala para sakanya. For the nth time.... nasaktan na naman sya.

I want her to be happy. Ilang beses ko naman na sinasabi sa kanya na gusto ko sa panahon na gusto niyang meron na tao para diyan sa kanya, ako ang unang tao na nasa tabi nya. Pero pano na yun kung isa na ako sa dahilan kung bakit sya malungot?

Ang alam ko lang iniiwasan nya ko this past few weeks. Hindi ko alam na ganun na pala yung nangyayare sakanya. Bakit di ko nahalata? Ang tanga ko.

Nabalik ako sa wisyo nang makita ko si Ej na napapangiti habang nakatingin sa cellphone nya. Sisilipin ko sana yun ng bigla nya alisin ito at tinago sa likod nya. Kaya naman napatingin ako sakanya ng may pagtataka. Tatanungin ko na sana sya pero ganon na lang ang pagyakap nya sa braso ko kasabay ng pagsandal ng ulo nya sa balikat ko.

"Ano ba kasing iniisip mo ha? Kanina ka pa hindi nagsasalita djan. Lika nga dito." Pagkatapos nyang sabihin yun ay niyakap nya ako ng mahigpit. Ughhh buti na lang andito sya sa tabi ko para pagaanin yung nararamdaman ko. Napawi naman yung saya na naramdaman ko ng maisip ko uli si Jho.

Pano na lang si Jho?? Sinong magco-comfort sa kanya ngayon? Hays.

"Hindi mo talaga sasagutin yung tanong ko?" Napatingin ako sakanya at ngumiti ng pilit. "No. Wala to J. Dont worry." Ngumiti ako sakanya para maconvince sya sa sinabi ko. Ngumiti din sya at lumayo sakin ng bahagya bago nilabas yung phone nya at tumutok na uli dun. Dahil dun naisipan ko kamustahin si Jho.

Saglit ako napaisip. Are u dumb Bea?? Alam mo namang hindi okay yung tao tapos kakamustahin mo pa? Ahhhh what to do?

"Bea I gotta go." Kumunot naman yung noo ko sa pagtayo at pagpapaalam ni EJ. I thought magstay lang kami dito sa bahay nila because she told me na we have to bond daw kahit na almost everyday yung pagkikita namin dahil kahit kasama nya ko, namimiss nya ko. And now??? Why so sudden...

"Excuse me.. san ka pupunta? Akala ko ba--" She cut me off. "May pinapabili pala si mom na ipapasalubong nya sa states bago sya umuwi." Oh thats why. "Pwede naman na samahan kita diba?? Lets go." Tumayo na ko at aakayin na sana sya ng umiling iling sya.

"Ako na lang Bei. Makikipagkita din naman ako kila Sisi." Bakit parang hindi ako kumbinsido?? I shrugged it off na lang and then I kissed her sa cheeks. "Ingat ka ha." Tumango naman sya at ngumiti. "I will." Napangiti naman ako dahil sumingkit pa yung mata nya sa sobrang ngiti nya. Excited ata sya makita batchies nya hehe.

Sabay na kami lumabas ng village nila and we parted ways.

*******

Jho's POV

Why life? Bakit ako? Bakit lagi na lang ako?? "Mama, bakit kasi pati kayo iniwan ako??" Bakit ganto na lang lagi nangyayare sa buhay ko? Hindi na ba ko talaga pwede maging masaya? Parang malapit na ko sa point na magmamanhid na ko.Yung tipong wala na ko mararamdaman. Kung dati kapag may nangiiwan sakin nasasaktan ako at nagpplease sa taong yun mag-stay sakin. Ngayon wala na. Wala na kong maramdamang sakit. Kung may umalis edi umalis.Di ko na alam kung paano ngumiti ng totoo. Di ko na alam pakiramdam ng maging masaya. Hindi ko na maramdaman. Pano ba yon?

Kasi sa totoo lang? Pinalasap lang ata sakin yung konting saya. Saya nung dumating si Bea sa buhay ko. Saya dahil sa mga kaganapan namin ni Bea sa bahay ko. Yung sobrang saya ng naramdaman ko nung birthday ko. Tapos yung sobra naman paghihinagpis ko nung ipakilala sakin ni Bea yung babae nya. At ngayon, wala syang nararamdamang iba sakin. Ako lang. Ako nanaman ang kawawa.

YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Where stories live. Discover now