F

3.4K 61 1
                                    

Bea's POV

Sakit ng katawan ko ugh. Ano oras na ba? Hays antok na antok ako. Eto kasing Louisse na to eh! Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos.

Pero napangiti nanaman ako ng maalala ko nanaman yung mga pinagsasabi nya kagabi. Akala nya ata tulog na ko haha.

Tumingin ako sa wall clock at agad ako napatayo. Woah 12pm na????? Balak ko pa sanang lutuan si Jhow ng breakfast eh!! Urgggh.

Pambihira hindi man lang ako ginising ni Jho. O baka tulog pa din?

Pumunta na ko sa cr para gawin ang dapat gawin. Pagtapos ko inayos ko muna yung kama ko at lumabas na.

Pababa pa lang ako ng hagdan naririnig ko na yung boses ni Jho at ni ate Ella pati ng isa pang boses. Nagkakatuwaan ata sila. Dahil based sa tawa ni Jho eh parang wala ng bukas.

Nang makadating ako sa dining, si chikito pala ang nandun. Kaya naman pala ang magaling na Jhoana ay hindi na ko inabala na gisingin dahil may bisita sya. Tss

Sa sobrang busy nya makipagusap at makipagtawanan hindi nya napansin yung pagdating ko.

"Sarap ng tulog mo ah. Kain ka na dito Bei." Bati sakin ni ate Ella kaya napatingin na din sakin si Jho.

"Hi beh, tikman mo tong niluto ko. Lika tabi ka dito sakin." Masiglang bati naman sakin ni Jho. Lumapit ako pero sa tabi na ko ni ate Ella tumabi.

"No sige dito na lang ako." Nagsmile ako ng kahit konti para malaman nya na ok ako.

Ok naman talaga sya sakin, sa katabi nya lang hindi. Ewan ko ba bat nakakabadtrip tignan yung kaibigan nya. Hindi ko nga matignan yung muka eh, sakit kasi sa mata eh.

"Okay ka lang beh?" Tumango naman ako. Kaya pinagpatuloy na lang nila yung kwentuhan nila habang ako nakikinig na lang sakanila.

"Walang kupas talaga ganda mo Jho. Pasalamat ka kailangan ko itigil panliligaw ko sayo noon dahil kailangan ko umalis. Edi sana ako ang naging bf mo at hindi si Baham." Biro naman netong kausap ni Jho.

"Tss linyahang breezy." Bulong ko at kinalabit naman ako ni ate Ella na nakangisi sakin.

"Narinig ko yun ah kaloka ka Bei haha." May paghampas pa sa tuwa. Totoo naman eh nako. Ganyan yan sa umpisang mga lalaki.

"Totoo naman eh. Kala nya naman mabobola nya si Jho." Tumingin naman uli sakin si ate Ella.

"Mismo. Ewan ko lang ngayon kung makakaporma sila ngayon kay Jho." Bulong sakin ni ate Ells. At umapir pa haha.

Tumayo ako ng makatapos ako sa pagkain ko at nagsalita kaya naman napatingin na pati sila Jho sakin.

"Oo naman. Hindi kaya pumapatol sa bading si Jho. Diba beh?" Nakangisi kong tanong kay Jho. At yung muka nya hindi maintindihan dahil di nya din naman maintindihan sinasabi ko hahaha.

Si ate Ella naman halatang nagpipigil ng tawa. At yung muka nung chikito?? Parang affected ah? HAHAHA

Umakyat na ako sa kwarto at humiga uli.

*****

Jho's POV

May regla padin ata si Beatriz dahil simula pagbaba nya hindi nya ko tinabihan at kinausap man lang.

Tapos nakakaloka pa yung tanong nya bago sya umakyat ng kwarto. Ewan ko sakanila ni ate Ells kung ano pinagkekwentuhan mga baliw sila.

Kaninang umaga dumalaw agad si Ged pagkasabi ko sakanya kagabi ng address namin. Naplano ko pa naman na sabay namin kakainin ni Beatriz yung niluto kong breakfast.

YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Where stories live. Discover now