B

3.6K 78 14
                                    

Bea's POV

6AM na pala. Maaga ako nagising para magluto ng breakfast namin nila ate Ella. Ganto naman ako palagi sa states. Pero may isa pang dahilan kung bakit ko gagawin to.

Gusto kong bumawi kay Jho. I feel sorry for her. Hindi ko naman gusto na iwan sya dun. Ang cute cute nya kasi. Kung di pa ko umalis dun baka kung ano pa masabi ko sakanya.

She reminds me of someone.... someone na dapat kinakalimutan na. But Jho, I think she's the better version of that someone. I dont think na gagawin nya din sakin yung ginawa nya.

Pero bat ko nga ba iniisip to? As if naman na magkakaron kami ng ugnayan ni Jho. Baliw na nga talaga ako.

Agad ko ng ginawa morning rituals ko. At pumunta ng kitchen. Ano bang magandang pakainin sa magandang masungit?

Jho's POV

Wala ako sa mood bumangon. Gusto ko ng humiga lang ng humiga. Puno ng kadramahan tong buhay ko. Bwisit naman. Napatigil ako sa pagiisip ng may maamoy ako na coffee. Tumingin agad ako sa bedside.

At dun nga may nakalagay na kape with a sticky note saying...

A perfect day should be started not with coffee or with tea. It should be started with me. Good morning sungit. Isang ngiti naman djan. 😊 - bea

And I found myself smiling. Bakit ba sya gumagawa ng ganito? Hindi naman kami close. At mas lalong hindi kami magkasundo. Hayyy. Confirmed! Baliw nga ang pinsan ng nagiisang Alyssa Valdez.

****

Bumaba na ko pagtapos gawin ang morning rituals ko at naabutan si Bea sa kitchen na nakapatong ang ulo sa lamesa. Ano naman to? Bat dito pa natulog to? May kwarto naman sya.

Pero gusto ko talaga magmaldita kaya hinampas ko yung lamesa dahilan para magulat at magising sya.

Tumingin sya sakin tapos dun sa coffee na hawak ko na di ko pa naiinom.

"Ahmm kanina ka pa ba gising? Sorry nakaidlip ako ah. Ayaw mo ba ng coffee? Gagawan kita ng bago para mainit pa." Grabe naman. Bumabawi talaga sya? Hindi naman ganun kalaki kasalanan nya. Pero sobra naman ata to.

"It should be started with you pala eh bakit nagtimpla ka pa ng coffee?" Tanong ko sakanya na may halong pagaasar.

"Hmmm para may madikitan ako ng note?" After nya sabihin yan naggrin pa sya. Parang ako lang ata nainis sa tinanong ko sakanya.

"Btw Jho 11am na pala. Nagluto pala ko ng breakfast para sayo. Pero I didnt think na ganto pala oras ng gising mo. So lets have a brunch instead." At agad nya naman hinila ang upuan para makaupo ako. Anong nangyayari ba dito?

"Kung ginagawa mo to dahil sa kagabi, you dont have t-" bakit ba ang hilig ng mga tao na hindi ako patapusin sa sinasabi ko?

"I know I know. But let me do this for you because I want to. And uhm. Im sorry for what happened yesterd--" This time ako na hindi nagpatapos sakanya. Aha! Nakaganti din.

"I told you. Wala na yun. Pms lang. And didnt I told you?" Agad naman syang napatingin sakin ng may pagtataka.

"Told what?" Tanong nya habang humihigop ng coffee nya. Nagstart na din sya maglagay ng bacon and eggs at rice sa plato ko.

"Na sanay na kong iniiwan. Ng mga tao. Sa buhay ko." Patigil tigil na sabi ko. Nakita ko naman na napatigil sya sa ginagawa nya at nakafocus na lang sakin.

"So you mean??? Im part of your life now??" Nakangiti nyang sabi sakin. Naasar naman ako at hindi naman iyon ang gusto kong iparating sakanya.

"Hindi ikaw ang tinutukoy ko! Sabi ko sanay lang ako sa mga ganung sitwasyon. Atsaka hindi tayo close noh! Ambisosya!" Sabay irap ko sakanya. Natawa naman sya sa mga pinagsasabi ko. Pero pagtapos din nun ay ang pagseryoso ng muka nya.

YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Where stories live. Discover now