Chapter 1

566K 20.8K 9.2K
                                    


Chapter 1


Anak ako ng isang sabungero. Ang tatay ko na wala nang ginawa kundi humimas ng tandang na manok sa agahan, tanghalian at hapunan.


Anak ako ng isang lasenggo. Ang tatay ko na hindi matatapos ang isang araw na hindi iinom ng alak.


Anak ako ng isang barangay tanod. Ang tatay ko na pagkatapos himasin sa umaga ang kanyang mga tandang ay magdidiretso na sa harap ng pinakamalapit na school para siyang magtawid ng mga batang papasok sa eskwela.


Anak ako ng nagbebenta ng balot at penoy. Ang tatay ko na sumisigaw tuwing hapon na may dalang suka at asin para sa kanyang mamimili.


Anak ako ng isang konduktor. Ang tatay ko na tumutulong sa mga pasaherong maraming dalang pinamili sa pag akyat sa dyip, ang tatay ko na matapat na nagsusukli ng pamasahe sa mga pasahero.


Aminado ako na may mga bisyo ang aking tatay, apatnapung porsyento siyang sambungero at animnapung porsyento siyang ama. At ipinagmamalaki ko siya sa bagay na ito, sa kabila ng mga bisyo niya sa buhay pinaninindigan niya ang pagiging mabuti niyang ama para sa akin. Nakatapos ako ng elementarya, sekondarya at ngayon ay nasa kolehiyo na. Para sa akin hindi hadlang ang bisyo sa isang tao para magawa nito ang mga gusto niyang mapagtagumpayan.

Gusto kong basagin sa pananaw ng lahat ng mga tao na hindi dahil isang sabunggero at mahilig maglasing ang isang tao ay wala na itong kakayahang maging isang mabuting ama.

I admired my father for raising and loving me alone. At kung muli akong ipanganganak pipiliin kong muling maging anak ng isang sabungero at lasenggong katulad niya.


Anak ako ng isang mahirap na tao, walang kayamanan, malaking bahay, masasarap na pagkain, mga tagasunod at magagandang damit. Pero masasabi kong may sasakyan kami at ito ay ang sinaunang tricycle ni tatay. Hindi na niya ito magamit na pamamasada dahil sa expired na ang lisensya niya at isa pang dahilan nito ay lagi itong tumitirik sa kalsada. Sa huli, makakaabala lamang ito sa pasahero at magagastusan pa kami sa paulit ulit na pagpapagawa nito.

Kahit mahirap ako, masaya ako. Wala man akong ina, mga kamag anak na siyang maaaring sumuporta sa amin ay hindi nagkulang si tatay para ipadama na isa akong prinsesa. Para sa akin hindi kayamanan at ganda ng estado sa buhay ang basehan ng kaligayahan sa buhay.

Narinig ko minsan na sermon ng pari na minsan ay naitanong niya sa pinakamayamang tao sa Pilipinas kung masaya ba ito sa kabila ng yamang mayroon sila. Natigilan ako nang sabihin ng pari ang sagot ng pinakamayamang tao sa Pilipinas.

'No, I am not happy father' sinong mag aakalang ang pinakamayamang tao ay hindi pala masaya? Nasa kanya na ang lahat dahil sa kayamanang mayroon siya pero mukhang nagkamali ako.

Ipinaliwanag daw nito sa pari na saglit lamang ang kasiyahang dala ng kayamanan. Dahil sa bawat kayamanang mayroon ka may kapalit itong mabigat na bagay, sa kanyang sitwasyon ang kanyang sariling kalayaan ang inagaw ng kanyang kayamanan. Kahit minsan ay hindi nito naranasang makagala sa sarili niyang mall, ni minsan ay hindi sila nagsama ng kanyang pamilya sa iisang lugar para magtawanan sa takot na kapag may kung sinong bumaril sa kanya ay pati mga kamag anak niya ay madamay. At ang higit na pumiga sa aking puso ay ang sinabi nitong ilan pa sa kanyang mga anak ay gusto na siyang mamatay dahil sa kanilang sariling mamanahin.

Sinong mag aakala na ang lalaking tinitingala ng lahat sa kanyang mga tagumpay ay ganito kabigat ang dinadala?


The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon