Chapter 27

311K 13.3K 1.5K
                                    

Chapter 27


Pinilit ko ang sarili kong hindi ngumiti sa sinabi niya kahit ramdam na ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Kahit ang agad na pag iinit ng pisngi ko ay ramdam na ramdam ko.

Tinalikuran ko siya at nagpatuloy ako sa paglalakad. Damn Cinderello, bakit sa ganitong sitwasyon niya naisipang sabihin ang mga salitang ito? Can't he just make my heart calm for a while? Can't he just find a right time and place for this?

Hindi biro ang mga nalaman ko mula sa kanya. Hindi biro ang mga bagay na pinaniniwalaan niya. Kahit kailan ay hindi naging tama ang paghihiganti, sa halip ay magiging dahilan lamang ito ng walang tigil na hindi pagkakaunawan ng mga tao.

And we are talking about life here, buhay ng tao. Anong gagawin ko? Anong dapat gawin ng isang matinong babaeng katulad ko? I can't just accept him dahil inamin niyang mahal niya ako, hindi pwedeng basta ko na lamang siyang tanggapin dahil sa ginawa niyang pag amin at pangako sa akin. Anong panghahawakan ko na nagsasabi siya sa akin ng totoo? Anong panghahawakan ko na titigil na siya sa paghihiganti niyang ito?


Mali ang sinabi niya, hindi lang ako natatakot sa sitwasyon ko kung sakaling tuluyan ko na siyang tanggapin. Mas malaki ang takot ko sa maaaring mangyari sa kanya kung ipagpapatuloy niya ang kanyang paghihiganti, buhay ang inagaw niya at malaki ang posibilidad na ito rin ang agawin ng mga taong maaaring bumawi sa kanya. Siya na rin ang nagsabi na mga politiko at mga druglord ang pinapatay niya. Hindi biro ang mga taong binabangga niya. Saan kumukuha ng lakas ng loob si Rashid para matapang na banggain ang mga taong ito?

There is still something, alam kong may kung ano pa siyang hindi sinasabi sa akin. At higit akong mas natatakot sa bagay na ito.


Nakasakay na kami sa kanyang kotse. Tahimik lamang kaming dalawa habang malayo ang lipad ng aking isipan. Naghahalo na ang mga tanong sa isip ko, papaano siya tumagal na ganito? Is it because he has no parents to support and guide him? What about his father? Hinayaan ba siya nitong lumaki na punong puno ng galit?

Hindi ko akalaing sa likod ng mga ngisi at paglalambing ni Rashid ay may ganitong siyang itinatago. His childhood memory was too painful at hindi ko lubos maisip na nadala niya itong mag isa nang napakahabang panahon.

Napakagat labi na lang ako sa mga naiisip ko. Mali ang mga nasabi ko sa kanya, maling dumistansya ako sa kanya dahil sa mga nalaman ko. I should comfort him and enlighten him more. I should tell him the right thing to do, kung iiwan ko pa siya sa mga oras na ito sino pa ang taong maaaring magsabi sa kanya ng tama? Damn it Aurelia. Ngayon ako higit na kailangan ni Rashid.

Hindi ko dapat siya itinataboy, hindi ko siya dapat iwan sa ganitong sitwasyon. I should not make him feel unwanted. He has no mother, father and even siblings. It could be the reason why he did come up with this damn revenge. Anong sakit pa ang gagawin ko kung lalayuan ko pa siya?

Nang lingunin ko si Rashid ay agad ko siyang nahuling sumusulyap din sa akin.


"Rashid, mahal ko pa ang buhay ko. Sa daan ka tumingin.." mahinang sabi ko habang minamasahe ko na ang aking noo.


"Sorry for that.." hindi ako sumagot sa kanya. Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho pero hindi din nagtagal ay nagsalita siyang muli.


"Iuuwi na ba kita Aurelia? May dadaanan ka pa ba?" ilang minuto akong hindi nagsalita sa kanya dahil marami pa rin ang tumatakbo sa isipan ko.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon