Chapter 13

371K 14.4K 1.7K
                                    

Chapter 13


Hindi ako makahanap ng sagot sa mga sinabi niya sa akin. Did he just confess? Seryoso ba itong si Cinderello sa sinasabi niya? O masyadong naapektuhan ng yakult na ininom niya ang kanyang utak? Ilan na ba ang nainom niya? Bakit ganito na lang ang lumalabas na salita mula sa kanya?

Dinaig niya pa si Anastacio kung maglambing, anong 'baby' 'baby' na pinagsasabi niyang ito? Para siyang isang munting batang laging pinagkakaitan ng atensyon.


Nakatitig lang siya sa akin habang ako ay nakatulala sa kanya. Halos sa pintuan na ng kotse ako mapansandal. What is wrong with him? Why so sudden?

Bakit parang kaswal na kaswal lamang siya sa mga sinabi niya? Masyado na ba siyang sanay sa mga ganitong salitaan dahil sa dami ng babaeng sinabihan niya ng ganito? Hindi ba nagwawala ang dibdib niya habang sinasabi niya ito sa akin? Why is it so unfair? My heart is beating so fast Cinderello.

At hindi ko alam kung dapat ba kitang pagkatiwalaan o hindi.


"Rashid, you can't be serious. Anong mga sinasabi mo? Halos tatlong buwan pa lamang tayong magkakakilala, you can't just say that. Ayoko ng biro mo.." pilit kong inilihis ang mga mata ko sa kanya. Yes, he must be kidding or damn playing with me.

Narinig ko siyang sumipol bago niya muling binuhay ang makina ng sasakyan.


"I can wait Aurelia, I won't force you to believe me. Kahit ako hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.." pinili kong hindi lumingon sa kanya dahil sa sinabi niya.


"Where is your place?" tanong niya sa akin.


"Diretso ka lang, kapag nakita mo 'yong malaking sari sari store ni Aling Carmen dito mo na ako ibaba.." hindi na siya sumagot sa akin at pinagpatuloy na rin niya ang pagmamaneho.

Sa pagkakataong ito ay hindi na siya masyadong mabilis magpatakbo ng sasakyan, mukhang humupa na ang galit niya kay Bello.


Nang makarating kami sa tapat ng sari sari store ni Aling Carmen na may kalapitan sa highway ay agad na akong bumaba mula sa kotse niya. Akala ko ay aalis na siya agad pero nagulat na lang ako nang bumaba rin siya.


"Where are you going?" kunot noong tanong ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin at namulsa.


"I want to see your house. I should explain to your parents, baka magtaka sila sa suot mo Aurelia.." sagot niya sa akin na mabilis kong tinutulan. Wala na siyang kailangan pang pagpaliwanagan dahil nag iisa na lamang ako.


"No need Cinderello, okay lang. Besides, maliit lang ang bahay. You won't like it.." lalong lumapad ang ngisi niya sa akin na lalong napasingit sa kanyang mata.


"It's not the house that I like.." sinabi niya ito na may pagkibit balikat. Anong ibig sabihin niya dito? Talaga ba na seryoso siya sa mga sinasabi niya?


"Shall we go?" nakita ko pang inhagis niya ang susi niya na mabilis niya rin naman sinalo. Mas nauna pa siyang maglakad sa akin na parang alam niya kung saan nakatayo ang aking bahay.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon