Chapter 59

240K 10K 1.1K
                                    

Chapter 59


Isang linggo nang wala si Rashid, ilang araw na rin akong hindi nakakakain at nakakatulog ng maayos. Ito na ang kinatatakutan ko, dapat mas pinigilan ko na siya nang gabing 'yon, dapat nagmakaawa na lang ako sa kanyang huwag niya akong iwanan. Dapat gumawa ako ng paraan para hindi na siya matuloy sa huling misyon niya.

Nangako ka na naman sa akin Rashid, nangako ka sa akin na babalikan mo ako. Nangako ka sa akin na ako na ang pipiliin mo, pero bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na pagpaparamdam mula sa'yo?

Natatakot na ako sa lumilipas na araw, alam kong sa pagtagal ng panahon na hindi mo pagpaparamdam sa akin, impossibleng---

Napasubsob na lamang ako sa lamesa habang iniisip ang aking problema.

"Nurse.."

"Nurse.."

"Nurse.." agad akong nag angat ng ulo nang may kumulbit sa akin. May batag pilit ngumingiti sa akin at base sa kanyang mga mata ay kagagaling lang siya sa kanyang pag iyak.

"Saan po dito ang chapel? Ipagdadasal ko lamang po si tatay." Sa pagkasabi niya ng tatay ay agad niyang nakagat ang kanyang pang ibabang labi para pigilan ang kanyang pag iyak.

Dumating na ang kasamahan kong nurse na kakatapos lamang mag rounds kasama ng ilang doctor sa bawat kwarto.

"Hindi ka pa ba labas Aurelia? Overtime ka na." Tipid akong ngumiti sa kasamahan ko bago ko kinuha ang bag ko.

"Aalis na ako, ihahatid ko lang sa chapel ang batang ito." Tumango sa akin ang mga kasama ko.

"Let's go.." nauna na akong naglakad sa bata pero pansin ko na agad siyang humabol sa akin at sabayan akong maglakad.

"Ang ganda mo naman po Ate nurse, paglaki ko gusto ko rin maging nurse kagaya mo. Gusto kong gamutin si tatay." Kumirot ang dibdib ko sa sinabi ng batang babae. Bakit nakikita ko ang sarili ko sa kanya?

Nagulat siya sa akin nang hinawakan ko ang kanyang kamay habang naglalakad kami pero hindi din nagtagal ay kusa na rin humawak ang kanyang mga kamay sa akin.

Lumipat lamang kami sa kabilang building ng hospital, nagtungo kami sa ikalawang palapag hanggang sa makarating kami sa chapel. Siya na mismo ang kusang bumitaw sa akin at nagmadali na itong nagtungo sa pinakamalapit na upuan at lumuhod dito.

Naaawa ako sa kanya, kahit saglit lamang kaming nag usap ramdam na ramdam ko ang dinadala niya sa kanyang murang edad. Higit siyang mas bata sa akin nang maranasan ko ang sitwasyong kinakaharap niya ngayon.

Sa halip na umalis ay tumabi ako sa kanya at lumuhod kasama niya.

"Ate nurse, hindi ka pa umaalis?"

"I'll pray with you, sabay nating ipagdasal ang tatay mo." Ngumiti ito sa akin at ilang beses siyang tumango.

Huminga ako ng malalim bago ko ipinikit ang aking mga mata. Nagpasalamat ako, humingi ng tawad at humiling ng ilang kahilingan. Gabay para sa kaligtasan ng ama ng batang kasama ko at paulit ulit na paghingi ng lakas ng loob para sa anumang balitang maaaring matanggap ko.

Ilang beses ko nang hiniling na sana ay makaligtas ang lalaking pinakamamahal ko, sana ay makabalik siya sa akin na walang kahit anong masamang nangyari sa kanya. Hindi ko na yata kakayanin kung muli na naman akong maiiwan.

Halos kalahating oras ang itinagal namin ng batang babae bago siya nagpaalam na babalik na siya sa tapat ng operating room, itinanong ko sa kanya kung anong sakit ng tatay niya. Sinabi niyang sa puso.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon