Chapter 45

240K 9.4K 2.2K
                                    

Chapter 45


Kasalukuyan kaming nasa isang kilalang boutique para bumili ng graduation dress ko. Sinabi ko kay Rashid na ayos lang sa akin na sa mall kami bumili pero hindi siya pumayag sa kaya nandito kami ngayon sa mga damit na halos hindi ko matingnan ang presyo.


"This is my graduation gift for you baby. Please? Pumili ka na." Ngusong sabi nito habang nasa likuran ko na bahagyang nakayuko sa akin.


"Alright, nandito na tayo. Hindi pa ba ako pipili?" Nagsimula na akong pumili ng damit at hindi ako masyadong makagalaw dahil nakayakap lang naman mula sa aking likuran si Rashid.


"Rashid, pinatitinginan na tayo ng mga saleslady." Bulong ko dito na parang walang naririnig.


"Don't mind them, tayo lang naman ang customer." Matabang na sagot nito. Kung saan ako naglalakad ay nakayapos sa akin si Rashid na parang kuting.


"Rashid, hindi ako makapili nang maayos." Mahinang sabi ko dito. Napapasulyap na ako sa ilang salesladay na napapangisi sa amin dalawa.


"I miss you Aurelia, isang linggo rin tayong hindi nagkita. Don't you miss me baby?" Napairap ako sa kanya. Ito na naman po si Rashid Amadeus Villegas.


"Ofcourse, I miss you. Isang linggo akong walang niaaway." Ngumisi siya sa akin at pinagpatuloy niya ang pagyakap sa akin kahit hirap na hirap ako sa paggalaw.


"I want to bite you baby, sasabihin ko muna sa mga saleslady pumikit muna sila?" Ako naman ang ngumisi sa ibinulong sa akin ng malanding niaaway.


"Rashid Amadeus Villegas." Pilit kong pinaseryoso ang boses ko kahit nararamdaman ko na nag iinit na naman ang pisngi ko.


"Kidding baby, sa tenga lang naman ako kakagat." Hinampas ko na ang braso ni Rashid na nakapulupot sa akin.


"Aurelia, niaaway mo na naman ako." Halos manlaki ang mata ko sa kanya. Hindi ba siya nahihiya na baka marinig ng mga saleslady ang niaaway niya?


"Hindi kita inaaway Rashid." Tumalikod ako sa kanya at nagpatuloy ako sa paghahanap ng damit. Pero ito na naman ang lalaking laging niaaway at yumakap na ulit sa akin.


"Bati na tayo Aurelia, huwag mo na akong niaaway. Naglalambing lang ako sa'yo, ayaw mo na ba sa akin? Ayaw mo na kay Cinderello?" Nakailang irap na kaya ako simula nang pumasok kami sa boutique nitong si Rashid?


"Rashid, hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo. You're such a baby." Naiiling na sabi ko. May napansin akong dress na mukhang babagay sa akin.


"Wag 'yan, dapat madaling hubadin baby." Bulong niya sa akin na nagpatindig ng balahibo ko.

Ibinalik ko ang sa pagkakasabit ang dress na napili ko at pilit kong nilingon ang lalaking na kanina pang naglalambing sa balikat ko.


"Rashid, paano ako makakapili kung nayakap ka sa akin? Hindi ako makapili nang maayos." Para akong may kausap na bata na napakahirap pakiusapan. Ngumisi muna siya sa akin bago siya humiwalay at tumuwid ng pagkakatayo.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon