Chapter 21

331K 13.5K 2.3K
                                    

Chapter 21


Naunang lumabas ng bahay si Cinderello habang ako ay nanatiling nakatayo ng ilang minuto sa pinag iwanan niya sa akin. Napatulala na lang ako sa likuran ng pintuan kung saan siya lumabas habang mabagal kong nginunguya ang natitirang 'chocolate' sa bibig ko.

Wala sa sariling napahawak sa aking mga labi. What happened? Everything was too fast. Sa loob ng ilang oras na inilagi ko sa bahay na ito, nakaagaw na agad siya sa akin ng tatlong halik. At wala man lang akong ibang ginawa kundi magpaubaya sa kanya.

Anong magagawa ko kung bawat parte ng sistema ko ay sumasang ayon sa lahat ng gustuhin ni Cinderello? Nanghihina na lang ako at biglang mabablangko sa tuwing lumiliit ang distansya namin sa isa't isa. Ilang beses kong kinukumbinsi ang sarili ko na wala akong naiintindihan, wala akong ideya sa mga nararamdaman ko pero sa bawat araw na nagkakasama kami ni Cinderello lalo nang tumitindi ang emosyong nararamdaman ko sa kanya.

I think I am damn falling for him and I can't deny it anymore. Hindi ko na kaya pang itanggi.


Napakagat labi na lang ako habang pinipilig ko ang aking sarili. Mukhang nakukuha ko na kung bakit pilit kong iginigiit na tumigil na si Bello sa planong panliligaw sa akin.

Someone has already a place in my heart.


Nagsimula na akong humakbang palabas, siguradong naiinip na si Cinderello sa kahihintay sa akin. Nang bubuksan ko na dapat ang pintuan ay nauhan ako ni Cinderello na mukhang papasok na ulit ng bahay.


"Mauna ka na sa kotse Aurelia, mali ang nasuot kong sapatos.." ngiwing sabi niya. Napatingin na lang ako sa sapatos niya, hindi nga ito magkapareho. Bakit hindi niya napansin kanina?

Nagsimula na niyang isigaw ang pangalan ni Anastacio habang hinuhubad ang sapatos niya. Hindi ko maiwasang matawa, kahit bati na silang dalawa ay mukhang hindi na mawawala kay Anastacio ang pagtatago ng sapatos niya.

Old habits die hard.


Sa halip na lumabas ay hinintay ko na lang si Cinderello, nakita ko pa siyang umakyat ng hagdan. Siguro ay kukuha na lang siya ng bagong sapatos.

Habang hinihintay ko si Cinderello ay napansin kong nagmamadaling tumatakbo papalapit sa akin si Anastacio habang may dalang sapatos. Hindi na ako magugulat kung kaninong sapatos ito.

Nakita kong naiiling na napasilip sa amin si Tita Tremaine, pawisan na si Anastacio at mukhang namumutla na naman.


"Ate Aurelia, tell kuya Rashid that you found his shoes. Hindi siya nitatago ni Anastacio.." hindi ko mapagilang hindi matawa sa mga nangyayari.


"Stop hiding kuya Rashid's shoes, he'll get mad again. Gusto mo ba 'yon?" umiling siya sa akin ng madaming beses. Inabot ko na ang sapatos ni Rashid sa kanya.


"Promise m—" natigil ako sa pagsasalita nang marinig namin ang pagsasarado ng pintuan ng kwarto ni Rashid mula sa taas.

Hindi ko na nakausap pa si Anastacio dahil tumakbo na ito pabalik sa kusina at iniwan lang naman niya sa akin ang nawawalang sapatos ni Cinderello. Bakit parang nagkabaliktad na naman yata kami nitong si Rashid?

Nawalan na naman ang mahal na prinsipe ng sapatos.

Nakakunot na ang noo niya habang bumababa ng hagdan. Tapak lang naman ang prinsipe ng mga sapatos, siguradong wala na rin kapares ang mga sapatos niya sa kanyang kwarto.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon