Chapter 33

271K 11.8K 1K
                                    

Chapter 33


Ilang buwan ko rin hindi narinig ang salitang 'niaaway' 'baby' at mga ganitong paglalambing niya.

Papaano ko pa siya aawayin kung ginamitan na naman niya ako ng galawang pababy niya? Papaano ko pa siya susumbatan kung ako ang lalabas na masamang girlfriend? Sa huling pagkakatanda ko ay ako ang iniwan ng wala man lang pasabi, ako ang umasa, ako ang lumuha at kinabahan sa pag aalala sa kanya.

Bakit parang lumalabas na ako pa ang mali dahil aawayin ko ang isang kawawang boyfriend na may benda sa ulo, may cemento sa braso at dextrose. Napakasama ko naman pala. Niaaway ko ang aking boyfriend.

Damn, Rashid Amadeus Villegas!


Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Hindi ko siya pwedeng sigawan, hindi ko siya pwedeng paghahampasin sa inis, hindi ko siya pwedeng hindi pansinin dahil ako ang lalabas na masama.


"Bakit naman kita aawayin? Bakit ko naman aawayin ang boyfriend ko na may benda sa ulo? Nakadextrose ka na nga, aawayin pa kita. Ang sama ko namang girlfriend kung aawayin pa kita. Saan? Saan ang masakit baby?" sarcastic na sabi ko. Napatulala na siya sa mga sinabi ko.


"Are you being sarcastic baby?" ngiwing tanong niya sa akin. Mahigpit akong umiling sa kanya kahit kabaliktaran ito ng gusto kong gawin. Gusto kong tumango sa kanya at sabihin na kanina ko pa siyang gustong sampalin.


"Bakit naman ako magiging sarcastic? Dalawang buwan at kalahati ka lang naman nawala. Hindi naman ako umiyak at nag alala habang wala akong nalalaman sa'yo. Bakit naman ako magiging sarcast—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang pumiyok na ang boses ko at nagsimula na akong mag iiyak. Damn, I missed him! Na may halong sobrang pagkainis, gustong gusto ko na siyang sumbatan sa lahat!


"Baby..." mahinang bulong niya sa akin. Pilit akong bumangon at naupo na ako sa kanyang kama. Nanatili pa rin nataklob sa amin ang puting kumot niya, hindi ko na ito matanggal dahil sa mga kamay kong abala sa pagpupunas ng walang tigil na pagluha ko.

Naiinis ako, naiinis ako sa kanya. This is so unfair, hindi biro ang naranasan ko habang wala siya. Bakit parang hindi man lang siya naapektuhan? Hindi niya ba naisip ang nararamdaman ko habang wala akong natatanggap na message sa kanya?

Naramdaman ko na bumangon na rin siya at naupo, magkaharap kaming dalawa at nakatitig lang siya sa akin.


"Aurelia.." iniwas ko ang kamay ko nang nagtangka siyang hawakan ako.


"Ikaw naman itong nang aaway sa akin Rashid, ikaw naman itong lagi akong inaaway. Bakit ba ako na lang lagi ang pinagbibintangan mong nang aaway sa'yo? Ikaw naman ang nang aaway sa akin Rashid. Inaaway mo ako palagi Rashid, ikaw ang nang aaway.." paulit ulit na sabi ko habang umiiyak. Hindi ko maiwasang maalala ang panahon nilang dalawa ni Anastacio.


"I'm sorry.." lalo akong napahagulhol ng pag iyak sa sinabi niya.


"Just that sorry?! Hindi mo ba alam ang nangyari sa akin sa loob ng dalawang buwan? Halos mabaliw ako sa pag aalala sa'yo, tanong ako nang tanong kay Tita Tremaine kung may balita na ba sa'yo! Hindi ka man lang nagparamdam, Rashid naman kung nasanay ka na walang nag aalala sa'yo noon isipin mo naman na iba na ngayon. You have me, may babaeng laging naghihintay ng balita tungkol sa'yo. What is my purpose then? Just your girlfriend when you're in the Philippines? Rashid naman, you can't be like that. I really hate you!" malakas na sigaw ko.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon