Chapter 1 - It Started With A Mess.

77.4K 678 31
                                    



"Seryoso ka ba Rox?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ni Yna sa kaibigan.

Sunud-sunod na tumango si Roxanne sa kaibigan. Determinado syang gantihan si Alex, ang ex nya na pinaglaruan lang pala sya. Nakipagpustahan lang pala ito na mapapasagot sya nito in one week sa mga kaibigan nitong playboy rin. Mag-iisang buwan na sana sila nang marinig nya ang pag-uusap nang mga ito.

"Nababaliw ka na Roxanne. Hindi mo alam ang pinapasok mo." Napapailing na sabi ni Yna. Tutol sya sa idea nang kaibigan.

Yumuko si Roxanne. "I'm sorry Yna. Ang sakit lang kasi talaga."

"Yun na nga. Alam kong masakit. Pero simula pa lang, pinagsabihan na kita. Kilalang playboy si Alex, at kahit ikaw ay nagulat nang bigla ka nyang ligawan. You told me na hindi mo seseryosohin ang lahat." Sabi ulit ni Yna.

"I did. I mean, masyadong makatotohanan ang mga sinabi at ipinakita nya. Nadala ako." Tila maiiyak na sabi ni Roxanne.

Natampal ni Yna ang noo. "My God Rox! Para saan pa at tinawag na playboy si Alex kung hindi sya magaling mambola?"

Hindi nagsalita si Roxanne. Nakayuko lang ito.

"Atsaka, para saan pa yang paghihiganti na yan? Sa tingin mo ba ay maaapektuhan nyan si Alex gayung wala naman pala syang nararamdam para sayo? I hate to say this Rox, pero ang loser mo'ng tingnan kung itutuloy mo yan." Habol ni Yna.

Huminga nang malalim si Roxanne. Tiningnan nya ang kaibigan. "I've been such a loser all my life, Yna. Alam mo yan." Mahinang sabi nya.

"No, I don't mean It in a bad way Rox. Mahal kita, alam mo yan. Ayaw ko lang na magmukha kang tanga, lalo na kung kay Alex lang din."

"Yna, just this once. Siguro naman, kahit kaunting feelings ay meron si Alex para sa akin. Paano nya naatim na yakapin ako sa harap nang ibang tao? Hindi ba sya nandiri gayung hindi nya naman pala talaga ako mahal?"

Umiling si Yna. "Given the fact na ganoon nga. Pero nasaan sya ngayon? For sure naman ay alam nya na dapat na alam mo na ang lahat. Sana man lang, nagpaliwanag o nag-sorry sya. It's been five days! At tatlong araw ka nang hindi pumapasok!"

Muling ymuko si Roxanne. Tila maiiyak na naman ito. Napansin naman ito ni Yna. Nilapitan nya ito at tinabihan sa upuan.

"Rox, marami pang maaaring magmahal sayo. Yung tunay at di ka lolokohin. Why waste time on that jerk?" Pang-aalo ni Yna rito.

"Yna, alam mo naman sa itsurang kong ito ay malabo ang sinasabi mo." Mahinang sabi ni Roxanne.

Inakbayan ni Yna ang kaibigan. "No, don't say that. Wala namang perpekto eh. Doon mo nga malalaman kung totoong mahal ka nang isang tao, diba?"

"You don't understand, Yna. Maganda at sexy ka kasi kaya hindi mo alam kung gaano ako ka-insecure sayo minsan." Pag-amin ni Roxanne sa kaibigan.

Tila nagulat si Yna. "What? Insecure ka sa akin?"

Nahihiyang tumango si Roxanne.

Mahinang hinampas ni Yna ang braso ni Roxanne. "Sira ka talaga. Ano bang dapat ika-insecure mo sa akin? Dahil ba sexy ako at chubby ka? My God Rox. Kung tutuusin mas matalino ka naman sa akin eh. Maaari ka namang magpa-payat."

Hindi nagsalita si Roxanne.

"Okay. Ganito na lang Rox. I will help you. I'll tell mom to buy me diet teas at pampakinis na product. Ano, okay na ba yon?" Nasa Canada kasi ang mama nito. Doon iyon nagtatrabaho at pinapadalhan na lamang sya nang allowance.

Faking It (Published)Where stories live. Discover now