B2C3

2K 106 1
                                    

Chapter 3 – Isang Malamyang Pamamaraan (ikalawang bahagi)

Dali-daling tinakbo at dinagit ni Linley sa leeg ang rabbit gamit ang isang kamay. CRACK! Ang kunehong kanina'y takot na takot na nagwawala ay nagkikisay ng dalawang beses bago natigil. Simula nang mapanood niya ang dalawang labanan kalahating taon na ang nakakaraan, ang 'bloodthirsty' na katangian ng dugong Dragonblood na nananalaytay sa mga ugat ni Linley ay naging aktibo.

"Parehas akong warrior at magus ng first rank, pero pagdating sa attack power ay mas malakas ang aking mahika." Habang hawak-hawak ang wild rabbit ay napatawa at napabuntong-hininga si Linley.

Ang mga magi ay nahahati sa siyam na ranggo, at ang pagiging magus ng unang ranggo ay madali. Pero sa mga susunod ay mas mahirap na at mas kumakain ng panahon para lamang mapataas ang ranggo! Maraming mga makakapangyarihang magi ng seventh at ninth rank ang gumugugol ng daan-daang taon pero hirap pa ring makapagpataas ng ranggo.

Pero para sa unang rank, ang kalahating taon ay sapat na para sa mga may taglay na talento. At kahit pa hindi sila ganoong biniyayaan, basta lang maabot nila ang mga basic requirements ng pagiging magus ay sapat na ang dalawa o tatlong taon para naman sila ay maging magus ng first rank.

Habang bitbit ang rabbit ay madaliang bumaba ng bundok ang bata.

"Linley, bakit hindi mo pa iyan iniluluto? Bagamat kayang kainin iyan ng Shadowmouse ng hilaw, ang paborito pa rin niya ay lutong karne." Narinig ni Linley sa isipan ang boses ng kaniyang lolo Doehring.

"Lolo, pupusta akong hindi pa kahit kailan nakapang-uto ng bata." Habang tumatakbo ay nagawa niya pang mang-asar.

Natigagal naman si Doehring. Hindi siya kailanman nagkaroon ng apo, at bakit naman ang isang mataas at kagalang-galang na Saint-level Grand Magus na gaya niya ay magpapakababa para lang mag-alo ng bata?

"Um, hindi pa nga." Napilitang umamin ang matanda.

Buong pagmamayabang na sumagot siya. "Madalas kong inaalo si Wharton. Hayaan mong sabihin ko sa iyo ito, kung gusto mong bigyan ang isang bata ng isang bagay, hindi mo sila pwede agad-agad bigyan ng isang napakagandang bagay. Kung hindi, sa darating na hinaharap ay lagi silang mag-e-expect ng mas maganda doon. Sa ngayon ang kinakain pa lang ng Shadowmouse ay puro bato. Kung bibigyan natin siya ng hilaw na karne ay matutuwa na siya agad ng sobra doon. Bibigyan ko siya ng hilaw na karne sa loob ng pito o walong araw tapos saka ko siya bibigyan ng lutong karne. Tiyak na matutuwa siya kapag ganoon."

Agad naintindihan ni Doehring ang pinupunto niya.

Kasabay ng pagtanda ang pagtalas ng talino at diskarte. Paano nitong hindi mauunawaan ang lohika doon? Kapareho ito ng paraang ginamit nito noon kapag nangangasiwa ng mga tauhan. Una, binibigiyan nito sila ng kaunting tikim, tapos saka bibigyan ng mas madami ng kaunti. Kung masyado kasi nga namang madami ang ibibigay sa kanila, the more na mas mahirap na tugunan ang kanilang kagustuhan sa hinaharap.

"Nabasa ko rin ito sa libro tungkol sa pag-aalaga ng unggoy. 'Ang pagsasalita ng tatlo sa umaga at apat sa hapon' ay mas epektibo kumpara sa 'pagsasalita ng apat sa umaga at tatlo sa hapon." Napangisi ang bata.

Bigla tuloy naisip ni Doehring na kahit pa walong taong gulang pa lang si Linley ay hindi na siya papatalbog sa mga mas nakakatanda.

"Mukhang mabisa nga ang edukasyon ng iyong Baruch Clan." Tahimik na napabuntong-hininga si Doehring sa pagpupuri. Nagagawang pataasin ng edukasyon ang talino ng isang tao, pero karamihan sa mga mamamayan ay walang natatamong edukasyon. Karamihan din sa kanila ay hindi naaabot ang mga entry requirements para sa isang magandang magus academy o kaya ay warrior academy.

....

Wala kahit isa mang taga-Wushan ang naghinala kay Linley dahil umuwi siyang may dala-dalang kuneho. Sa totoo niyan kasi, simula nang matutunan niya ang 'Earth Spike' spell ay madalas na siyang nag-uuwi ng wild hares.

Coiling Dragon Book 2 (Growing Up)Where stories live. Discover now