B2C17

1.2K 107 1
                                    

Chapter 17 – Panahon ng Pag-aaral (Unang Bahagi)

Dumaan ang tagsibol at dumating ang taglagas. Sa isang kisapmata ay kalahating taon ang nagugol ni Linley sa Ernst Institute.

Noong mga nagdaang araw niya sa eskuwelahan ay para siyang isang uhaw na lalaking nasa isang disyerto na walang habas sa pag-inom ng mga pangunahing pundasyon sa mahika. Pagdating sa wind-style magics, patuloy sa pagtaas ang kaalaman at lakas niya dito. Isa pa, madalas na binibigyan siya ng pointers ni Doehring Cowart.

Ngayong araw ay maliwanag at maganda ang sikat ng araw.

Katatapos lang magtanghalian ng apat na resident eng dorm 1987. Suot nila ang kanilang roba na kakulay ng asul ng kalangitan, ang school uniform ng kanilang Institute. Dahil sa araw-araw na pagsasanay, nagmukhang kaakit-akit si Linley habang ang eleganteng katawan niya ay natatago ng sky-blue na roba. Ito ang dahilan kung bakit karamihan sa mga batang babae ng wind magic class ay gustong-gusto siyang kausap.

Nang mga sandaling iyon, ang apat na bros ay naglalakad habang nagdadaldalan.

"Oo nga pala, Linley, ngayon lahat kami ay pupunta sa new students fellowship. Ikaw ba?" hagikhik ni George.

Mahilig sumali si George sa mga student unions at mga fellowships, at mahusay ito sa pagkalap ng impormasyon at pakikipagkaibigan. Kahit na kalahating taon palang ito sa eskuwelahan ay kilala na ito sa first year.

"Hindi." Ang sagot ni Linley ay maikli at direkta sa punto.

"Haha, sabi ko na nga ba't hindi ka pupunta." Malakas na napatawa si Reynolds.

Inakbayan ni Yale si Linley saka bumuntong-hininga, "Linley naman, hindi mo naman kailangang maging ganiyan kahalimaw sa pagsasanay. Kung talento lang din ang pagbabasehan, kailangan mo lang magpakasipag ng kaunti at makakapagtapos ka na sa loob ng tatlumpung taon at maabot ang sixth rank. Bakit kailangan mo pang magpahirap ng ganiyan? Dapat matuto kang mag-relax at mag-enjoy. Ang dami kayang magagandang babae sa fellowship na iyon, hindi mo ba alam?"

"Oo nga. Mga naggagandahang babae." Lumaki ang mga mata ni Reynolds at saka ito tumango.

Walang magawa si Linley kundi bumuntong-hininga.

Sa ilalim ng pagtuturo ni Yale, ang inosenteng batang si Reynolds ay nalilihis ng landas.

"Yale, isa kang taong liko, tigilan mong kaaaya sa akin. Sige na, oras na para ako'y magsanay. Bukas ay katapusan ng buwan, saka ako sasama sa mga lakad niyo," tumawa si Linley. Sa huling dalawang araw lang ng buwan hinahayaan ni Linley ang sariling magpahinga.

Dahil alam nila ang ugali ni Linley kaya tumango na lang sina Yale, Reynolds, at George.

Agad na umalis doon si Linley at tahimik at mabilis na pumunta sa bundok na nasa likuran ng eskuwelahan. Libo-libo ang mga estudyante sa Ernst Institute, at mayroon ding mga magi na nagsasaliksik tungkol sa mahika dito. Mayroon ding mga tagasilbi. Sa madaling sabi, ang Ernst Insitute ay isang mataong lugar.

Sa daan papuntang bundok, makikita ang maraming estudyanteng nakadamit ng asul.

"Growl..." narinig ang isang mababang atungal.

Nilingon iyon ni Linley at nagliwanag ang mga mata niya. "Isang magical beast!"

Malambot, at parang umaalon ang akwang balahibo at ang apat nitong matatabang mga binti. Isang pares ng mga matang nagtataglay ng kabangisan, ilap at malamig na bagsik. Pinapakaba ng mga malalamig nitong kumikislap na mga ginintuang kuko ang puso ng mga tumitingin.

Ang magical beast, 'Windwolf'.

Isang nakakasindak na magical beast na gumagalaw ng kasingbilis ng hangin mismo.

Coiling Dragon Book 2 (Growing Up)Where stories live. Discover now