B2C5

1.8K 107 0
                                    

Chapter 5 – Ang Shadowmouse na si 'Bebe' (Unang Bahagi)

"Ang Ernst Institute ang numero unong magus academy sa buong mundo. Lahat ng nakapagtapos sa Ernst Institute ay at least magi ng sixth rank, at marami sa kanila ay nasa seventh rank! Kung ang Baruch clan natin ay magkakaroon ng isang magus ng seventh rank ay magkakatsansa rin tayong mabawi ang ating ancestral heirloom."

Habang nagsasalita ay matamang nakatitig si Hogg kay Linley.

Dama niya ang pag-asang ibinubunton ng ama sa kaniya.

"Ang ating ancestral heirloom. Ang pagkawala sa atin ng ating ancestral heirloom ay isang kahihiyang kailangan nating hugasan."

Dama rin niya ngayon ang pagbigat ng kaniyang puso.

Bilang inapo ng matandang Dragonblood Warrior clan ay naroon ang kaniyang pagmamalaki sa kaniyang matanda at makapangyarihang salinlahi. Pero naiwala ng kanilang angkan ang kanilang sariling ancestral heirloom. At sobrang nakakahiya iyon! Laging nakakaramdam ng pagkapahiya sina Hogg at ang iba pang hindi mabilang na elders ng kaniyang angkan sa tuwing naalala nila ito.

Sa kasamang palad, ang uri ng pamilya na may kakayahang kolektahin ang kanilang warblade na 'Slaughterer' ay hindi ordinaryo. Isa pa, masyadong mahina ngayon ang kasalukuyang angkan ng Baruch.

"Ernst? Maalamat na Holy Emperor ng Radiant Church?" Napatulala si Doehring Cowart sa malapit.

"Anong problema, Lolo Doehring?" tanong ni Linley. "Pupusta akong lahat ng daang-daang milyong mamamayan ng anim na kaharian at labinlimang Dukedoms ng Holy Union ay alam ang tungkol sa maalamat na Holy Emperor Ernst ng Radiant Church." Kahit siya kasi ay alam ang tungkol sa mga bali-balita at kasaysayan ng maalamat na Holy Emperor Ernst.

Noon ay nagawa nitong pataasin ng sobra ang estado ng Radiant Church, at saka mag-isang itinatag ang Holy Union.

"Hindi ko kailanman naisip na magagawa ng batang iyon, ni Ernst, ang mga iyon. At naging maalamat na Holy Emperor pa talaga siya ng Radiant Church!" Napabuntong-hininga si Doehring.

"Lolo, kilala mo si Holy Emperor Ernst?" Si Linley naman ay nasorpresa.

Pero agad din namang naisip ni Linley ang dahilan.

Oo nga pala. Noon nga pala, noong buo pa ang Pouant Empire ay maraming mga templo at simbahan ang Radiant Church, Cult of Shadows at Pavilion of Divinities sa buong imperyo. Pero ang lahat ng mga simbahan na iyon ay nasa ilalim ng pamamahala ng Pouant Empire.

"Siyempre. Si Ernst ay isang henyong nakatuntong ng Saint-level sa edad na limampung taon o mahigit. Pero sa edad na iyon ay masasabing isa lamang siyang magaling na latecomer," kalmadong saad ng matandang magus.

Noong nabubuhay pa si Doehring ay nagpapalakas pa lang ng sarili nito noon si Ernst. Nang makatuntong naman sa Saint-level si Ernst ay nakatuntong na si Doehring sa pinakaituktok ng Yulan continent. Kahit pa sa lahat ng mga Saint-level combatants ay masasabing isa si Doehring sa pinakamalalakas.

Napakataas ng estado ni Doehring ng mga panahong iyon sa Pouant Empire, at hindi iyon magawang tapatan noon ni Ernst.

Kapag nakakasalubong pa nga ni Doehring noon si Ernst ay kailangang yumuko ng huli at magbigay-galang dito.

"Hindi ko inasahan na pagkatapos kong mamatay ay magiging maalamat si Ernst." Bahagyang napatawa si Doehring.

Hindi mapigilan ni Linley ang pagsulpot ng malalim na paghanga sa kaniyang puso para sa kaniyang lolo. Isa ito dating Saint-level Grand Magus ng Pouant Empire, at isa sa mga pinakamalalakas sa buong kontinente ng Yulan. At ngayon ay maingat siyang tinuturuan nito ng mahika. Napakaswerte naman niya!

Coiling Dragon Book 2 (Growing Up)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon