B2C18

1.3K 111 7
                                    

Chapter 18 – Panahon ng Pag-aaral (Ikalawang Bahagi)

Isang buwan ang lumipas pagkatapos maging magi ng second rank ni Linley.

Sa loob ng klase ng first grade wind magic.

Isang beses lang sa buwan kung pumasok si Linley sa kaniyang earth magic class, pero lagi siyang naroroon sa wind style magic class. Ngayong araw ay nakaupo siya sa kaniyang laging pwesto.

"Linley, dumating ka." Pagkaupo palang ni Linley ay may isang nakakabighaning batang babae na tumabi sa kaniya.

Pagkakita sa dalagita ay ngumiti si Linley. "Delia, maaga ka ngayon ah. May oras pa bago ang susunod na klase." Nakakatuwa siyempre na makatabi sa upuan ang isang magandang babae. Natural na hindi ito itataboy ni Linley.

Hindi pangkaraniwan si Delia.

Ang kapatid nitong lalaki ay si Dixie na siyang numero unong henyo ng buong Ernst Institute, at mailalarawan bilang isang talentong matatagpuan lamang isang beses kada siglo. Si Dixie rin ay isang dual element magus at ang elemental essence affinity nito ay exceptional. At isa pa, ito ay isang supremong talento na may spiritual essence na 68 beses kaysa mga kaedaran nito.

Bilang kapatid nito, siyempre si Delia ay hindi rin pangkaraniwan at isa ring nakakamanghang talento.

"Kasi lagi kang pumupunta dito ng maaga." Ngumiti si Delia.

Naupong magkatabi ang dalawa saka nagsimulang magkwentuhan. Lumipas ng mabilis ang oras at bago pa nila mamalayan ay nagsisimula na ang klase. Mabibong nagpapaliwanag sa harapan si Instructor Trey samantalang si Linley na nakaupo sa ibaba ay matamang nakikinig. Pero manaka-naka'y palihim siyang sinusulyapan ni Delia.

"O siya, ang klase ngayong araw ay tapos na. Pero bago ko kayo paalisin ay may kailangan muna akong ipaalam sa inyo." Nakangiting wika ni Trey.

Nagkaingay ang mga estudyante.

"Alam ng mga datihan dito ang tungkol sa tradisyon nng Ernst Institute. Sa huling dalawang buwan ng bawat taon ay may nagaganap na yearly tournament. Ang yearly tournament ang laging pinakamaingay at pinakamagulong panahon dito sa Institute. Ang mga mananalong estudyante ay may mataas na tsansang mabansagang 'superior' pagka-graduate nila. Pagka-graduate nila ay tiyak na maiimbitahan silang maging maharlika o mataas na opisyal sa Apat na Dambuhalang Imperyo." tumawa si Instructor Trey.

Lahat naman ng mga estudyante sa ibaba ay nagsimulang ma-excite.

Sa Ernst Institute ay kasing dami ng ulap ang mga talento. Ang numero unong problema ng mga estudyante dito ay ang katigasan ng ulo nila pagdating sa kung sino ang talagang malalakas kasi walang gustong umamin na may mas nakakataas sa kanila!

Ito ang dahilan kaya ang yearly tournament ay naging daan para maging kilala. Halos 90 % ng mga estudyante ay magtutuon ng pansin sa tournament, at lahat ng may ibubuga ay sasali.

"Siyempre, tayong mga wind practitioners ay sasali din at lalaban. Lahat ng interesadong sumali, sabihin na." Nakangiting turan ni Instructor Trey, pero ang tingin nito ay nabaling kay Linley.

"Instructor, sasali po ako." Nagsimulang mag-iingay ang mga estudyanteng gustong sumali.

"Mahusay." Naglabas si Instructor Trey ng isang duck feather quill pen at nagsimulang magtatala ng mga pangalan, pero pagkatapos magsulat ng mahigit sampung pangalan ay natanto nitong abala sa pakikipagkwentuhan si Linley kay Delia, at mukhang walang pakialam sa pagsali.

Nilapitan ni Trey ang mga ito.

Napaangat ng tingin si Linley at saka magalang na bumati, "Instructor Trey." Ang katabi niyang si Delia ay nagbigay-galang din.

Coiling Dragon Book 2 (Growing Up)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon