B2C12

1.3K 83 10
                                    

Chapter 12 – Mga Bilin

Lumipas ang mga panahon at sa isang kisapmata lang ay nagdaan ang ilang buwan. Maraming mga bagong puno ang nagsimulang sumibol sa bayan ng Wushan na siyang nagbibigay sa lugar ng ere ng tagsibol.

Sa ilalim ng isang puno ng pino.

Nakaupo doon si Linley na magkakrus ang dalawang binti habang nasa meditative trance at nag-iinam ng mageforce.

Pagpakapasok sa meditative trance ay malayang napapakiramdaman ni Linley ang maraming kulay-lupang butil ng liwanag at berdeng butil ng liwanag. Ang mga hindi mabilang na butil na ito ng liwanag ay patuloy sa pag-ikot sa kaniyang katawan, at patungo sa kaniyang mga kamay, paa at mga buto ay naging puro at naimbak sa kaniyang central dantian sa may dibdib.

Sa loob ng kaniyang panggitnang dantian ay mayroon ngayong parang usok na earthen mist na humahalo sa parang usok na green mist.

Ang parang kulay-lupang hamog ay ang kaniyang earth element mageforce, samantalang ang green mist ay ang kaniyang wind element mageforce.

"Whew." Dahan-dahan siyang huminga, at saka lumabas sa kaniyang meditative trance.

Noon ay nakadekuwatro sa tabi niyasi Doehring Cowart na nakasuot ng moon-white robe at nakangiti habang minamasdan ang kapaligiran. Pagkakitang gising na si Linley ay tumawa ito. "Linley, paalis ka na bukas para sa Ernst Institute pero ang sipag mo pa rin ngayon?"

Kumurba ang mga labi ni Linley sa isang ngiti. "Lolo Doehring, sa pagkakatanda ko ikaw ang nagsabing ang isang malakas na combatant ay kailangang magsikap sa araw-araw at huwag magpakakampante kahit isang sandali. Tanging matagalang pagsasanay lang ang makakapagbigay ng malakas na kapangyarihan."

"Batang ito, ako ba'y pinapangaralan mo na?" Tumatawang 'sita' ni Doehring sa bata.

"Hehe," napangisi lang si Linley.

"Woosh!" Mula sa malayo ay may dumating sa kanilang isang itim na anino na sa isang kurap ay biglang napunta sa balikat ni Linley. Ito ang Shadowmouse na si 'Bebe'. Sumandal ang batang si Bebe kay Linley samantalang ito ay wari-wariang ngumuya habang itinuturo ang patay na rabbit sa malapit.

Sa mukha pa lang ni Bebe ay alam na niya kung anong gusto nito.

"Gusto mong iluto ko iyan?" Tumatawang tanong niya.

Paulit-ulit namang tumango si Bebe.

"Linley." Nangusap sa isipan si Doehring Cowart sa kaniya. "Medyo wirdo ang Shadowmouse mo. Ilang buwan na ang nakalipas pero parang hindi ito lumalaki. Normal kasi sa mga sanggol na Shadowmouse na madaling makita ang pagbabago sa laki nila."

"Wala rin akong ideya." Umiling-iling siya.

Pero bagamat hindi lumalaki ang Shadowmouse na si Bebe, ay tuloy-tuloy naman ang pagbilis nito.

"Nakapagtataka talaga." Anang Doehring nang balingan si Bebe. Sa ngayon ay walang kaalam-alam si Bebe na may isang espiritu na kinikilatis siya sa isipan.

"Medyo gumagabi na. Kailangan ko ng simulan ang pagsasanay ng mga warrior." Tumayo si Linley at pagkakuha sa patay na hare ay saka lamang nagsimulang bumaba ng bundok. Lumipad sa tabi niya si Doehring at inis nitong sinabi, "Linley, sa hinaharap ay magiging magus ka. Bakit ka pa rin nagsasanay sa pagka-warrior?"

Tumawa lang ang bata, "Lolo, napag-alaman ko na kaya akong tulungan ng warrior training ko na mas pataasin ang endurance ko. Hindi nga ba't kapag mataas ang endurance ay maari ring tumaas ang spiritual essence?"

"Siyempre, alam ko iyan." Nakasimangot na saad ng matanda. "Pero anong panama ng mga basic training methods na iyan sa meditative trance kung ang gusto mo lang din ay pataasin ang spiritual essence mo?"

Coiling Dragon Book 2 (Growing Up)Where stories live. Discover now