B2C19

1.2K 113 8
                                    

Chapter 19 – Sino ang Numero Uno? (Unang Bahagi)

Sa bundok na nasa likuran ng Ernst Institute, isang lugar ng katahimikan.

Nakaupo ng magkakrus ang mga binti si Linley sa tabi ng umaagos na tubig. Habang nakikinig sa mga bulong ng tubig ay natural siyang nakapang-meditative trance at ang mga kalapit na earth essence at wind essence ay agad na nagsipagningningan. Ang lahat sa mahigit sampung metro sa paligid niya ay naging napakalinaw para makita ng mata.

Lumubog sa kaniyang mga braso at binti ang mga earth at wind essence samantalang patuloy sa pag-iinam ang kaniyang laman, buto at mga lamang-loob ng essences. Mabagal pero tiyak, patuloy sa pag-akyat ang lakas ng kaniyang katawan.

Isa pa, ang marami sa kaniyang nakalap na mga wind at earth essences, matapos ang pag-iinam, ay nagpupunta sa kaniyang central dantian na nasa gitna ng kaniyang dibdib.

"Splash, splash." Patuloy sa pag-ugong ang umaagos na tubig.

Sa tabi niya ay naroon ang munting Shadowmouse na si Bebe na patuloy sa pagnguya sa isang ligaw na bibe. Ang tagpo ay kasing-payapa ng isang pinta, na akala mo ba ang tagpo ay galing mismo sa isang larawan.

Pero habang payapa dito ay masyado namang maingay sa Ernst Institute. Lahat ng mga libo-libong estudyante, pati ang mga magi at maraming importanteng tao na taga-labas ay nanonood sa iba't-ibang labanan.

Ang taunang patimpalak.

Lahat ng estudyante ng Ernst Institute ay mga talentong pinagpala ng kalangitan at mga nagtataglay ng matataas na pride.

Bawat isang labanan ay nakakamanghang panoorin. Sa mga estudyante ng unang baitang ay nagliliparan dito at doon ang mga bola ng lupa, liwanag ng kidlat, at patalim ng mga hangin. Pero ang mga duwelo ng mga estudyante sa ikatlo at ikaapat na baitang ay talagang nakakagulat. Maraming mga supportive spells at mga area of effect spells ang nagamit. Dose-dosena at halos umabot sa isandaang mga naglalakihang bato ang mayroon sa 'Shattered Rocks' nila na siyang ibinabato sa ulo ng kanilang mga kalaban, at wala ring tigil sa pagbaba ang kidlat sa kalupaan.

At ang sa mga nasa ikalima at ikaanim na baitang? Mas nakakagilalas ang sa kanila.

Lahat ng uri ng nakakagulat na mga spells ay patuloy sa pagkislapan kaya ang lugar ay balot sa walang tigil na tunog ng pagsabog. Walang tigil naman sa paghihiyawan ang mga estudyante samantalang ang enerhiya sa lugar ay umaabot sa rurok. Halos lahat ng tao sa Institute ay naroroon.

...

Lagpas isang buwan ang itinagal ng yearly tournament na siyang nagiging pinakamaingay at pinakamagulong buwan sa bawat taon ng Ernst Institute. Noong mga panahong iyon ay minsanan lang manood si Linley ng laban ng mga taga-fifth grade at sixth grade. Ang mga nalabing oras ay itinuon niya sa tahimik na pagsasanay ng mag-isa.

"Sa tournament na iyon ay bawal kang pumatay at bawal ding sumubok pumatay ng sadya ng kalaban. Paano nila naatim tawaging totoong kumpetisyon ang ganoon kung nakatali naman ang mga kamay at paa?"

Sa impluwensiya ni Doehring Cowart ay hamak na rin sa paningin ni Linley ang Kumpetisyon.

"Linley, ang kailangan mong gawin ay magsanay mabuti at magpalakas. Kung karanasan sa pakikipaglaban lang din ang usapin, kapag naging magus ng fifth rank ka na ay saka ka pumunta sa Mountain Range of Magical Beasts at makipagbuno para sa ilang totohanang karanasan sa buhay at kamatayan." panghihikayat ni Doehring kay Linley.

...

Ang Huadeli Hotel ang pinakamahal na hotel at restaurant sa loob ng Ernst Institute. Ngayong gabi ay sagot ni Yale ang marangyang salu-salo ng mga magbo-bro ng dorm 1987 dito sa Huadeli Hotel.

Coiling Dragon Book 2 (Growing Up)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon