B2C22

1.3K 107 3
                                    

Chapter 22 – Proulx Gallery (ikalawang bahagi)

Ang Proulx Gallery.

Ito ang numero unong bulwagan ng sining para sa mga lilok na iskulto. Bawat isang malalaking siyudad sa kontinente ay may sangay ng Proulx Gallery. Napakalaking lupa ang sinakop nito at ang karamihan sa mga pumapasok sa gallery ay mga taong maalam sa kultura at mga may pinag-aralan.

Sa loob ng Proulx Gallery, kung masyadong marami ang mga suot-suot mong magic rings ay malaki ang tsansang ikaw ay malait at masabihan na walang klase.

Sining, sopistikasyon!

Iyon ang mga bagay na talagang pinapahalagahan sa lugar na ito.

Isang gold coin kada tao ang bayad para makapasok sa loob.

Mula sa Proulx Gallery, ang tunog na 'ding-dong' ay umalingawngaw na kasing-linaw ng ingay ng isang bukal sa bundok. Nagdudulot ang tunog sa mga tagapakinig ng mapayapang pakiramdam. Hindi mabilang na tao ang dumadaan sa tarangkahan at marami sa kanila ay mahaharlikang maginoo, mga mahaharlikang dalaga at naggagandahang dilag na nakadamit ng mainam sa panlasa.

At ang mga karaniwang mamamayan naman sa harapan ng Proulx Gallery ay magalang umasal dito ng hindi nila namamalayan.

Nang dumating sa Proulx Gallery sina Linley kasama na sina Cass at ang bantay nila, alam na ng lahat ng may disenteng kaalaman na ang suot nila ay unipormeng pang-Ernst Institute. Pagkakita sa Blue-Eyed Thunderhawk sa balikat ni Cass ay naging natural ang pagiging napakamagalang at hospitable nila.

"Uncle Cass, sumama ka sa amin. Maghintay na lang dito sa labas yung tatlo." ang utos ni Yale.

Pagkatapos niyon ay pumasok na sa bulwagan sina Linley, ang tatlo niyang bros at si Cass. Sa main hall ng Proulx Gallery ay may isang malaking rebulto na hugis tao. Ang lilok na ito ay ang mismong numero unong grandmaster sculptor na si Proulx.

Masyadong tahimik sa buong Proulx Gallery.

Halos lahat doon, anuman ang kalagayan sa lipunan ay nagsasalita lamang ng pabulong upang hindi makaabala sa iba.

Isa-isang minasdan nina Yale, Reynolds, George at Linley ang mga batong rebulto doon, at sa puso nila ay napapakiramdaman nila na ang mga lilok na naroroon ay walang kapantay sa kagandahan.

"Nahahati sa tatlong bulwagan ang exhibits ng Proulx Gallery; ang main hall, expert's hall, at ang master's hall. Ang main hall ay puno ng mga lilok na ipinalagay doon ng ilang eskultor para mapresyuhan at bilhin ng mga magkakagusto doon. Ang bawat likha ay nakalagay doon ng isang buwan, at pagkatapos ng isang buwan, ang lilok ay mapapanalunan ng may pinakamataas na bid. Ilang gold coins lang ang halaga ng mga ordinaryong lilok na iyon, at yung ilang magaganda ay nagkakahalaga ng ilang dosenang gold coins."

Tumatawa si Yale habang nagpapaliwanag. "Pero iba sa expert's hall. Nahahati sa maraming pang-isahang kuwarto ang eksibisyon sa expert's hall, at bawat lilok ay may sariling kuwarto. Sa pagsusuma, ang isang 'expert' ay isang taong tanyag ang husay sa paglililok sa madla, at karamihan sa mga lilok ng mga ekspertong ito ay nagkakahalaga ng ilang libong gold coins."

"Para naman sa master's hall, aba'y mas nakakamangha doon. Sa pinakalooban ng gallery ay may napakakaunting bilang lamang ng master's sculptures. Nakakalula sa taas ang presyo ng mga lilok doon. Alinman sa mga iyon ay madaling presyuhan ng sampu-sampung libong gold coins, at ang iba pa ngang obra-maestra ay nagkakahalaga ng daang-daang libong gold coins." Detalyadong nagpaliwanag si Yale sa tatlo.

Huminto ang paghinga ni Linley.

Anuman sa mga obra ng isang master sculptor ay nagkakahalaga ng sampung libong gold coins. Para sa isang master sculptor, walang halaga ang pera.

Coiling Dragon Book 2 (Growing Up)Where stories live. Discover now