B2C15

1.2K 103 1
                                    

Karamihan sa mga estudyante ng Ernst Institute ay naglalagi ng ilang dekada doon kaya naman ang mga magkakasama sa dorm ay nagiging malalapit na magkakaibigan. Kahit pa sabihin na medyo mature sina Yale, Reynolds, Linley at George kumpara sa ibang mga kaedad nila, sa puso nila ay mga bata pa rin sila.

Matapos magkwentuhan ng maikling oras ay naging napakalapit agad nila sa isa't-isa.

"Mga bro ko, tara't sulitin ang araw sa paglilibot sa campus natin. Tapos mamayang gabi ay ililibre ko kayo ng hapunan! Haha." Pinalo ni Yale ang dibdib saka mabibong sinabi iyon.

"May magicrystal card ang isang ito. Kapag hindi tayo nagpalibre sa kaniya, kanino tayo magpapalibre?" tawa ni Reynolds

Parehong bata pa rin naman sina George at Linley at agad na ngumisi na pagngkontrabida.

"Squeak squeak!" Nang sandaling iyon ay bigla namang inilitaw ng munting Shadowmouse na si Bebe ang ulo mula sa damit ni Linley. Kagigising lang nito at medyo nakakaramdam ng pag-iisa kaya inilitaw nito ang ulo.

"Whoah, ano iyan!" Natakot si Reynolds kaya napatalon.

"Bebe, nagising ka na?" Tumawa si Linley saka hinagod ang maliit na ulo ni Bebe. Ipinikit ni Bebe ang mata sa tuwa at pagkatapos ay iminulat ulit para tingnan sina Reynolds, Yale at George. Tatlong beses nitong isininghal ang ilong na para bang minamaliit nito ang tatlo.

"Magical beast, isang magical beast! Nakakita na ako ng ganiyan sa mga libro." Maya-maya'y sigaw ni Yale.

Nagulat naman sina Reynolds at George. "Linley, may magical beast companion ka?"

Pare-pareho silang mga bata. Paano sila makakapagpasuko ng isang magical beast sa kanila?

"Sanggol palang si Bebe. Binigyan ko siya ng ilang pagkain na nagustuhan naman niya. Tapos nagkaroon na kami ng soulbinding contract." tawa niya.

"Mahabaging langit, isa iyang magical beast! Linley, ang galing-galing mo. Simula pagkabata ko ay nangangarap akong magkaroon ng ganiyan." Tiningnan ni Yale si Bebe, ang mga mata nito ay nagniningning. "Bagamat kaya kong magkaroon ng soulbinding formation scrolls ay hindi ko naman kayang magapasuko ng isang magical beast sa akin." dagdag nito sa nalulungkot na tono.

"Hindi mo kayang magpaamo ng isang magical beast? Kahit sanggol?" tinawanan ito ni Linley.

Umiling si Yale. "Ni hindi pa ako magus ng first rank. Kung lakas ko ang pagbabasehan, siguro kaya kong sanayin ang isang magical beast ng first or second rank, pero ano namang silbi ng ganoong kahinang companion? Yung mga sanggol naman ng mga magical beasts ng seventh o eighth rank ay napakahirap makuha. Isa pa, kahit sanggol lang ang mga iyon ay tiyak na mas malalakas pa rin sila sa akin."

Tahimik na sinang-ayunan siya ni Linley.

Sa kasalukuyan ay kasing-lakas ng isang magical beast ng fifth rank ang munting Shadowmouse niya. Higit itong mas malakas kaysa sa kaniya. Pero dahil kasa-kasama niya ito ng kalahating taon kaya alam niya na hindi ito lumalaki. Iyon ang nakakapagtaka para sa kanila ni Doehring Cowart.

"Linley, ang pangalan ng Shadowmouse na ito ay Bebe? Pwede ko ba siyang yakapin?" Napako sa munting Shadowmouse ang mga mata ni Reynolds.

"Bebe?"

Agad namang tinanong ni Linley si Bebe sa pamamagitan ng soul link nila.

"Hindi, ayoko!" Kaya ring magpadala ng ilang simpleng intensyon ni Bebe kay Linley sa pamamagitan ng soul link. Kasabayan niyon ay iniamba ni Bebe ang mga pangil kay Reynolds. "Squeak squeak!" Malakas itong nag-squeak, at halatang galit na galit ito.

Napalabi ang bata sa pagkadismaya.

"Reynolds, may sasabihin ako sa iyong sikreto. Mahilig kumain si Bebe ng inihaw na karne. Kung sa hinaharap ay mapapakain mo siya ng ilang inihaw na bibe o manok, naniniwala akong babait siya sa iyo." Tumawa si Linley pagkakita sa mga mata ni Reynolds na agad nagliwanag.

Coiling Dragon Book 2 (Growing Up)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon