B2C21

1.3K 102 1
                                    

Book 2 – Growing Up

Chapter 21 – Ang Proulx Gallery (Unang Bahagi)

Magkasamang itinatag ng Four Great Empires ng kontinente ng Yulan ang Golden Bank of the Four Empires. Ang mga taong may kapabilidad na magbukas ng magicrystal card account sa bangkong iyon ay walang dudang mga mapeperang nilalang. Ang mga normal na mamamayan kasi ay hindi maaatim na mawalay sa malaking halaga ng pera dahil ang mismong card ay nagkakahalaga ng isandaang gold coins.

Ang sampung libong gold coins, kapag hinati sa mga gapalad na pitaka, ay sapat para pumuno ng isandaang ganoon. Kahit ang isang sako ng bigas ay mapupuno hanggang kalahati at magiging napakabigat.

"Isang daang gold coins, wala na agad." Habang naglalakad paalis sa lokal na sangay ng Golden Bank of the Four Empires sa loob ng Ernst Institute ay hindi mapigilan ni Linley ang mapabuntong-hininga. Sa ngayon, nakatago sa may dibdib niya, ay mayroon na siyang magicrystal na pag-aari niya mismo.

Alam ni Linley na habang nananatili siya sa Ernst Institute, kung maglalagay siya sa dorm niya ng malaking bungkos ng salapi ay tiyak na hindi iyon magiging ligtas doon. Ang pinakamagandang pwedeng gawin ay ilagay lahat ng iyon sa magicrystal card.

Isang dapat malaman na ang halaga ng pagpapagawa ng card ay hindi mababa. Siglo-siglo ang ginugugol ng mga master goldsmiths para gawin iyon, at bawat card ay nakatalaga lang sa fingerprints ng may-ari. Ito ang dahilan kung bakit ang bawat magicrystal card ay maaari lamang gamitin ng orihinal na may-ari.

Ito rin ang dahilan kung bakit nagkakalahalaga ng isandaang gold coins ang isang magicrystal card.

"Dahil sa sampung libong gold coins na ito ay may panggastos na sa buong pananatili ko dito sa Ernst Institute, at marami pang sosobra. Makakatulong din ako kay Papa." Napakasaya ng pakiramdam ni Linley.

Nakaakbay si Yale sa kaniya, at sumisipol ito samantalang tuwang-tuwang nakatingin kina Rand.

Inilabas lahat nina Rand at ng tatlo pa ang lahat ng kanilang pang-araw-araw na panggastos kaya malamang sa hindi na ang natira na lang sa mga ito ay isang libong gold coins. Pero mabuti na lang at patapos na ang taon.

Kalmadong nakangiti rin sina Reynolds at George, at nagbibiruan sa tabi ni Linley.

Pero ang toto, noon ay ang laki ng dinanas na hirap noon nina Reynolds at George.

"Second bro, third bro, fourth bro, bukas, sa huling araw ng buwan, ay pupunta dito ang ama ko. Sa oras na iyon ay magpapahanda ako ng ilang karwahe at mga guwardiya. Saan kaya tayong apat pwedeng magpunta?" saad ni Yale.

"Sa Holy Capital?"

Nagningning ang mga mata nina Reynolds, George at Linley.

Ang Fenlai City, ang Holy Capital, ay hindi pangkaraniwang siyudad.

"Magandang ideya ang Holy Capital. Sa buong biyahe ko mula O-Brien Empire ay dalawang araw lang akong naglagi sa Fenlai City. Ni hindi pa ako nakakabisita sa kahit saan doon." Agad na sabi ni Reynolds.

Tumango parehas sina George at Linley.

"Maraming pwedeng bisitahin sa Holy Capital. Dadalhin ko kayo doon para palawigin ang mundo niyo." ang misteryosong sabi ni Yale.

...

Pagsapit ng madaling araw, kinabukasan ay sabay-sabay na nag-agahan sina Yale at pagkatapos ay dumiretso sa main gate ng eskuwelahan para hintayin ang mga bantay-saradong karwahe ni Yale.

Matapos maghintay ng dalawang oras ay wala pa rin ang karwahe.

"Squeak squeak." Si Bebe na noon ay nakadapo sa balikat ni Linley ay nagsimulang mag-iigik.

Coiling Dragon Book 2 (Growing Up)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant