B2C11

1.3K 79 0
                                    

Chapter 11 – Ang Secret Dragonblood Training Tome (ikawalang bahagi)

"Ang Secret Dragonblood Training Method?" Napatingin si Linley ng may pagtataka sa ama.

Ngumiti si Hogg. "Hindi lang iyan basta Secret Dragonblood Training Method. Ang tomo na iyan ay nagtatalakay din sa maraming bagay na may kinalaman sa ating Baruch clan. Nakapalood diyan ang Secret Dragonblood Training Tome, pati na ang kaparaanan kung paano lumikha at kumontrol ng Dragonblood Needles, at ang kasaysayan ng ilang elders ng ating angkan."

Maingat siyang nagpalipat-lipat ng mga pahina.

Oo nga, ang libro ay nahahati sa apat na bahagi. Ang una ay tungkol sa 'Secret Dragonblood Training Tome', samantalang ang mga natira ay tungkol na sa angkan.

"Linley, kahit na mapunta sa kamay ng mga hindi natin kaangkan ang aklat ay ayos lang dahil wala namang kahit sinong tagalabas ang may kakayahang sanayin ang Secret Dragonblood Training Method. Tungkol naman sa kasaysayan ng ating pamilya, ano naman kung may makaalam na iba? Hindi lang iyan, marami tayong kopya ng tomong ito. Sa paglipas kasi ng napakaraming taon ay naging alikabok na ang orihinal na libro." Tumatawang saad ng lalaki.

Napatawa rin si Linley.

"Oo nga naman. Kahit makuha nga naman ito ng iba ay walang kaso." Agad na sinimulan ni Linley ang paglilipat-lipat ng mga pahina saka binasa ang bawat bahagi.

Secret Dragonblood Training Tome, Unang Kabanata.

"Kung may sinumang nagnanais na gamitin ang Secret Dragonblood Training Method, kailangan niyang gisingin ang dugo ng Dragonblood Warriors na nananalaytay sa kaniyang ugat. May dalawang paraan para gisingin ang dugo ng dragon. Ang unang paraan ay nangangailangan na maging liglig ang Dragonblood sa mataas na densidad. Pero kung hindi naman sapat ang dami ng kaniyang Dragonblood, ay mayroon pa ring ikalawang paraan..."
Napatulala siya sa nabasa.

Maliban sa pagtataglay ng mataas na densidad ng Dragonblood ay mayroon pang isang pwedeng gawin? Bakit wala pa kahit isang miyembro ng pamilya sa mga nakakaraang dantaon ang nakagawa niyon?

"Ang ikalawang paraan ay ang pag-inom ng maraming dugo ng isang buhay na dragon, o ng isang dragon na kamamatay pa lamang ng ilang minuto. Mas bababa kasi ang tsansang magising ang Dragonblood kapag matagal ng patay ang dragon! Sa pag-inom ng maraming dugo ng dragon ay magigising ang taglay na Dragonblood na nasa ugat ng isang kaangkan. Para sa pinakamainam na resulta, uminom ng dugo ng isang dragong nasa Saint-level. Mas mababa kasi ang tsansang magising ang Dragonblood kung ang iinumin lang ay dugo ng isang dragong nasa ninth rank."

Mas natulala ngayon si Linley pagkabasa niyon.

"Ang gagaling naman ng mga elders ng angkan namin. Naisip pa nila ang ideyang iyon para lang magamit ang Secret Dragonblood Training Method." Hindi malaman ngayon ni Linley kung iiyak ba o tatawa.

"Uminom ng dugo ng isang buhay na dragon, tapos kailangang Saint-level? Linley, ang huhusay ng mga ninuno mo." Lumitaw si Doehring sa tabi niya at sinamahan siya sa pagbabasa. Pagkakita nito sa pangbungad na talata ay nagulat din ito.

Siyempre hindi napansin ni Hogg ang pagsulpot ng matandang magus. Mapait itong napangiti kay Linley, "Linley, nakita mo ba? Base sa ating mga ninuno, mayroong likas na dugo ng dragon sa ating mga ugat. Para gisingin iyon ay may dalawang pwedeng gawin. Pero ang ikalawang paraan ay nangangailangan ng dugo mula sa isang buhay na dragon. Paanong magiging madali iyon? Hindi lang iyon... Linley, pumunta ka sa hulihan at tingnan iyon."

Inilipat niya ang mga pahina.

"Ang masaklap kasi ay napakadelikado ng pag-inom ng buhay na dugo ng dragon. Masyadong matapang ang dugo ng dragon. Kung ipapahid ito sa katawan ay may kakayahan itong palakasin ang lakas ng madalian. Pero, ang kasamang sakit niyon ay kapara ng sa isang binabalatan ng buhay. At iyon ay para lang sa panlabas na paglalagay. Kung iinom iyon ng kahit na sino, ang katawan niya ay magiging para bang sinisilaban, sa puntong kaya siyang sunugin hanggang mamatay, ang mga ugat ay sumasabog, na siyang magdudulot ng agad na pagkamatay."

Coiling Dragon Book 2 (Growing Up)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt