B2C14

1.3K 110 2
                                    

  Chapter 14 – Bros ng Dorm 1987 (Unang Bahagi)  

"Whew, pagod na ako. Linley, bakit parang hindi ka man lang napagod?" Hingal na hingal si Reynolds pero wala man lang nararamdamang hapo si Linley.

"Ano ba iyan, pagod ka na agad?" Nagsimula siyang tumawa. Gaano lang ba ang layong tinakbo nila?

Ni hindi nga siya gaanong napagod nang takbuhin niya ang Wushan township hanggang Ernst Institute.

"Hey, ilagay niyo lang iyan diyan. Ayan. Ibaba niyo iyang kahon diyan. Ingatan niyo. Kapag iyan nabagsak, wala kayong pambayad diyan!" Galing sa loob ng dorm 1987 ang isang malinaw na boses ng isa pang bata. Nagkatinginan sina Linley at Reynolds bago mausisang pumasok. Pagkapasok pa lang ay agad nilang nakita ang maraming mga maskuladong kalalakihan na abalang nagbubuhat ng mga gamit.

Sa may gitna ay nakatayo doon ang isang kabataan na may magarang pananamit at minamanduhan ang mga maskuladong kalalakihan.

Pagkakita nito sa kanilang dalawa ay nagliwanag ang mga mata nito saka tuwang-tuwa silang sinalubong. "Haha, kayo ang mga dormmates ko, hindi ba? Kanina pa ako naghihintay sa inyo, guys. Hanggang ngayon kasi ay ako palang ang nandito. Hayaan niyo akong magpakilala. Ako si Yale, at medyo masasabing pumasang awa lang ako para maging miyembro ng Holy Union."

"Anong ibig mong sabihin na pumasang awa ka lang para maging isang taga-Holy Union?" wika ni Reynolds sa sarili bago nagsalita ulit, "Ako naman si Reynolds, galing akong O'Brien Empire."

"Ang pangalan ko ay Linley. Taga-Fenlai Kingdom ako na sakop ng Holy Union." Nginitian niya ito.

Bilang dormmates sa matagal na panahon, sa hinaharap ay magsasama sila ng matagal.

"Oh, Reynolds, Linley, masaya akong makilala kayong dalawa. Hoy, saan na napunta yung mga gamit pang-ehersisyo ko?" Baling ni Yale sa mga tagasilbi nito.

"Gamit pang-ehersisyo?" Kumurap si Reynolds sa lalaki. "Yale, para saan naman ang mga iyon? Magiging warrior ka ba?"

Kinunot ni Yale ang ilong saka humagikhik. "Bagamat isa akong kagalang-galang na magus ay kailangan ko pa ring mag-work out at magkaroon ng magandang pangangatawan. Kung hindi, paano ako makakapang-akit ng babae? Ang dami pa man ding naggagandahang babae sa mga magi. At ang kababaihang magi ng Ernst Institute ay hindi lamang magaganda, may class din sila. Isa pa, mas madaling magmayabang kapag may girlfriend ka."

"Uh..." Walang masabi si Reynolds.

Hindi rin alam ni Linley ang dapat sabihin. Pagkakita pa man din niya sa mga gamit pang-ehersisyo ay parang gusto niya ring mag-work out. Hindi lang niya inakala na kaya para gustong mag-bodybuildinng ni Yale ay para mang-akit ng babae.

"Walong taong gulang ako. Ikaw, Yale?" Halatang bukas naman sa usapin ang isipan ni Reynolds.

Masyadong matangkad si Yale. Ang nuwebe anyos na si Linley ay may tangkad nang 1.5 metro pero si Yale ay kalahating ulong mas matangkad sa kaniya.

"Ako? Sampung taong gulang. Haha, pero hindi na ako bumabata. Naiwala ng kuya ko ang virginity niya noong dose anyos palang siya. Kailangang magsagawa ng maagang preparasyon." Nagningas ang mga mata ni Yale.

Ang mga tingin ni Reynolds ay nagtatanong. "Anong ibig sabihin ng 'pagkawala ng virginity'?"

"Oo nga, anong ibig sabihin ng hindi na pagiging virgin?" Mausisang tanong din ni Linley.

Habang nakatingin si Yale sa dalawang ka-dormmates ay wala siyang masabi. Sa tabi naman ni Linley ay todo hagalpak ng tawa si Doehring Cowart habang nakahawak sa tiyan. Na-curious siyang lalo. "Lolo Doehring, bakit ka tumatawa?"

Coiling Dragon Book 2 (Growing Up)Where stories live. Discover now