456 22 23
                                    

~

You think you got everybody fooled, don't you?

And no matter how hard you try to deny it.

I can tell you care so much about him not just as a friend.

Admit that you love him.

And I know that you do.

Admit the truth.

You love him, don't you?

Then, tell him.

~

Ilang taon na ba kayong magkasama?

Hindi ba't matagal-tagal na?

Ilang taon na ba kayong magkaibigan?


Nakalimutan mo na ba?


Yung dati niyong pagsasama...



Yung saya niyo kahit kayo lang dalawa...


Yung mga ngiti kapag kasama niyo ang isa't-isa...


Yung pagkakaibigan niyo na walang makakapigil...


Ganun pa rin ba?

Wala bang nagbago?


Wala bang nawala sa inyo?


O baka hindi niyo lang pinapansin hanggang ngayon?


Eh ikaw?

Naamin mo na ba?

Nasabi mo na ba sa kanya?


Yung nararamdaman mo kapag nakikita mo silang dalawa...

Yung mga tingin na tinatago mo sa kanya...

Yung saya mo pag nandyan siya...

Yung pangungulila mo sa presensya niya...

Yung pagkabog ng dibdib mo kapag kasama siya...

Yung sakit na hindi mo maintindihan...

Nagtapat ka na ba?

Nasabi mo na ba ang problema?

Yung nararamdaman mo...

Naipa-intindi mo na ba sa kanya?

O hanggang ngayon,

Takot ka pa?


Alam na ba niya?

Na mahal mo siya?

Mahal mo siya, diba?

Kahit na anong gawin mong pagtago...

Kahit na ilang beses mong itanggi...

Kahit na patuloy mong ialis sa isip mo...

Kahit na patuloy mong iniisip na hindi totoo...

Kahit na iwasan mo siya...

Halatang-halata na...

Mahal mo siya...

Mahal na mahal...


At nasasaktan ka nung mga oras na para bang nawala ang ilang taon niyong pinagsamahan....


Nasasaktan ka nung mga oras na nakikita mong may kasama siyang iba...


Nasasaktan ka sa mga oras na para bang binabalewala ka lang niya...

Nasasaktan ka dahil iniisip mo...


Iniisip mo na wala ka ng halaga sa kanya...


Bakit?

Natanong mo na ba siya?


Kung ano ang nararamdaman niya?


Hindi mo ba alam?



Na nasasaktan din siya nung mga oras na akala niya wala na ang pinaka-iingatan niyong pagkakaibigan...


Nasasaktan din siya nung mas lalo mo siyang nilalayuan nung mga panahong umiiwas siya...


Nasasaktan din siya nang akala niyang wala ka nang pakialam sa kanya...

Nasasaktan din siya habang iniisip na...


Iniisip niya na wala na ang koneksyon niyong dalawa...

Pero alam mo ba?

Mahal ka din niya...

Mahal na mahal katulad ng pagmamahal mo sa kanya...

Pero natakot kayong dalawa...

Natakot kayo na baka wala kayong nararamdaman pa sa isa't-isa...

Natakot kayo na baka hindi niyo na gusto ang isa't-isa...

Natakot kayo.

Pero tama na.


Umamin na kayong dalawa.


Kasi parehas niyo naman mahal ang isa't isa...

Wag ka ng matakot...


Mahal mo siya, diba?

~

wag kang matakot aminin ang nararamdaman mo, dahil sa pagmamahal, dapat handa kang masaktan, handa kang magtaya, at handa kang lumaban.

sana gawin yun ng jicheol/coupzi sa totoong buhay ♥

~

A/N: okayyy, sorry kung pangit.. bigla nalang kasi pumasok sa isip ko kakapanood ng mga videos ng jicheol... kaya yun, nalulungkot lang ako kasi sana napanatili nila yung closeness nila nung trainees palang sila...yun lang naman :))

P.S.: pinagiisipan ko pa kung gagawin ko 'tong story o hindi na. kaya please tell me your thoughts and ideas guys... itutuloy ko pa ba 'to? o okay na?

thank you :))

— leewoozied

Mahal Mo Siya, Diba? ► jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon